QUINCE

11K 245 34
                                    

Tahimik silang nagtatago sa likod ng mga mayayabong ng talahiban. Hindi na niya alam kung ilang oras na silang patakbo-takbo. Nangingibaw na sa kanya ang pagod at gutom dahil wala pa siyang kinain magmula umaga.

"Angel!" Nabaling ang atensyon niya kay krisha. Malalim itong nakatitig sa kanya


"Angel, please listen to me. Kunin mo ito" nilabas nito mula sa bulsa ang isang pocket knife. Naguguluhan akong tumingin sa kanya


"Gamitin mo ito upang maprotektahan ang sarili mo. Kung iyan na lang ang tanging paraan para makawala kay kuya, then do it." Malungkot itong tumingin sakin at niyakap ako ng mahigpit


"Hindi, hindi ko kaya Krisha. Natatakot ako!"


"Please have the courage! Just promise me one thing"


"Wag mo siyang papatayin"Tango na lamang ang isinagot niya. kitang kita niya ang mga mata nitong nangungusap. Naiintidihan niya ito. Ramdam niya kung gaano kamahal ng kanyang bestfriend si Gavin sa kabila ng lahat.



Muling naalarma sila nang makarinig sila ng makina ng motorsiklo at ang mga yabag na papalapit sa kanila.


"Come out my sweet little angel, hindi kita sasaktan" napamulagat siya at napatakip sa kanyang bibig. Humigpit ang hawak niya sa pocket knife.


Nilingon niya si Krisha at napansin niya ang unti-unting pagpatak ng mga luha nito.


May naisip siya na paraan.



"Krisha, magpapakita ako kay Gavin at kapag nakalapit siya sa akin, tumakbo ka at paandarin mo ang motor!"  bulong na sabi niya



"Pero papaano ka?!" Natataranta nitong tanong sa kanya



"Kakayanin ko to Krisha. Sundin mo na lang ako" niyakap niya ng mahigpit ang kayang bestfriend. Pinagdarasal niya na sana magtagumpay siya



Ilang hakbang na lang ang pagitan ni Gavin mula sa pinagtataguan nila. Isinagawa niya na agad ang plano. Itinago niya sa likod ng kanyang palad ang pocket knife, tumayo siya at naglakad papunta kay Gavin. Lumingon muna siya kay Krisha at nakita niya ang halo-halong emosyon sa mga mata nito. Takot, pag-aalala at kalungkutan.


Sa bawat hakbang na ginagawa niya ay siya namang paglakas ng kabog ng kanyang dibdib.  Parang siya na mismo ang kusang lumalapit sa kanyang kamatayan.



Agad naman siya nitong napansin kaya tinutukan siya nito ng flashlight.


"I knew it. Sabi na nga ba babalik ka rin sakin" kahit sa kadiliman ng gabi ay kita niya ang malademonyong pag ngisi nito.


Tuluyan na siyang nakalapit dito. Tila ba nawalan siya ng lakas ng loob na gawin ang kanyang plano dahil sa mga tingin na ipinupukol nito sa kanya. Muli siyang nakaramdam ng takot.


Napalunok siya nang bigla siyang hilain nito at yakapin siya ng mahigpit



"You really have no idea kung papano ako mabaliw nang malaman kong tumakas ka. I thought I lost you. I missed you so much" bulong nito habang inaamoy amoy ang buhok niya


Umakyat ang kilabot sa katawan niya. Ito na ang tamang oras para sa plano niya.



Itinulak niya si Gavin at mabilis na sinaksak niya ito sa braso. Napasigaw ito napaluhod sa sakit. Sinamantala niya na ang pagkakataon na kunin ang susi na nakasabit sa bulsa nito.


"Kuya!!" Natauhan lang siya nang marinig niya ang sigaw ni Krisha



Tumatakbo ito papalapit sa kanila. Agad na hinila niya na si Krisha bago pa man ito makalapit.



"Angel, sandali lang! Si kuya!" Pagpoprotesta nito habang pilit na tinatanggal ang kamay ko sa braso niya


"Krisha, wag, Umalis na tayo dito!"



"Ayokong iwan si kuya, baka may masamang mangyari sa kanya!" Lalong lumakas ang iyak nito



Tumigil sila sa pagtakbo at hinawakan niya ito sa mukha


"Makinig ka saakin Krisha, kailangan nating makatakas. Baka patayin niya na tayo! Magtulungan tayo Krisha. Please." Napapaluha na rin siya dahil sa takot



Mataman siya nitong tinitigan at tumango. Napangiti siya at nagtungo na sila.




Nakita na nila ang motor ngunit bago pa man nila mapaandar ito ay nakarinig na sila ng putok ng baril kasunod ay ang mga sigaw na bumasag sa katahimikan ng gabi.


----

I'm back haha. Sorry guys kung ngayon lang ako nakapag UD. Sobrang busy ako sa ojt and sa research na ginagawa ko. Babawi talaga ako next time! And guys, please support my second story. http://my.w.tt/UiNb/4L8brBsG3A

Thank you so much guys ❤

Escaping Madness (ON HOLD)Where stories live. Discover now