DIEZ (REVISED)

14.3K 287 23
                                    

"We're getting married"

Paulit-ulit yan na nagrereplay sa utak ko, hindi ako makapaniwala. Lalong namuo ang takot at galit sa dibdib ko. Ayoko, ayokong matali sa kanya kailangan kong makahanap ng paraan upang makatakas sa impyernong to.

"Hey, say something" sabi niya habnag titig na titig sakin

Umiwas na lang ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain.

"Don't worry wala ka nang poproblemahin pa. I bought all the things you need. Just be ready for tomorrow" nakangiti niyang sabi.

Bakit ako pa?. Napakaraming babae dyan na willing sa kanya pero bakit ako?. Gustong-gusto ko na umiyak para mailabas ang mga problema ko pero ayokong ipakita na mahina ako. Kailangan kong magpakatatag at mag-isip ng paraan upang makatakas dito. Lalabanan ko siya.

"Inaantok na ako" tumayo ako at tinalikuran ko na siya. Wala akong pakialam kung galit ang ekspresyon niya. Gusto ko ng magpahinga.


"Go ahead" matigas niyang sabi. Ramdam ko ang pagbago ng presensiya niya. Namuo man ang konting kaba sa aking dibdib pero pinilit ko ang sarili ko na labanan iyon.


Nakarating na kami sa kwarto at agad akong humiga. May naisip akong paraan, imposibleng walang pari or witness kapag kinakasal, maaaring makahingi ako ng tulong dito.

Humiga na siya at idinantay ang kamay sa aking bewang

"Goodnight love" bulong niya sabay hinalikan ako sa pisngi

****

Ito na ang araw na sinusumpa ko. Suot ko ngayon ang white dress na binili niya, ayoko nung una pero sinaktan niya muli ako. Inaayusan ko din ang sarili ko, pilit kong tinatago ng make-up ang pasa na aking natamo mula sa pagkakasampal niya sakin.

Ilang minuto lang at natapos na din ako. Tiningnan ko ang aking kabuuan sa salamin. Anlaki ng ipinayat ko, naging maputla ang aking kulay at ang mga mata ko tila nawalan ng buhay. Hindi. Hindi ako ito!

Nakita ko siyang pumasok sa pinto. Tinititigan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang hinuhubaran. Yumuko ako dahil hindi ko nakayanan ang paraan ng pagtitig niya. Naiilang ako. Nakakabastos.

"You're so beautiful my sweet angel" tuluyan niya syang nakalapit sakin at itinaas ang aking baba. Agad niya naman akong hinalikan na siyang kinainis ko. Ramdam na ramdam ko ang mapupusok niyang dila pero nanatiling nakatikom ang aking mga labi.

"Pre! Mamaya na ang honeymoon, magpakasal muna kayo!" Sigaw ng isang lalaki. Tatawa-tawa pa ito.

"My wife is so beautiful, i just cant resist it" nakangiti siyang tumingin sakin at mabilis na hinalikan ako sa labi.

"Pre mamaya na yan! Gusto ka daw kausapin ni mayor!" Lumabas na ang kasama nito.

"Hurry up my love. Hihintayin kita sa baba" muling hinalikan niya ako sa noo at labi at lumabas na siya ng kwarto.

Napaupo na lang ako sa kama, hindi ako makahinga dahil sa kaba. Hindi ko aakalain na mag iimbita siya ng isang kaibigan, alam kaya nito ang kalagayan ko? Gusto kong humingi ng tulong sa kanya pero may nasesense ako na mali.

Ang mayor na yun, maaaring mahingan ko siya ng tulong.

Bumaba na ako mula sa kwarto at nakita ko ang tatlong lalaki na nag-uusap. Lahat sila seryoso. Napadako naman ang tingin sakin ni gavin nang mapansin niya ako

"Oh she's here" iginiya niya ako papalapit sa kanila

"She's my wife, Angela" nakangiti itong pinakilala ako

"I'm Mayor Peter Acosta. It's a pleasure to meet you." inilahad nito ang likod ng aking palad at hinalikan ito .

Hindi nakawala sa aking paningin ang pag-kuyom ng mga kamao ni Gavin at ang pagtalim ng tingin nito sa amin.

"Shall we start?" Madiin nitong sabi habang masamang nakatingin sa mayor.


Napalunok naman ito dahil sa tinging ipinupukol sa kanya ni Gavin.

Kinakabahan akong tumingin sa mayor ngunit agad itong umiwas. Kailangan makatiyempo ako sa paghingi ng tulong.

Ilang minuto na lang at magsisimula na ang seremonya. Para akong mahihimatay sa kaba, hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.

"Are you alright, love?" Nag-aalalang tumingin siya sakin at mahigpit akong hinawakan sa kamay.

Mas lalo akong kinakabahan nang makita ko si mayor na inaayos ang mga papeles na pipirmahan.

Hindi ako makahinga! Naninikip na ang dibdib ko

"I think she needs a water" rinig kong sabi ni mayor

"Pre, nerbyosa pala ang asawa mo" alanganing tumawa ang kasama niya

"Shut up! Get me a glass of water!" Utos niya

Mabilis namang umalis ang kasama niya at nagtungo sa kusina.

Napaluhod na ako sa sobrang sakit ng dibdib. Hirap na rin ako huminga.

Nakikita ko na nagpapanic na sila, hinawakan ako ni Gavin sa mga balikat at niyuyugyog

"Don't sleep baby, stay awake!" Pasigaw niyang sabi habang patuloy siya sa pagyugyog sa aking mga balikat, hindi ko na kaya. Nilalamon na ako ng antok. Ngunit bago pa man ako pumikit ay naramdaman ko ang pagbuhat sakin ni Gavin.



***

Happy New Year guys. Ngayon lang ako nakapag ud dahil sobrang busy. Biglang pambawi ko, gumawa na ako kagad ng next chap hahaha. Sorry guys kung mejo lame itong ud na to. Hindi ko talaga alam kung pano ko maitatawid to haha. A little help please haha.

Escaping Madness (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon