u n c n s r d 17

62.2K 2K 803
                                    

u n c n s r d 17

"Huli na ang lahat bago ko pa mapigilan ang sarili kong pisilin ang pisngi niya."


Pinilit kong pumikit dahil kahit nakadilat, madilim ang paligid. Tumihaya ako at tumitig sa kahoy na kisame ng tinutuluyan namin sa Sitio Masla. Tumitig ako sa pinaka madilim na parte saka pumikit ulit. Humugot ako nang malalim na hininga. Anong oras na kaya? Nakatulog ba ako o naalimpungatan lang? Gumilid ako, nakaharap ako sa kabilang dingding habang ang likod ko ay sa pwesto ni Unica. Pagkaramdam ko ng sakit sa balikat, dumapa ako. Pinilit ko pang huminga pero hindi kinaya kaya hinilig ko ang ulo ko. Tumitig ako sa dilim pero alam kong nandoon si Unica, nakahiga – at base sa naririnig kong paghinga – tulog na siya.

Nakng, buti pa siya.

Bakit hindi ako makatulog? Pagod naman ako sa pagbubuhat at pag-aasikaso ng mga bagay. 'Yong paglalakad namin dito, sobrang haba – nakakapagod. Dapat tulog ako.

Pero bakit gising na gising diwa ko?

Nagpakawala ako ng mahinang buntong hininga at inayos ulit ang pagkakahiga. Pumikit ako. Nagbilang na rin ako ng tupa sa isip. Isa. . .dalawa. . .tatlo. . . apat. . .lima. . .labing siyam. . .apatnapu't dalawa. . . siyamnapu't siyam. . .

Dumilat ako. Madilim pa rin ang paligid. Nagkamot ako ng kilay sa sobrang pagkaasar. Isang daang tupa na nabibilang ko, gising na gising pa rin ako?!

Nakailang lipat pa ako ng pwesto. Pabalik na sana ako sa paghilata nang biglang – boom, nakng! Nawalan ako sandali ng hininga! Napalakas ang 'agh' ko sa malakas na pwersa ng braso ni Unica. Pinalo niya ako sa tiyan! Kulang na lang mag-fetus position ako sa sobrang sakit!

"Puta . . ." mahinang sabi niya. "Kiti-kiti ka ba?"

"Bakit kailangan mong manakit?" marahas ang pagkakabulong ko.

Hindi siya sumagot. Wala rin akong narinig na paggalaw niya. Hinimas-himas ko ang tiyan ko. Parang namatay ako saglit, eh. Ang sakit!

Nanatili akong nakatitig sa kisame hanggang sa wala na talagang antok ang dumalaw sa akin. Nilingon ko si Unica. Kadiliman lang nakita ko.

"Gising ka pa?"

Walang sagot.

"Uy. . ."

"Paano ako makakatulog kung kinakausap mo ako?"

Napangiti ako. Pinahina ko rin ang boses niya dahil ang lakas. "Bakit gising ka pa?" Wala na naman siyang sagot nang may maalala ako sa kadiliman. "Natatakot ka ba?"

"Ha?"

"Sa dilim. . .natatakot ka ba?"

Narinig ko ang paggalaw niya. parang nag-ayos ng posisyon.

"Lul," bulong niya.

Oo nga pala, bakit ako magtatanong kung alam kong wala akong makukuhang matinong sagot? Pumikit ako, nagbakakasakaling antukin ako bigla at makatulog nang gumalaw muli si Unica. Naramdaman kong dumikit ang kamay niya sa braso ko sandali.

Ako naman ang nagreklamo. "Ang gulo mo."

"Magkwento ka."

Ramdam ko ang hangin mula sa kanya. Mukhang nakatapat ang mukha niya sa akin.

"Ng ano?"

"Mga katangahan mo. Siguradong marami 'yon," natatawa niyang sabi.

Tumagilid ako para nakaharap na ako sa kanya kahit hindi ko naman siya kita. "Aray, sakit."

Uncensored (on indefinite hiatus, read at your own risk.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon