Prologue

478K 8.4K 905
                                    

Prologue

Ilang oras na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa lugar kung saan niya ko iniwan. Kahit papaano ay umaasa pa rin ako na babalikan niya ko. Kahit alam kong hinding-hindi niya gagawin.

Sa naisip ko'y lalo akong napaiyak sa sobrang sakit. Ilang taon na ba akong nagpapaka-tanga para sa kaniya? One year and a half? Sa sobrang tagal ay hindi ko na matandaan.

Napahagulhol lalo ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tila ba nakikisabay siya sa lungkot na aking nadarama.

Grabe, pati ba naman ulan ay dinadamayan ako sa pighating nararamdaman ko. Lalo tuloy akong nasasaktan. Pakiramdam ko ay ako 'yung pinakamalas na tao pagdating sa buhay pag-ibig.

"Ang tanga tanga mo talaga, Hera. Bakit ba sa dinami-dami ng tao sa mundo ay doon ka pa napamahal sa taong alam mong hinding-hindi ka kayang mahalin," mahinang pagkaka-usap ko sa aking sarili. Humugot ako nang malalim na paghinga upang pigilan ang nararamdaman na pagsikip ng aking dibdib.

Sunod-sunod ang pagbagsak ng aking mga luha. Hindi ko na mapigilan, malaya lang itong bumabagsak.

Ngunit agad akong napatigil sa pag-iyak nang biglang may kotseng tumigil sa harapan ko.

Napatingala ako sa taong bumaba. Agad akong napatayo sa sidewalk nang makilala ko kung sino siya. Si King Tyron Sandoval. Ang lalaking minamahal ko.

Hindi ako makapaniwala, binalikan niya ako. Ito ang unang beses na binalikan niya ako.

Napangiti ako nang bigla siyang sumenyas para palapitin ako sa kaniya. Walang pagda-dalawang isip at agad akong lumapit sa kinaroroonan niya.

Kahit basang basa ako ng ulan ay walang pag-aalinlangang niyakap ko pa rin siya nang mahigpit. Wala akong pakialam kung mabasa ko siya dahil sa pagkakayakap ko sa kaniya. Basta ang mahalaga masaya ako. Masayang masaya.

Sa unang pagkakataon ay binalikan niya ako. Lubos ang tuwang nararamdaman ko. Ibig ba nitong sabihin ay mahal niya na rin ako?


Napangiti ako. Lalo na noong niyakap niya rin ako pabalik. Agad akong humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya. Tiningnan ko siya sa mata habang siya naman ay seryosong nakatingin sa akin.

"I-i Love you," nauutal na sabi ko. Nawala ang maliit na ngiting  nakapaskil sa aking mukha nang makita ko ang nakakunot niyang noo.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko noong nagsalita siya. "No, don't love me, because I don't love you. Huwag mong bigyan ng kahulugan ang pagbalik ko sa'yo rito. It's just that... I just miss you in my bed. I need you. Nothing more."

Nanlumo ako dahil sa kaniyang sinabi, at mas lalo akong nasaktan ng todo. Ano iyon ganoon na lang? Matapos kang pasayahin ng konti ay sakit naman ang kasunod.

Yeah right! Bakit ko nga ba nakalimutan na, I'm just a toy for him na pwedeng itapon kahit kailan niya gustuhin.

(The Billionaire's Secretary. A novel written by CussMeNot)

The Billionaire's SecretaryWhere stories live. Discover now