TRES (REVISED)

15.3K 371 8
                                    

Gulat siyang napabangon dahil sa sunod-sunod na malakas na katok. Bigla niyang naisip na ngayong araw ang bayaran ng renta sa inuupuhan niyang apartment. Hindi na siya pwedeng humingi ulit ng palugit dahil halos dalawang buwan na siyang hindi nakakabayad sapagkat kakaunti lang ang naiipon niya sa dami ng bayarin sa university.

Nag-aalalang tinungo niya ang pinto at bumaba upang harapin ang landlady. Pinagbuksan niya ito ng pinto at bakas sa mukha nito ang pagkainis.

"Ano ba Angel!!!? Kanina pa ako kumakatok dito! Oh heto ang listahan ng babayaran mong utang" inabot nito ang isang papel

"Aalis muna ako, dapat pag alis ko may pambayad ka na!"

"S-sige po ate" sagot niya

Dali-dali namang umalis ang ginang. Isinara niya ang pinto at tinignan ang papel na inabot sa kanya.

Halos manlumo siya sa kanyang nakita.

"6,000 pesos! Diyos ko saan ako makakakuha ng ganito kalaking pera?!" Nag-aalalang sambit niya

Napaupo siya at napahilot sa kanyang sentido. Problemadong-problemado siya ngayon, kahit mag-overtime siya sa coffee shop ay hindi pa rin sapat ang kikitain niya. 2,000 pa lang ang naiipon niya halos hindi pa nakakakalahati.

Naisip niyang mangutang, yun ang solusyon sa kanyang problema pero hiyang-hiyang na siya sa kanyang bestfriend.

Marami siyang mga utang na hindi pa nababayaran at ayaw niyang madagdagan pa ito.

Napasabunot na siya sa kanyang buhok at hindi niya na napigilang umiyak. Hindi niya na alam ang kanyang gagawin. Kaunting oras na lang bago ang klase niya. Ilang oras na lang din at babalik na ang kanyang landlady.

---

Samantala

Namomonitor ng cctv camera ang bawat kilos ng dalaga.

Kitang-kita niya ang kaawa-awang sitwasyon ng kanyang pinakamamahal.

"Wag kang mag-alala mahal ko. Hinding-hindi ka mamomroblema pag magkasama na tayo" he grinned

Pinindot niya ang intercom at sumagot ang isang lalaki.

"Boss?" tanong ng lalaki sa kabilang linya

"Dalhin mo sakin si Viola Nuñez" utos niya.

"Yes boss"

Pinindot niya ang end call at napasandal sa upuan. He's carefully thinking his next plan. Hindi na siya makapaghintay na mapasakanya ang dalaga lalo pa't alam niyang marami ang nagtatangkang manligaw dito dahil sa taglay nitong talino, kabutihan at kagandahan. She's the woman that every man would fight for at hindi siya susuko kahit na pumatay man siya. No one can stop him, not even the authorities and not even the God above.

----

Ngiting-ngiti ang ginang habang nagtetxt sa waiting shed. Hinhintay nto ang lalaking kanyang kaeyeball. Ilang minuto pa ang nakalipas nang biglang may tumigil na itim na sasakyan sa harapan neto. Unang tingin pa lang ay halatang mamahalin ito

*Wow mayaman! Jackpot ito!* aniya niya

Abot tenga ang ngiti ng ginang nang bumaba ang isang lalaking nakasuot ng Americana at nakashades

*Viola Nuñez, sumama ka sakin" maawtoridad na sabi nito

*i-ikaw ba si Mark? Yung katext ko? Tanong niya

*Ako nga! Halika"t sumama ka na sakin" Hinawakan siya niyo sa braso at iginigiya sa sasakyan

Hindi naman siya nagdalawang-isip pa at sumakay na siya

*Wow. May sarili pang driver! Jackpot talaga!" Isip niya

"Saan pala tayo pu--- ay sandali lang may nagtext sakin"

Napamalugat ang ginang nang mabasa niya ang text

"Nasan ka na? Andito na ako?'- Mark

Nakaramdam ng kakaibang takot ang ginang. Kinakabahang napatingin siya sa lalaki.

Akmang sisigaw na siya dahil bigla itong naglabas ng puting panyo ngunit mas mabilis ang naging kilos nito.

-----

Nagtatakang inilibot ng ginang ang kanyang paningin. Nakaupo siya sa isang upuan sa loob ng isang kwarto na ang tanging laman lang ay isang mahabang lamesa. 

"Naasan ako?!!!" Takot na sambit niya

Biglang nagbukas ang pinto at iniluwa nun ang isang lalaki.  Sa kabila ng mala-adonis nitong mukha ay makakaramdam ka pa rin ng takot dahil sa misteryosong  mga mata nito.

"Don't be scared Ms. Nuñez" walang kaemo-emosyong sabi nito habang papalapit sa kanya

Napalunok ang ginang dahil labis ang kanyang kilabot na nararamdaman.

"I wont hurt you. Kakampi mo ako dito" dagdag pa nito

"A-anong kailangan mo sakin?" Tanong ng ginang

Ngumiti ito na parang isang demonyo.

"Paalisin mo si Angel sa apartment mo" balewalang sabi nito

"Ba-bakit ko gagawin iyon??!!! Kawawa naman si Angel, wala siyang matutulayan!?!" nag-aalalang sagot ng ginang

"100,000.Sapat na ba iyon?" Nakangising tanong nito habang mariin na nakatitig sa kanya

Napakalaking halaga na nito para sa kanya. Mabibili na niya ang lahat ng gusto niya pero nag-aalala siya sa kaligtasan ng dalaga.

"Accept my offer or suffer" seryosong sabi nito at naglabas ng baril.

Napasinghap ang ginang. Wala na siyang magagawa pa. Buhay niya na ang nakataya dito at alam niyang kayang-kaya nitong gawin iyon.

"Pu-Pumapayag na ako" maluluha-luhang sagot ng ginang

"Patawarin mo ako Angel"

"Good choice Ms. Nuñez. Gusto kong mapaalis mo na agad si Angel by the time na makausap mo siya." Nakangiting utos nito

Tanging tungo na lang ang naisagot ng ginang. Naaawa siya sa sitwasyon ng dalaga. Kahit minsan man ay masungit siya dito ay hindi pa rin nawawala ang kabaitan nito sa kanya. 

Escaping Madness (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon