VEINTIDÓS

7.9K 197 10
                                    

I gasped in horror. Hindi siya si Angel.

Terrified eyes looking straight into mine. Putlang putla ang mukha nito na puro pasa at sugat. May malaking sugat din ito sa labi na animoy parang sinuntok at gulo-gulo ang buhok nito na tila may bahid pa ng dugo, nakakatiyak siyang may sugat ito sa ulo. 

But what horries me the most is the fresh bruises on her neck and shoulders. All red and black at ang sobrang payat na katawan nito.

Humakbang ako papalapit. Mas lalo pa itong sumiksik sa dulo ng kama.

"Huwag kang lalapit!" Takot na sigaw nito. Aligaga din ito sa tuwing hahakbang ako papalapit.


Tuluyan na akong nakalapit sa kanya at umupo sa gilid ng kama. Sinuri ko ang mga sugat niya. Akmang hahawakan ko na siya sa mukha nang bigla nitong pinisil ang aking balikat.

"Halimaw siya! Paulit-ulit niya akong sinasaktan! Halimaw siya!" Hysterical na sabi nito. Nasasaktan na ako sa diin ng pagpisil niya sa balikat ko kaya naitulak ko siya.


Napasinghap at tuluyan na akong napaiyak nang tumayo ito at malaglag ang kumot na bumabalot sa katawan niya.

He ruined her. Wala kang makikitang balat sa dami ng sugat sa kanyang katawan. Mas lalo akong nagimbal nang mapadako ang mata ko sa kanyang dibdib. Hindi maaari! Siya si Angel! Palatandaan ko ang mala hugis puso nitong balat.

Walang boses na lumalabas sakin. Naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngunit mas nangingibabaw ang galit ko kay Kuya.

"Patayin mo na lang ako" mahina ngunit madiin nitong sabi. Nanlumo ako at napatakip ng mukha. Hindi ko maatim ang nagawa ni kuya kay Angel.

"Wala ng magagawa ang pag-iyak mo. Patayin mo na lang ako!" muli ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Hindi ako dapat pang-hinaan ng loob, lalo pa't kailangan kong lumaban para kay Angel.

"Makakaya natin ito Angel, diba?  kayanin mo ha? Lalaban tayo. Makakaalis tayo dito" I cupped her face at taimtim na tinitigan siya. Ngunit nagulat ako nang bigla siyang tumawa.

"Patayin mo na lang ako! Patayin mo na lang ako!" Tumatawa at umiiyak na sabi nito. Alam niya sa sarili niya na unti-unti nang naaapektuhan ang katinuan ni Angel at hindi niya hahayaang tuluyan na mawala ito sa tamang pag-iisip.

"I'm sorry Angel kung napapatagal ang mga plano ko. Just promise me na lalaban ka hanggat kaya mo. Wag kang magpapa-apekto, please?" Halos pasigaw na sabi ko. Sinusubukan ko siyang kumbinsihin kahit na wala ang atensyon nito sakin at kung anu-anong mosyon ang ginagawa.

Muli kong niyakap ng mahigpit si Angel. Ipinaparamdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa.

Nasa ganoong posisyon kami nang may nagsalita sa likod ko

"Time's up"

"Look at me Angel, listen to me. Please stay sane. Makakaalis tayo dito, ok? Mahal na mahal kita"


"That's enough! Umalis ka na sa kwarto namin Krisha" malamig na tugon nito sa akin. Nakaramdam ako ng galit nang bumaling ako sa kanya.

"Mag-uusap tayo Kuya!"

"Pagsasabihan mo na naman ba ako Krisha?"

"How could you do this to her Kuya?!. Tingnan mo ang itsura niya ngayon! You already invaded her sanity! Hindi na ikaw ang kuya ko na sweet at caring sa mga taong mahal niya. Isa ka ng demonyo na unti-unting sumisira  sa buhay ng mga malalapit sa kanya!" Hinihingal na sigaw ko sa kanya. Halos sumakit ang dibdib ko dahil sa galit na naipon

"I won't listen to any attempts you make to stop me. Keep that in mind!" Matigas at walang kaemo-emosyong sabi nito.

Hinila na ako palabas ni Enrico at pinakalma dahil sa walang tigil kong pag-iyak. Hindi ko na talaga mapapabago si Kuya.

Angel's POV

Sobrang sakit ng ulo ko na parang binibiyak. Napahawak ako dito at sinubukan kong bumangon. Agad din akong napahiga dahil sa matinding sakit sa pagitan ng aking hita at ng buong katawan ko.

Isa-isang pumatak ang luha ko. Walang araw na hindi niya ako ginahasa at sinaktan. Halos araw-arawin niya ang pagturok niya  ng mga gamot na nagbibigay ng iba't ibang pakiramdam sa akin. Ayoko na! Sumusuko na ako!

Sinubukan kong muling tumayo at dumiretso sa banyo. Nagkalat ang mga bubog at mga gamit doon. Ang pagkakatanda ko ay nanlaban ako kay Gavin nang muli niya na naman akong painumin ng gamot. Tumakbo ako ngunit naabutan niya ako sa banyo at naitulak na siyang dahilan nang pagkauntog ng ulo ko sa salamin.

Pinulot ko ang malaking piraso ng basag na salamin at tinitigan ang aking repleksyon. Malungkot din itong tumitig sa akin. Kahit pa siguro makatakas ako dito ay hindi ko naman matatakasan ang multo ng nakaraan.

Ang lahat ng sugat at pasa na aking natamo ay palantandaan ng masalimuot kong buhay sa kamay ni Gavin. Gumaling man ang lahat ng ito ay hindi pa rin mawawala ang marka sa aking puso at sa aking isip.

Napapikit ako at mukha ni Krisha ang aking nakita. Naalala kong bumisita pala siya. Napangiti ako dahil muli ko na naman siyang nayakap. Naisip ko din ang aking mga magulang. Halos madurog ang puso ko nang ibalita sakin ni Gavin ang pagkamatay ng aking ina dahil sa sakit sa puso.

"Makakaya natin ito Angel, diba?  kayanin mo ha? Lalaban tayo. Makakaalis tayo dito" Muli ko namang naalala ang mga sinabi sakin ni Krisha. Patawarin mo ako Krisha dahil sumuko ako kaagad. Hindi ko na kasi kaya ang lumaban pa, pagod na pagod na ako.

Mahal na mahal kita Krisha. Salamat sa mga panahong itinuring mo ako na parang kapatid mo.

"Magkakasama na tayo ulit, nay tay" napangiti ako. Ito na araw na pinakahihintay ko.

Itinapat ko ang pirasong iyon sa aking pulso sa kamay.

Wala na akong maramdamang sakit dahil manhid na manhid na ako. Ang huling naramdaman ko na lang ay ang tuluyan kong pagbagsak sa sahig.

Escaping Madness (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon