DIECISIETE

11K 253 53
                                    

Krisha's POV

Ilang oras na akong nakatunganga dito. Lalong di ako magalaw dahil tinurukan ako ulit ng mga kasama ni kuya.

Ilang oras ko na ding pinag-iisipan ng mabuti ang plano ko. Kailangan ko lang makumbinsi si kuya dahil ito na ang huli kong alas. 

Gavin's POV

He spent the next several hours watching her sleeping, taking in every detail of her angelic face. He couldn't help  admire the beauty and perfection  his woman possessess. 

I sighed in satisfaction, this is what I've been waiting for, a perfect family with my Angel. Konting panahon naa lang at mapapasakin ka na ng tuluyan. All i have to do is manipulate your mind so you can love me back.

Hindi ako papayag na mawala ka sa akin. You were born to be my woman, my bed partner and my own Harley Quinn.


Krisha's POV

Napamulat ako nang bumukas ang pinto. Iniluwa nun ang isang lalaki na hindi pamilyar sakin. Matangkad ito ngunit payat ang pangangatawan. May dala-dala itong tray ng pagkain, ngunit ang mas napansin ko ay ang mga pasa nito sa mukha. Lumapit ito at tahimik na inilipag ang tray na dala niya. Ni hindi man lang siya nito tiningnan

"Sandali!" Pagpipigil niya bago pa man siya nitong talikuran. Nagtataka itong tumingin sa kanya

"Si kuya Gavin ba ang may gawa niyan sayo?" Napansin niya ang naging takot sa mga mata nito ngunit agad na napalitan iyon ng galit. Tama ang hinala niya, maaaring ang lalaking ito ay isa sa mga may atraso sa kuya niya.


Nakaramdam siya ng awa dahil sa estado nito ngayon. He must be having a hard time dealing with his brother.

Napakaimpluwensya ng kuya niya at kung sino man ang magkaroon ng atraso dito ay sisiguraduhin niyang pagbabayaran ito.

May nararamdaman siyang galit at takot sa kaharap niya ngayon. Napangiti siya, pwede niyang maging alas ang binatang ito sa kanyang plano. May pangalawang option na siya.

"Ano ang pangalan mo?" Tanong niya na bahagya namang ikinagulat ng lalaki.

Ilang segundo muna ang hinintay niya bago nito sagutin ang tanong


"Enrico po, Madam" garalgal ang boses nito. Natawa siya ng mahina dahil sa pagiging formal nito sa kanya. Madam, seriously?


"There's no need for formality, call me Krisha. Mukha namang magkaedad lang tayo" alanganin itong tumingin sa kanya


"Pero ang sabi po ni Master Gavin..."


"Ako na ang nagsasabi sayo, wag muna akong tawaging Madam" pagpuputol niya dito. Tango na lang ang sinagot nito sa kanya.

"Gaano ka na katagal na nagtatrabaho kay kuya?" Seryosong tanong niya. Gusto niyang magkaroon ng ideya tungkol sa lalaking kaharap niya ngayon. He caught her interest

"Dalawang taon na po" yumuko ito matapos sagutin ang tanong niya, kahit hindi man siya nito titigan sa mata ay mababakas pa rin sa mata at presensya nito ang sobrang kalungkutan.

Parang pinipiga ang puso niya para sa lalaking ito, pamilyar sa kanya ang kalungkutan na nararamdaman nito dahil iyon din ang naramdaman nilang magkapatid magmula ng mamatay ang mga magulang nila. Gusto niyang itong yakapin pero hindi niya magawa.


"Mauuna na po ako. Baka hinahanap na ako ni Master Gavin" pagbasag nito sa saglit na katahimikan.


Gusto niya itong pigilan para makausap pa kaso baka magalit ang kuya niya. Nanatili itong nakatayo sa harap niya at hinihintay ang sasabihin niya


"Maaari mo bang tawagin ang aking kuya. May pag-uusapan lang kami" tumango ito sa kanya. Tumalikod ito at naglakad papunta ng pinto


"Enrico!" Sigaw niya. Nagtatakang tumingin ito patalikod


"Thank you" ngumiti at nagpasalamat siya sa oras na ginugol nito sa kanya at sa pagsagot nito sa personal niyang mga tanong. Halata sa mukha nito ang pagkagulat. Ang hindi niya inaasahan ay ang susunod na ginawa nito.

Gumantihan din siya nito ng ngiti. Kitang-kita niya ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin, hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang dimples nito na mas lalo pang nagpadagdag sa kagwapuhan nito. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. What 's with this heart, stop! pagsasaway niya


Halos mapanganga siya sa kanyang nasaksihan.Bumalik lang siya sa wisyo nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Para siyang high school girl na kinikilig kapag nakikita ang crush niya.

Nakatunganga pa rin siya, hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa ganda ng ngiti nito. Marahil may mas igaganda pa ito kung makakaalis siya sa kamay ni kuya. Ramdam niya ang init sa mukha niya, She's freakkin blushing dahil nagrereplay sa utak niya ang pag-ngiti nito sa kanya.


Muli lang siyang nagseryoso nang makitang bumukas ang pinto.

"What's wrong with your face? Bakit ang pula niyan? Are you sick?' Napaubo siya. Dali-dali siyang nilapitan ng kuya niya at hinawakan sa noo. His face softens, concern evident on his eyes. Kahit papano pala ay may natitira pang  pagmamahal ang kuya niya para sa kanya.

"Don't worry, kuya. I'm fine," Ngumiti siya. Ito na ang pagkakataon para sa plano niya. Sana lang talaga ay mapaniwala niya ito. Mas lalo siyang naging determinado na magtagumpay nang makilala niya si Enrico. He doesn't deserve to be treated this way, at pati na din kay Angel.


Saglit na pumikit muna siya upang pakalmahin ang sarili niya dahil sa biglaang laba na naramdaman niya. This is it Krisha, please don't fail!


"Pumapayag na ako" bulong niya. Tila narinig naman ito ng kuya niya dahil bigla niya itong nakakitaan ng pagtataka.

"What did you say?" Tanong nito. She felt goosebumps under his brother's scrutinizing gaze. Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Pumikit siyang muli upang pakalmahin ang sarili niya


"Time is precious for me. Spill it, little sister" nabakas niya sa boses nito ang pagka-inip at inis. Saglit na napalunok siya at tumitig sa kuya niya.


"I'll cooperate"



***

AN: Hello guys. Thank God at naitawid ko itong chapter na ito haha. Happy Easter to my fellow human being 😁😁. Share your opinions through comment , don't hesitate to message me or comment down any mistakes, i would highly appreciate. Teka, bat ba ako nag ienglish? Hahaha. Enjoy reading guys. Xoxo

Escaping Madness (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon