Kabanata 28

140K 2.7K 218
                                    

Kabanata 28

"Ang tagal mo naman sa Cr, Hera. Teka, bakit yata mugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mich.

Hindi ko pinansin ang pagtatanong ni Mich sa akin. Pabalyang umupo agad ako sa bakanteng upuan. Wala na ang dalawang katabi ko kaya mabilis akong nakaupo ng ayos. Marahil ay nagsasayaw na naman sila Emily.

Hinagis ko ang bag sa aking tabi at naiinis na ipinaltok ko ang aking cellphone sa sahig kaya nagkahiwalay hiwalay ang bawat parte nito. Hindi ko naramdaman ang panghihinayang sa nasirang gamit bagkos ay galit at sakit ang aking nadarama. Wala na namang pakinabang ang cellphone na iyon para sa akin kaya pwede nang itapon.

Napahawak ako sa parte ng aking dibdib ng naramdamang kumirot ito. Hindi ko aakalaing may iba siya! Shit! Akala ko ako lang pero hindi pala! Naiinis na inihilamos ko ang aking mukha gamit ang palad ko. Umasa ba talaga ako ng todo sa pagmamahal niya?

"Are you okay, Hera? May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Jerry.

Pilit kong pinipigilan ang pag-alpas ng mga luha sa mata ko. Humugot ako nang malalim na paghinga bago ko siya tingnan.

"O-oo n-naman. A-ayos la-lang ako." nauutal na sabi ko.

Puno ng pag-aalalang pinagmasdan nila ako kaya pinilit kung ngumiti sa kanila ngunit hindi ko nagawang ngumiti nang maayos. Nagtatanong ang mga mata ni Mich habang si Jerry naman ay nanatili lang nakatingin sa akin. Bumuntong-hininga ako para maging maayos ang aking pakiramdam. Ayokong sabihin sa kanila ang nangyari sa akin. Tumungo agad ako para iiwas ang tingin sa kanila.

Tumabi sa akin si Mich tsaka siya tumikhim at nagsalita. "Hera, Alam kong may problema ka. Kung hindi mo man kayang sabihin sa amin, ayos lang pero lagi mong tatandaan na nandito lang kami, huh? Kung kailangan mo ng tulong o kausap nandito lang kami. Handa kaming tumulong sayo bilang kaibigan mo at tsaka huwag kang mahihiyang umiyak sa harap namin dahil nandito lang kami para damayan ka sa kalungkutan mo"

Sa sinabi ni Mich ay napaiyak ako nang malakas. Gusto ko mang sabihin ang problema ko sa pag-ibig pero hindi ko kaya. Ayoko munang ipaalam ang meron sa amin ni Tyron. Maghahanap pa ako ng lakas ng loob para masabi ko sa kaniya ang kagagahang ginawa ko. Ang umibig kay Boss Tyron kahit walang patutunguhan.

"Ang sakit eh! Niloko niya ako. Tinawagan ko s’ya pero babae ang sumagot. Akala ko seryoso s’ya sa akin pero nagkamali yata ako. M-masakit! S-sobrang sakit kasi umasa ako eh." habang nagsasalita ay pilit kong pinupunasan ang mga luhang nadaloy sa aking pisngi.

"Ssh, huwag mo na s’yang isipin pa. Kung niloko ka man niya makipag-hiwalay ka na. Huwag mong hintayin na mas masaktan ka pa niya ng todo. Gumawa ka na ng paraan para putulin ang relasyon niyo dahil kung hindi ikaw lang ang lubos na masasaktan. Kaya mo yan, Iiyak mo lang ‘yan hanggang sa mawala.”
Kinabig niya ako para ihilig sa kaniyang balikat. Mas lalo akong napahagulhol sa kaniyang sinabi. Paano ako makikipaghiwalay kung simula't sapul ay hindi naman kami. Masakit kasi akala ko ako lang. Akala ko gusto niya ako. Akala ko may nararamdaman s’ya sa akin pero niloko niya ako. Mahal na mahal ko s’ya at ang sakit sakit.

"H-hindi ko kaya. H-hindi ko kaya kasi m-mahal ko s’ya. Mahal na mahal ko s’ya. Hindi ko kakayaning mawala s’ya sa akin eh. H-hindi ko kaya." mas lalo kong isinubsob ang aking mukha sa kaniyang balikat habang umiiyak.

Basang basa na ang kaniyang damit pero hindi parin s’ya nagrereklamo. Pinapabayaan niya lang akong umiyak sa kaniyang balikat habang tinatapik ang aking likod.

"Kayanin mo. Alam kong kakayanin mo, Hera. Oo mahal mo siya pero mahal ka pa ba niya? Mahirap sa isang relasyon ang iisa lang ang nagmamahal. Ikaw kasi ‘yung maiiwan eh. Ikaw ‘yung masasaktan ng todo kasi ikaw lang ‘yung nagbibigay ng pagmamahal. Ikaw lang 'yung mahihirapan at iiyak sa huli. Ikaw lang ‘yung masasaktan." mahinahong sabi niya sa akin.

The Billionaire's SecretaryWhere stories live. Discover now