VEINTICUATRO

9.3K 210 36
                                    

Angel's POV

Patuloy lang ako sa pagtakbo, walang direksyon ang tinatahak kong daan. Madilim at maginaw ang lugar na ito.

Dire-diretso lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako dahil nababalot ng dilim ang buong paligid.

"Angel, namimiss na kita. Gumising ka na" Nanggaling iyon mula sa tinig ng isang babae. Hinanap ko ito ngunit wala akong makita.

Saglit na tumigil ako sa paglalakad nang makaramdam ako ng init sa kamay. Namamaga at namumula ang mga ito! Para akong pinapaso dahil sa init!

Sinubukan kong igalaw ang aking mga daliri para maibsan ang init.

"Angel?! Naririnig mo ba ako? Open your eyes Angel"  Rinig kong sabi nito. Naramdaman ko din na tila ba parang bumigat at uminit ang mga balikat ko.

Muli kong tiningnan ang aking mga kamay ko, bumalik na ito sa normal.

Isang nakakasilaw na liwanag ang natanaw ko sa di kalayuan.  Tumungo ako doon at inabot iyon.

Lumiliwanag ang buong paligid. May kakaibang lakas ang dumadaloy sa aking katawan at parang may nag-uudyok sa akin na pumikit at mulat ang aking mga mata.

Panaginip. Tama! Nasa isang panaginip ako! Kailangan kong gumising.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumama sakin ang nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw. Naharang naman ito nang yumuko ang isang magandang babae.

"Angel! May masakit ba sayo? Gusto mo ba ng tubig?" Nag-aalalang tanong nito sa akin. Hindi ko man kilala ang babaeng ito ngunit ramdam ko na mayroon siyang parte sa buhay ko.

"Sino ka? Bakit ako nandito? Tanong ko.

Bumalatay sa magandang mukha nito ang takot at pag-aalaangan. Samut-saring emosyon ang nakikita ko.

"A-ako si Krisha, I'm your bestfriend!"

"K-krisha?" Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na inaalala ang babaeng nasa harap ko ngayon ngunit wala talaga. Wala talaga akong maalala.

"Okay lang yan, Angel. Wag mong pilitin ang sarili mo. Ang mahalaga ay gising ka na" Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ano ba ang nangyari sa akin?  Bakit ako napunta rito? May mga magulang ba ako? Angel ba ang pangalan ko?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Litong-lito ako sa mga nangyayari at kailangan ko ng kasagutan.

Alanganin itong tumingin sakin ngunit bago pa man ito makasagot ay pumasok ang dalawang lalaki. Mga gwapo ito at matatangkad. Yung isa doctor at yung isa naman ay parang businessman dahil sa suot nitong Americana.

"Mrs. Sandoval, I'm glad you're awake! Paulit-ulit na kasi akong kinukulit nitong Fiancee mo kung kailan ka daw ba magigising, at paulit-ulit ko ding sinasagot na nakadepende sayo ang paggising mo." Nakangiting saad ng doctor sakin.

Natahimik ako. Teka? Fiancee? Napaka impossible naman yata nito!

Sa sobrang pagkagulat ko sa pagtanong ay napabangon ako ngunit agad din akong nahiga nang biglang sumakit ang likod ng ulo ko.

"A-aray ko. Ano ito?" Daing ko habang kinakapa ko ang masakit na parteng iyon.

Agad namang pumunta sa gilid ko ang lalaking nakapang business attire at marahan akong hinawakan sa braso at balikat para alalayan.

"Wag ka na munang basta-bastang bumabangon. You need me." Anito sa baritonong boses. Napatingin ako sa mukha niya na sobrang lapit sakin.

Nagtama ang aming mga mata. Umakyat ang kilabot sa buong katawan ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para akong hinihipnotismo ng mga mata niya ngunit may kaakibat naman na takot ang dala nito sa akin.

Escaping Madness (ON HOLD)Where stories live. Discover now