VEINTITRÉS

8.6K 216 41
                                    

Pawis akong napabalikwas ng bangon. I had a nightmare. Napanaginipan ko si Angel. She was wearing the wedding dress i bought for her.

Maaliwalas ang mukha nito at nakangiti ito sakin. Sobrang ganda niya at mababakas sa kanyang mga mata ang saya.

"Maganda ba ako Krisha?" Tanong nito. Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa kalituhan. Parang may mali.

"Maganda ba ako Krisha?" Pag-uulit nito.

"S-sobrang ganda mo" nauutal kong sagot sa kanya na lalong ikinalapad ng ngiti nya. Goosebumps shot through my whole body. May kakaiba sa paraan ng pagkakangiti niya.

Naglakad ito palapit sakin. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko na para bang naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Itinaas nito ang kanyang kaliwang kamay.

"Maganda ba ako Krisha?" I gasped as her bony fingers caressed my face. Namimilog ang mga mata nito at walang emosyon ang mga ito.

Awtomatikong napaatras ako nang maigalaw ko ang katawan ko.

Matagal siyang tumitig sakin bago tumalikod at naglakad papalayo.

"Angel!" Pasigaw na tawag ko sa kanya.

Halos himatayin ako sa ginawa niya. Umikot ang kanyang ulo nang hindi gumagalaw ang katawan, malademonyo itong ngumisi sakin! Ang wedding gown na ibinili ko sa kanya ay namanstyahan ng dugo at ang pulsuhan nito sa kamay ay nagdurugo rin!

"Maganda ba ako Krisha?" Mabilis itong naglakad papalapit sa akin. Buti na lang at nagising ako kaagad kung hindi baka inatake na ako sa puso.

Bumaba ako sa kusina upang uminom ng tubig at napagdedisyunan ko na ding icheck si Angel. My instincts are telling me something.

Sinilip ko muna ang bintana at nakita kong wala pa ang sasakyan ni kuya senyales na hindi pa ito nakakauwi.

Bawat hakbang ko papunta sa kwarto ni Kuya ay siya namang pagbangon ng kaba sa aking dibdib.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto ni kuya, at walang alinlangang pinihit ang doorknob.

Kadiliman ang sumalubong sa akin. Hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw. Wala si Angel sa kama.

"Angel?"

Tinungo ko ang pintuan sa banyo at kinantok iyon.

"Angel, ok ka lang ba diyan?" Walang sumagot kaya kumatok ako ulit.

"Angel, sagutin mo naman ako. Kung hindi, mapipilitan akong pasukin ka diyan" Kinukutuban na ako ng masama kaya mabilis na binuksan ko na ang pinto

Halos panawan ako ng ulirat nang makita ko ang nakahandusay na katawan ni Angel sa banyo. No! This is not happening!

Agad na lumuhod ako at pilit na ginigising siya at niyuyugyog

"Gumising ka Angel, please!" Umiiyak na pagmamaka-awa ko sa kanya. Baka sakaling marinig niya ako.

Dali-dali aking bumaba upang makahingi ng tulong sa mga guadrs ni kuya.

"Tumawag kayo ng ambulansya!!" Napatingin ang mga ito sa akin na para bang hindi nila alam ang gagawin

"Ano pang tinatanga-tanga niyo diyan?!. Tumawag na kayo ng ambulansya! Kapag may nangyaring masama kay Angel, ako mismo ang papatay sa inyo!"

Escaping Madness (ON HOLD)Where stories live. Discover now