DOS (REVISED)

16.6K 395 26
                                    

WARNING: STRONG LANGUAGES AND VIOLENCE

****

Third person's POV

Tahimik na nagbabasa ang dalaga sa loob ng kanyang kwarto. Walang kamuang-muang sa mga matang nagmamasid sa kanya.

"Ang hirap naman nitong assignment namin. Matawagan nga muna si Grace" kinuha nito ang cellphone at nagdial

"Hello Angel, oh napatawag ka?"

"Pasensya na Grace kung naistorbo kita, gusto ko lang sanang itanong kung ano yung..... Diyos ko!!!!"

Agad itong napahawak sa dibdib dahil sa gulat

"Angel anong nangyari??! May narinig akong nabasag dyan!"

Kinikabahan man siya pero iniisip niya na baka pusa lang ito.

"A-ah wala yun Krisha, pusa lang yun siguro" Napatawa na lang siya ng pilit.

"Girl! Wag ka munang bumaba, napanood ko na yan sa mga movies. Yung mga curious na bida eh napapatay!! Omg! Tumawag ka na ng pulis!" Sigaw ng kaibigan niya sa kabilang linya.

Napatawa na lang siya. Kahit kelan talaga itong kaibigan niya eh.

"Hay naku Grace, sa mga palabas lang yan. Halos dalawang taon na along nakatira dito eh. Palagi namang may nababasag dito dahil maraming ligaw na pusa dito sa apartment" paninigurado niya sa kanyang kaibigan.

"Kahit na Angel! Wag na wag kang bababa.  Pag may narinig ka na kaluskos diyan, dont't hesitate to call the police!"

"Krisha naman ang oa mo eh. Wala ito promise. Matulog na lang tayo kasi maaga pa tayo bukas. See you tomorrow. Good night. I love you best."

"Mag-iingat ka dyan Angel ha? Lalo pa't wala kang kasama diyan. Dont worry susubukan kong magpalaam kay kuya na matulog diyan. Magpaparty tayo haha! Beauty rest na ako best. See you tomorrow. I love you too best!"

Nakangiti nitong inend ang call. Kaya mahal na mahal niya ang kanyang best friend eh dahil kahit papaano ay nawawala ang lungkot niya magmula nung pinadala siya ng kanyang magulang sa Maynila upang makapag-aral ng kolehiyo.

Humiga muna siya saglit para maipahinga ang kanyang mata at katawan dahil sa pagod sa pagseserve sa coffee shop kanina. Bukas niya na lang lilinisin ang bagay na nabasag sa kusina.

Unti-unting bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.

××××

"PUTANGINA MO!! ANONG GAGAWIN MO SA KANYA?!!!"

Patuloy lang ang pagsipa niya sa nakahandusay na lalaki, puno ng pasa at galos ang natamo nito. Ang umaatake ay walang pakialam sa dugong lumalabas mula sa bibig nito bagkus ay mas lalo pa siyang ginaganahan.

"I WILL FUCKING KILL YOU! SLOWLY AND PAINFULLY! MAS HIHILINGIN MO PA NA MAPUNTA SA IMPYERNO KAYSA SA MGA KAMAY KO!"

Matinding takot ang mababakas sa mukha ng lalaking nakahandusay. Hindi niya na kaya ang lumaban pa kung kaya't pinikit niya na lang ang kanyang mata. Tahimik na hinihintay ang kamatayan.

"PUTANGINA MO!!! MAGDUDUSA KA SA MGA KAMAY KO!!"  humalakhak ito na animo'y isang demonyo

Inilabas nito ang kutsilyo at walang pakundangang tinadtad ng saksak ang lalaki. Lahat ng parte ng katawan nito ay inundayan niya ng saksak.

Hinubaran niya ang biktima at walang-awang pinutol nito ang maselang parte ng katawan.

Halos mapuno ang damit at mukha niya ng tilasmsik ng dugo. Sinunod nito ang mga mata ng lalaki. Dinukot niya ang mga ito at tinapak tapakan na animo'y dumi sa lupa.

Ang mga kamay  at mga paa nito ay kanyang pinutol at ang panghuli ay ang ulo ng lalaki, ginilitan niya hanggang sa mapugutan ito. Tuwang-tuwa siyang hawak ang pugot na ulo nito, tila ba isa itong tropeo na nakuha niya mula sa isang paligsahan.

Inihagis niya iyon sa ilog kasabay ng kutsilyo na kanyang ginamit at pira-pirasong katawan nito.

Sumakay siya sa kanyang kotse na hindi kalayuan sa pinangyarihan ng krimen, nagpalit sya ng damit at nagpunas ng mukha sapagkat nadungisan siya ng dugo.

Wala siyang pakialam kung may makakita man sa kanya na mga rumorondang tanod. Kayang-kaya niya itong paikutin sa pamamagitan ng pera lalo pa't  alam niyang nasa mababang estado lang ang mga ito. Money can buy everything ika nga.

Ilang minuto din ang lumipas matapos siyang magpalit. Lumabas na siya ng kotse at dire-diretso siyang pumunta sa apartment. Kinuha niya ang susi at pumasok sa loob.

Nagsimula na niyang linisin ang nabasag na baso kanina dahil nasanggi ito. Sinigurado niyang walang bubog na matitira na maaaring makasugat sa pinakamamahal niya.

Nilinis niya rin ang mga patak ng dugo na nagkalat sa kusina. Binura niya ang mga ebidensya. Wala ng bahid ng krimen.

Mabuti na lang at palagi siyang nakabantay sa loob at labas ng apartment nito kung kaya't nakita niya ang lalaking iyon na balak pang gawan ng masama ang kanyang pinakamamahal.

"She's not safe here. Kailangan ko na siyang makuha agad. She deserves a home"  he thought and smiled.

Talagang hindi ligtas ang kanyang pinakamamahal dahil ang lugar na ito ay pugad ng mga masasamang tao at kahit kailan ay hindi babagay sa ganitong klaseng lugar. Hindi na siya makapaghintay na ialis ito sa lugar na iyon.

Umakyat siya sa kwarto nito at dahan-dahang binuksan ang lock. Kitang-kita niya ang kanyang pinakamamahal na mahimbing ang tulog . Nilapitan niya ito at hinamplos ang mukha.

The most beautiful girl he'd laid his eyes on. Napakaswerte niya kung mapapaibig niya ito. Sisiguraduhin niyang ituturing niya itong prinsesa, makakamit nito ang lahat ng yaman sa mundo.

Inilapit niya ang kanyang mukha at hinalikan ito sa noo

"You're mine, Angel. Body and soul" he whispered and kissed her forehead.

Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Sa loob siya ng kanyang kotse maghihintay na mag-umaga habang minomonitor ang CCTV na kanyang ikinabit sa kwarto ng dalaga noong mga panahong wala ito sa apartment.
Bawat kilos at salita nito ay alam niya.

END OF CHAP 2

***

THANK YOU FOR READING :) PLS VOTE AND COMMENT :)

Escaping Madness (ON HOLD)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant