u n c n s r d 19

53.3K 1.9K 854
                                    

u n c n s r d 19

"in love na ata ako, inangyan."


Isang himala na madatnan si Gio nang alas-syete nang gabi na walang kasamang panibagong babae. Kagagaling ko lang sa simbahan, sinamahan si Aris para mag birthday celebration pero si Gio – ayun, tahimik sa tapat ng computer. Ako ba ang nagsimba o siya?

Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

Weirdo.

Bakit ngumingiti na ang kumag?

Tumango lang ako, umakyat at nagbihis sa kwarto. Tinext ko si Aris ng salamat sa oras at nag-reply na siya ng salamat din. Dahil pinagbigyan niya akong kumuha kami ng litratong dalawa – pinost ko 'yon sa Facebook.

Remembrance man lang.

At mukhang may hindi sinabi sa akin si Aris – mukhang ayaw niyang ipaalam sa boardmates niyang birthday niya dahil pinasabugan nila ako ng mga tanong kung birthday ba talaga ni Aris o hindi.

Ang sagot ko ay 18th birthday.

Nagpatulong sila sa akin para i-celebrate ang birthday ni Aris kaya 'yon ang kinabusy-han ko habang tinatago sa kanyang may binabalak na sikretong handa ang boardmates niya.

"Don't forget," sabi ni Sir Marco habang nag-aayos ng mga gamit. "History trip. Bayaran na ang dapat bayaran. And, Miss Yeo."

Nag-angat ng tingin si SInteya kay Sir.

"Sir?"

Nagkunot noo si Sir Marco. "The guy beside you – that Yboa. Nasaan siya?" Nagkibit balikat si Sinteya sa tanong. "Tell him to see me if he still wants to pass this subject."

Panay kasi ang absent ng kumag, akala mo hari.

"Oy, Chino!"

Nilingon ko ang pagtawag ni Sandy mula sa pintuan. Nandoon na ang mga kaibigan ko kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo at lumabas ng classroom. Sinundo ko muna si Aris sa klase niya para sabay-sabay na kaming kumain sa cafeteria nang mag-text sa akin ang isa sa mga boardmates ni Aris.

We need your help, b3h. punta kang boarding house. Asap. distract aris din para hindi umuwi agad dito!

Bumuntong hininga ako pero sinunod ko pa rin ang utos sa akin. Para rin naman ito kay Aris. Kaya pinaubaya ko muna kanila Mark si Aris.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Ah, eh." Nagkamot ako ng batok. "May pupuntahan lang saglit. Babalik ako."

Bumulong si Adam pero rinig ko naman. "May secret identity na 'yang si Chino. Ayaw sabihin sa atin."

Umiling na lang ako saka ngumiti bago nagmamadaling umalis. Nakasalubong ko pa si Ms President kaya nagpaalam pa akong hindi muna makakapag DJ dahil may mga gagawin lang. Pumayag naman siya kahit ang kapalit ay ako ang maglilinis ng radio booth bago mag Christmas break.

Paglabas ko sa gate 2, umuulan.

Agad kong nakita si Unica na nakatayo lang, nakatitig sa kawalan. Nagdalawang isip pa akong puntahan siya habang nilalabas ang payong mula sa bag ko. Pero nagulat ako nang bigla siyang tumapak palayo at naglakad sa ilalim ng ulan.

Tumakbo ako palapit sa kanya saka siya pinayungan.

Mula sa seryoso niyang mukha, bigla siyang napalingon sa akin at nagtaka. "Oh, nandito ka pala?"

"Anong problema, ba't seryoso ka ata ngayon?" tanong ko, medyo hinihingal pa. Tinanggal ko ang salamin ko sa mata. Nahirapan akong linisin ang lens ng salamin nang kuhanin ni Unica ang payong sa akin.

Uncensored (on indefinite hiatus, read at your own risk.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon