Kabanata 20

176K 3.3K 225
                                    

Kabanata 20


Mabilis lumipas ang mga araw at Sabado na ngayon. Mag-iisang linggo na kaming nandito sa Cebu. Limang araw na ang nakalipas mula noong dumating si Sir James sa opisina ni Boss. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nangyari. Hindi parin maalis sa aking isipan ang kahihiyang nangyari sa akin.

Malalim akong napabuntong-hininga. Gusto ko na talagang magka-amnesia para naman makalimutan ko na ang bagay na iyon.

Dalawang araw na lang at uuwi narin kami sa Maynila. Balik trabaho na naman ako at paniguradong maha-haggard na naman ang beauty ko. Nito kasing mga nakaraang araw ay wala akong ginawa kundi umupo, kumain, at matulog. Para na akong buhay baboy ngayon. Feel ko na rin ang nararamdaman nila.

Yung Feeling na aalagaan sila nang mabuti pagkatapos ay wala silang awang babawian ng buhay. Nakakaawa. Parang ako lang, pagkatapos pagpahingahin ng ilang araw ay papagudin rin ni Boss sa susunod na linggo. Hay, buhay nga naman. Balik trabaho naman ako sa isang linggo.

Pero akalain mo nga naman. Akala ko ay mapapagod ako dito sa Cebu pero day off yata ang nangyari sa akin dito. First Time to, hindi ako ginawang alila ni Boss. Beauty rest pala ito eh. Hindi niya man lang ako ini-inform. Hindi naman pala ako isinama ni Boss Tyron dito para magtrabaho kundi para magpahinga.

Hindi niya pala kailangan ng Secretary dahil alagang baboy pala ang gusto niya. Ang sweet sweet niya talaga, diba? Lalo tuloy akong naiinlove sa kaniya.

Nanlulumong bumangon ako sa pagkakahiga sa kama. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Alas-nuwebe na ng umaga. Napalabi ako nang hindi oras. Nanghihinang ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan.

"Boring" naiinis na sabi ko.

Grabe, ganito pala ang feeling ng taong walang ginagawa. Parang bumibigat ang katawan kahit walang sakit. Hay naku, Lalo pa lang nakakahina ng katawan ang laging nakahiga. Ilang araw na ba akong nabuburyo dito sa pent house ni Tyron? Limang araw? Grabe. Ngayon ko lang napag-alaman na nakaka-bagot din pala ang buhay.

"Nakakapagod din pala ang ganitong buhay. B-O-R-I-N-G." napapikit ako nang mariin.

Kailangan ko na yata ng bagong mapaglilibangan. Napakamot ako sa ulo ko. Ayoko na ng ganitong buhay. Limang araw na akong paulit ulit ng ginagawa. Kakain, manonood ng tv, uupo sa balkonahe, at matutulog. Ngayon ko lang napagtanto na daig ko pa pala ang bilanggo sa bilibid.

Napabuntong hininga ako. Bakit ba naman hindi ko tinanggap ang alok ni Tyron na mamasyal dito sa Cebu. Naku, totoo nga talaga ang kasabihan na 'nasa huli ang pagsisisi'.

"Ano bang magandang gawin sa loob ng bahay? Lalo na kung mag-isa ka lang." nag-iisip na pagkakausap ko sa sarili ko.

Nababaliw na yata ako dahil pati sarili ko ay kinakausap ko na.

Napatayo ako nang hindi oras nang biglang kong maisip ang isang bagay.

Oh my gosh. Bakit hindi ko agad naisip ang bagay na iyon? Maganda itong gawin lalo na kung nag iisa. Pampabawas ng stress at pampaganda pa ng pakiramdam.
At tsaka,walang makakahuli sa akin pag nagkataon dahil nasa opisina si Boss. Walang magiging abala at wala rin makakakita ng kahihiyang gagawin ko.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko. Kumaripas agad ako ng takbo papunta sa living room. Isinaksak ko ang speaker at tsaka ko ikinonnect ang cellphone ko dito.

Pumili ako ng kantang magandang sayawin. Nang makita ko ang isa sa mga paborito kong kanta ay agad ko itong pinatugtog. Dahil nga nag-iisa lang ako, itinodo ko ang volume ng speaker. Wala namang magrereklamo sa akin kaya naman mag-sasaya ako ng todo.

The Billionaire's SecretaryWhere stories live. Discover now