DIECINUEVE

8.2K 180 8
                                    

"Hello"

Hindi ko mapigilan ang maluha. Ang tagal ko ng hindi naririnig ang boses na iyon.

"Tito daddy"

"Baby girl?" Namalayan ko na lang na umaagos na pala ang aking luha. Namiss ko ng sobra sobra ang tito ko lalo na ang pagtawag niya sa akin ng baby girl. He's our 2nd dad na nag-aalaga sa amin kapag nag out of town or busy ang parents namin. Inako niya ang isang malaking responsibilidad na pag-aralin at alagaan kami magmula nang mamatay sina Mommy and Daddy

"Tito daddy, help me!"


"Baby girl, what's wrong? How's Gavin?!" Tanong nito. Mababakas sa boses nito ang pag-aalala.


"Horrible. I need your help. Sana nandito ka ngayon. Kuya Gavin is getting worse. Natatakot na ako!" napatakip ako ng bibig dahil baka marinig pa nila ang impit ng iyak ko.


"Don't worry baby girl, i'll make a plan. Tell me where you are"

"Nasa JC mall kami ngayon. Maraming pinasama si Kuya na mga bodyguards. We can't escape. Please help us tito daddy!"


"Mag stay kayo ng matagal diyan. Ipapadala ko ang isang tauhan ko upang mapansundan ko kayo!."

Kinabahan ako nang biglang may kumatok sa labas ng fitting room

"Ma"am, ok lang po ba kayo diyan?" Tanong nito

"Uh oo. Lalabas na din ako" naghintay muna ako ng mga ilang segundo bago ko sinilip ang pinto upang makatiyak na walang tao sa labas.

"Tito daddy, i need to end this call. Baka makahalata na ang mga bodyguards na kasama namin. Hihintayin ko ang tauhan mo, mag-iistay kami sa favorite restaurant mo." Hindi ko na nahintay ang pagsagot niya dahil nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa pinto. Pinatay at Itinago ko kaagad ang cellphone sa aking bulsa at inayos ko ang aking sarili. Lumabas na ako ng fitting room at nakita ko sina Enrico at ang mga bodyguards namin sa tapat ng pinto.


Sinettle ko na ang payment para sa wedding gown na iyon at nag-aya ako na magmeryenda muna sa favorite restaurant ng tito daddy ko, alinsunod na din sa napag-usapan namin.

Halos isang oras na kaming kumakain at matatapos na rin ang iba, di ko maiwasan ang mangamba dahil wala pa rin akong mamataan na tauhan ni Tito daddy.

"Please dumating ka na. Please!" Tahimik akong nagdadasal na sana dumating na siya. Palinga-linga ako at inoobserbahan ko ang mga waiter at waitress, nagbabakasakaling isa sa kanila ang tauhan ni tito daddy ngunit wala akong makitang palatandaan.

Pinanghihinaan na ako ng loob lalo na nung tumayo na isa-isa ang mga bodyguards na kasama namin at pati na din si Enrico. Samantalang ako naman ay nanatiling nakaupo at nakatulala sa pintuan.

"Okay ka lang ba Krisha?" Tawag pansin sa akin ni Enrico

"Huh, ah oo. Sandali lang, gusto ko lang maupo dahil sa pagod" lumipas ang ilang minuto at wala ang aking inaasahan. Nanlulumo ako at naluluha. Wala na siguro kaming takas kay kuya.

"Ma'am Krisha, tinext na po kami ni Master. Umuwi na daw po tayo" sabi ng isa sa mga bodyguards

Tumango na lang ako at napangiti ng mapait. Marahil ito na ang kapalaran namin. Napakahirap man tanggapin ngunit ito na siguro ang nakatadhana para sa aming tatlo. Ang walang katapusang sakit at pagdurusa.


Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, nanghihina ako at parang gusto ko munang pumikit at kalimutan ang lahat.

Nakaramdam ako ng mga kamay na humaplos sa aking mukha. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Iminulat ko ang aking mga mata at ang mga magagandang pares ng mga mata ang bumungad sakin. Kung ano ang nararamdaman ko ay mababakas din sa kanya.

Kay tagal naming nanatili sa ganoong posisyon, tila nangungusap ang aming mga mata. Natauhan lang kami nang magsalita ang isa sa mga bodyguards na kasama namin. Tumango siya at inilalayan ako sa pagtayo. Mahigpit akong nakahawak kay Enrico.

Kasalukuyang inaayos ng mga bodyguards ang mga pinamili nang makaramdam ako ng tila ba may nagmamatyag sa bawat galaw namin. Nagpalinga-linga ako ngunit wala naman akong nakita. Nasa loob na kami ng van at laking pasasalamat ko na sa pinakalikod kaming dalawa naupo. Hindi nila makikita ang kaba at panlulumo ko.

Tinatahak na namin ang highway nang mapansin ko ang tila pagsunod samin ng pulang kotse. Kanina pa ito nakasunod namin magmula nung lumabas kami sa parking lot. Coincidence naman ata kung may pagkakaparehas man ang destinasyon at lalong lalo na ang kotseng iyon ang tanging kasunod lang namin.

Biglang nabuhayan ako ng loob, marahil isa ito sa mga tauhan ni tito daddy. Taimtim akong pumikit at nagdasal. Sana talaga siya na iyon at sana hindi siya mahalata ng mga tauhan ni kuya.

"Krisha" Napadilat ako at napalingon kay Enrico Napasinghap ako nang hawakan niya ang mukha ko at titigan sa mata.

Hinaplos niya ang aking pisngi at idinikit ang kanyang noo sa akin. His lips are too tempting, para bang ang sarap halikan. His minty breath fanned my face and it turned me on. Para bang hinihipnotismo niya ako sa kanyang pagtitig.

"Kiss me" Wala sa sariling nasabi ko. Ngunit bago pa man ako makatutol ay malaya niya ng sinakop ang aking mga labi. Napamulagat ako, kitang-kita ko ang pagpikit ng kanyang mga mata. Gusto kong matawa dahil sa mga ganitong sitwasyon ay nagawa pa namin maging intimate sa isa't isa ngunit sa kabila nito ay wala akong pagsisisi. I have to cherish this moment dahil baka hindi na ito mangyari sa susunod.

Natigil lang kami nang marinig namin ang isa sa mga tauhan ni kuya na para bang naaalarma.

"Pre, may sumusunod ata satin!"

---

AN: Pagtakas is life but paglandi is lifer XDDDD. Guys, i'm so sorry kung sobrang tagal ko mag ud. Naging busy kasi ako sa buhay2x haha. Sorry talaga, try kong makaud ng maaga mins. Thank you sa lahat ng nag aabang ng ud nato . Thank you talaga and sorry sa mabagal na ud 💟💟

http://my.w.tt/UiNb/Sw44u7ytEG

Kindly read naman yung new story na ginawa ko please guys, support me. Thank you! 💟

Escaping Madness (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon