Kabanata 10

189K 3.7K 102
                                    


Kabanata 10

Masama pa rin ang pakiramdam ko dahil sa pagsakay namin sa eroplano. Nakalimutan ko na first time ko nga pa lang sasakay kaya hindi ko na naisip pa na hindi ako sanay. Napasuka tuloy ako sa sobrang hilo. Hindi ko inaakala na ganoon pala ang feeling. Ayoko nang umuwi, dito na lang ako titira.

Nandito na kami sa lobby ng hotel na tutuluyan namin. Hindi ko maiwasang mapanganga sa sobrang paghanga. Kulang ang mga salitang magarbo at maganda para i-describe ang hotel na ito. Para akong nasa palasyo na sobrang laki at lawak. Sobrang gaganda ng mga kagamitan sa hotel. Makikintab ang mga tiles at vase kaya paniguradong mahihiya na kumapit ang mga alikabok. Paniguradong sobrang mahal ng mga kagamitan na nasa hotel na ito. Hindi ma-i-pagkakaila na imported ang mga gamit dito.

Nakapanglumo na hawakan ang mga gamit at nakakahiyang upuan ang mga sofa. Baka mamaya ay mabasag ko pa at magasgasan wala akong maibayad, paniguradong kahit mag trabaho ako sa buong buhay ko ay hindi ko parin makakayang makapagbayad.

Napatigil lang ako sa paggagala nang tingin noong marinig ko ang sigaw ni Boss Sungit.

Beastmode alert na naman si Boss panget.

"What do you mean by that? Hindi mo ako kayang bigyan ng isang room para sa kasama ko. Anong gusto mong gawin ko sa secretary ko? Hayaan na lang siyang matulog sa labas. GAWAN MO IYAN NG PARAAN KUNG AYAW MONG SISANTIHIN KITA" umuusok sa galit na sabi niya.

Warning ! Warning!

Nagiging dragon na naman si Boss. Maya maya lang ay bubuga na agad siya ng apoy. Kailangan ko na bang tumawag ng bumbero?

"Sorry po talaga, Sir. Pero wala na po talagang--" pinutol ni Boss ang pagpapaliwanag niya habang pinanlilisikan siya ng mata.

"Really? Then you're fi---" bago pa siya maghimagsik ng lagim ay pinigilan ko na agad siya.

"BOSS RELAX! INHALE EXHALE KA PO MUNA. BAWAL PONG MA-ISTRESS. Okay? Baka po pumangit ka" nakangising saad ko.

Sinamaan niya ako nang tingin kaya umiwas agad ako at tsaka nag-peace sign. Tumingin lang sa akin si Boss at bumuntong hininga.

Ang galing ko talaga. Napigilan ko agad si Boss bago niya pa masabi ang salitang You're Fired. Kawawa naman si Ate, paiyak na eh. Wala pa namang awa si Boss pag sinabing You're fired at wala na din talagang bawian. Sa akin lang yata may exemption ang salitang 'yun eh. Pagka-fired bawi agad, sobrang ganda ko kasi eh. I'm the only exemption eh! Charot

"Sir, pasensya na po talaga pero wala na pong extra room ngayon. Fully booked na po talaga ang hotel niyo. Marami po kasing turista ang nag-check in ngayong araw. Hindi nga rin po namin inaasahan na mapupuno po tayo ngayon. Pasensya na po talaga, Sir" naiiyak na sabi ng babae na receptionist.

Teka, nasabi ko na bang kay Boss King Tyron Sandoval ang Hotel na ito. Grabeng kayaman talaga ng hinayupak na Boss ko. Sobrang dami niyang business. May sapat na siguro siyang pera para hindi na magtrabaho pa, pwede na siyang tumigil at magliwaliw na lamang. Hindi tulad ko na kailangan pang magtrabaho ng sobra para lamang mabuhay sa mundong ito.

Saklap, makapag-asawa pa kaya ako? Baka tumanda akong dalaga dahil sa kakatrabaho. Bigla akong namutla sa naisip. Naku! Huwag naman sana.

"Fine. Let's go" sa sobrang lalim nang iniisip ko ay hindi ko na napansing kinakaladkad na pala ako ni Boss papuntang elevator.

The Billionaire's SecretaryWhere stories live. Discover now