CATORCE

12.1K 282 35
                                    

"WAG!!"

"Ange! Angel! Please calm down, ako ito si Krisha!!"

Mahigpit niya akong hinawakan sa kamay upang matigil ako sa pagpupumiglas.

"Krisha!" Tinitigan ko siya at hindi ko na napigilan ang yakapin siya ng mahigpit.

"Krisha! Tulungan mo ko!"

"I'm sorry Angel, i'm sorry. Nagbulag-bulagan ako. Matagal ko ng alam ang tungkol sa pagkagusto sayo ni Kuya. Kung nasabi ko lang sana sayo ng maaga, edi sana hindi hahantong sa ganito. I'm sorry, i'm sorry" maluha-luha niyang sabi habang mataman akong tinititigan

Natameme ako sa sinabi niya. Hindi ko maiwasan ang maghinala na baka kasabwat din siya.


Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya at unti-unting lumayo. Tila nakuha naman niya ang ibig sabihin ng naging kilos ko


"Alam ko ang iniisip mo Angel pero nagkakamali ka. Nandito ako dahil pinaghinalaan ko si Kuya na may kinalaman sa pagkawala mo at tama ako" malungkot itong tumingin sakin


"Hayaan mo akong tulungan ka Angel, tumawag na ako sa pulis nang makumpirma kong nandito kayo ni Kuya, kailangan lang natin mahanap ang daan palabas o di kaya'y magtago" dagdag pa nito. Tango na lang ang naging sagot ko. Ngumiti naman siya sakin at mahigpit na hinawakan ako sa kamay.

Ilang oras na kaming naglalakad at nagtatago nang biglang tumunog ang phone niya. Nagtatakang tumingin siya sakin dahil unknown caller ang nakalagay dito. Bigla akong kinutuban ng masama ngunit bago ko pa man siya mapigilan ay nasagot niya na ito

"Hello?"

"Krisha"


"Ku-kuya?" Nag-aalala siyang lumingon siya sakin. Niloudspeaker niya ang phone

"Where are you?"


"Na-nasa bahay po" Mababakas sa kanyang boses ang kaba


"Liar. I know where you are at kasama mo siya, diba?"  malamig ngunit may halong galit ang boses nito


Hindi nakasagot si Krisha. Tila ba parehas kaming naestatwa at napipi


"Kuya anong pinagsasasabi mo?!" Nanginginig ang kanyang kalamnan at pinagpapawisan na siya ng malamig.



"You know how good I am when it comes to stalking my prey. Alam ko ang bawat kilos niyo at kung saan kayo nagtatago. Run faster. The devil is coming to get you" ibinaba na Gavin ang telepono ngunit nanatiling hawak at nasa tenga ni Krisha ang kanya.


Nakatulala parin siya. Samantalang isa-isang namang nag-unahan ang mga luha ko. Pakiramdam ko wala na akong pag-asa na makatakas mula sa mga kamay niya.


"Krisha paano na?!" Sigaw ko


Natawag ko naman ang atensyon niya at ganun din siya, umiiyak at tipong wala na rin pag-asa.


"Hindi ko alam angel. Hindi ko alam!" Napasabunot na lang siya sa buhok at napatakip ng mukha. Rinig na rinig ko ang paghikbi niya


"Natatakot na ako kay kuya, hindi ko na siya kilala Angel" patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Naramdaman ako ng awa sa bestfriend ko. Ibang Krisha ang nakikita ko ngayon. Takot at sobrang lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya. Nilapitan ko siya at niyakap.



"Kakayanin natin ito Krisha. Tahan na" pinatatag ko ang loob niya kahit alam ko sa sarili ko na mahirap ang sitwasyon namin ngayon


---

Samantala

"Ang yaman mo talaga pre! Buruin mo, napaikot mo ng pera ang mga pulis! Tangina pare, ang lupit mo!" Tatawa-tawang sabi ng kasama niya


He smirked. Money is the root of evil. Binayaran niya ang mga pulis na dapat sana ay reresponde matapos itong matawagan ng kapatid niya. He even killed some of the officers na tumutol sa kanya. He doesn't take no for an answer lalong lalo na kapag involve dito ang babaeng kinababaliwan niya. 



Matagal na niyang alam ang tungkol sa pagtuklas ng kapatid niya sa kanyang obsession. Tama nga siya ng hinala na hindi magdadalawang-isip ang kapatid niya na ipahuli siya sa mga pulis. His little sister is a tough clever girl. Hindi niya kahit kailan mapapasunod ito sa mga gusto niya. She will always disagrees with everything I say and plan ngunit hindi ito ang dahilan upang magalit siya sa kapatid niya. He knows that his little sister loves him despite everything he had done and would do.



Bumalik na sila ng bahay upang doon mamonitor kung nasaan ang kapatid at si Angel. Lahat ng sulok sa gubat ay nilagyan niya ng CCTV. Kitang-kita niya ang kapaguran sa mga mukha nito.



"Keep an eye on them!" Utos niya sa kasama niya. Unalis siya sa kwartong iyon at pumasok sa isang kwarto na maraming estante. Gamot at droga ang laman ng mga iyon.



Nagsimula siyang paghaluin ang iba't ibang uri ng gamot hanggang sa maging likido ito. Ang gamot na ito ay ang tinuturok niya kay Angel kaya matagal itong nakakatulog at malaya siyang gawin ang mga gusto niya sa katawan nito. Kinuha niya ang syringe gun at doon inilagay ang kanyang eksperimento.


He is the hunter and they are the foxes.


***

Hello guys haha. Sana suportahan niyo ako sa upcoming story na gagawin ko. Psychological thriller ang tema niya at sana naman maitawid ko haha. Nalalapit na din ang pagtatapos nitong story na ito. Siguro mga 6 chapters na lang pero it depends kung may maisip ulit ako na medyo twisted. Chos! Enjoy reading :) and thank you sa mga nagcocomment and votes. Lab ya all! ❤❤

Escaping Madness (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon