TRECE (REVISED)

11.4K 267 24
                                    

"You want to play hide and sick, huh?. Pag nahanap kita, i won't be gentle my love" ang mga katagang iyon na punong-puno ng kasamaan ang dahilan kung bakit ako naninigas sa pinagtataguan ko.

Takot na takot ako sa maaaring mangyari kapag nahanap niya ako dahil sa pagkakataon na ito, baka buhay ko na ang kunin niya.

"Angel" paulit-ulit niyang binabaggit ang pangalan ko sa paraang nakakakilabot.

Minabuti kong hindi makagawa ng ingay na makakakuha ng atensyon niya sa kabila ng mga insektong dumadapo sa akin. Kaya kong tiisin ang lahat ng ito, wag lang niya akong makita at ikulong sa bahay na yon.

"Stop hiding sweetheart, you wouldn't like the consequences." Papalapit ng papalit ang mga yabag niya sa pinagtataguan ko. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang bibig upang mapigilan nito ang impit ng kanyang hikbi, mariin siyang pumikit at nagdasal na sana ay hindi siya makita nito

"Jusko, tulungan niyo po ako"

"I can hear your heart beating my sweet angel, are you afraid?" Tila nang-aasar pa na tanong niya

Sinong hindi matatakot sa isang demonyong katulad mo Gavin?!

"Pre! Nailibing ko na si Doc. Tutulungan na kitang hanapin si Angel" sigaw ng kasama niya

Napamulagat ako sa aking narinig, nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Patay na si Doc, patay na ang taong nagbigay ng tulong sakin.

"No. Just go home and prepare my little surprise for her" malamig na sagot nito. Tumango ang kasama niya at umalis na

Dumaloy ang kilabot sa aking katawan, ayoko nang malaman pa ang sorpresa na tinutukoy niya dahil alam ko sa sarili ko na baka ito ang ikamatay ko.

"This is getting boring my love, maybe we should try another game." Malademonyong ngumisi ito

Umupo ito sa damuhan at nagpalumbaba na tipong nag-iisip.

"Do you know the Cat and Mouse game?" Nakangiti nitong tanong.

Alam ko ang larong iyon, ngunit natatakot ako na baka mahuli niya ako lalong lalo na sa estado ng katawan ko ngayon. Mahina at pagod.

"Stop hiding Angel, kanina ko pa alam kung saan ka nagtatago. Didn't i tell you that i can hear and smell you?" Natatawa itong tumayo at lumapit sa pinagtataguan ko

Hindi! Nakita niya na ako! Wala na akong kawala!

Napasigaw ako nang buong pwersa niyang  hilain ang mga braso ko kung kaya't hindi naiwasan ang pag-untog ng ulo ko at pagsabit ng katawan ko sa mga sanga.

Mas lalong sumakit ang buong katawan ko at ang ulo ko. Unti-unti na din akong napapapikit dala na rin ng pagod at pagkahilo

"Don't you dare sleep my sweet angel, hindi pa nga tayo nagsisimula ng laro"  nakanguso ito na para bang bata

"Ga-gavin tama na. Pagod na pagod na ako!!" nilalabanan ko ang sarili ko na wag ipikit ang aking mga mata.

"Then i'll give you a minute to rest. Gustong-gusto ko kasing laruin natin ang Cat and Mouse game, it'll add thrill and satisfaction on this whole captivity game of mine, lalong lalo na kapag nahuli kita." unti-unti siyang lumalapit sakin. Hinawakan niya ang buhok ko at marahas akong hinahalikan

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas, marahil dala na din ng adrenaline rush at takot kaya nasipa ko siya. Napaupo siya at nabitawan niya ako. kaya nakahanap ako ng pagkakataon na makatakbo.


"Yan ang gusto ko sayo Angel, lumalaban ka." narinig kong sigaw at ang nakakakilabot na tawa nito.

Mas binilisan ko ang takbo. Hindi ko na ininda ang sakit ng katawan ko.

"KEEP RUNNING ANGEL! THE DEVIL IS COMING FOR YOU!" kahit na nakalayo na ako ay dinig na dinig ko pa rin ang boses niya.

Kailangan makahanap ako ng daanan para makalabas sa gubat na to.

Lumalamin na ang gabi at patuloy pa rin ako sa paghanap ng daan palabas ng gubat, alam kong sobrang layo ko na dahil ilang oras na akong tumatakbo. Umupo muna ako sa isang tabi at hinilot ang aking mga binti.

Gusto ko mang magpahinga ngunit hindi pwede dahil malaki ang posibilidad na mahuli ako ni Gavin.

Nakakaramdam na ako ng antok dala ng pagod. Pilit ko mang labanan ito pero hindi ko na talaga kaya. Sumandal ako at dahan-dahang pumikit.

---

Ilang minuto din ang lumipas nang magising ako. Babangon na sana ako nang bigla akong makarinig ng kaluskos. Bigla akong kinabahan lalo na't wala akong magagamit na pwede kong ipangdepensa sa sarili ko.

Akmang tatakbo na sana ako nang biglang may humila sakin

"WAG!!!"

***

Mema lang to guys haha, lam niyo ba ung feeling na kiligin ka sa kontrabida sa Boy Next Door na movie, jusmiyo kung ganun ba naman kagwapo ang obsess sayo baka matuwa pa ko hahahahhahaha. Anyways, enjoy this ud :) abangan ang next.
😎😉😉

Escaping Madness (ON HOLD)Onde histórias criam vida. Descubra agora