Kabanata 22

200K 3.3K 646
                                    

Kabanata 22

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napabalikwas ako nang pagbangon ng wala akong makapa na tao sa tabi ko. Agad kong iminulat ang aking mga mata. Iginala ko ang aking paningin sa bawat sulok ng kwarto.

"Tyron" tawag ko sa kaniya.

Wala akong nakitang bakas ni Tyron sa paligid. Ipinulupot ko ang kumot sa aking katawan. Kahit nahihirapan sa pagtayo ay pilit ko paring lumakad para hanapin siya sa banyo. Napabuntong hininga ako nang malalim nang makitang wala s’ya.
Nasaan ba s’ya? Did he run away?Hindi niya ba gusto ang nangyari sa amin? Nagsisisi ba s’ya?

Napahawak ako sa may dibdib ko nang kumirot ang puso ko. Muli akong napabuntong hininga.

"Nagsisisi siya? Matapos niya akong pagudin kagabi? Ni-hindi na nga niya ako pinatulog eh. Bwisit siya! Matapos kong ibigay ang puri ko sa kaniya ay iiwan niya lang ako basta basta. Isa s’yang malaking shit. Matapos niyang ipasok iyong malaking halimaw niya ay gaganituhin niya lang ako? Anak siya ng tokwa. Bwisit" nagdadrama na sigaw ko.

Sisigaw pa sana ako pero may narinig akong kumalabog sa kusina. Napasinghap ako. Napapailing na sinabunutan ko ang sarili.

Shit! Ang tanga ko talaga. Nagdrama agad, ni-hindi man lamang tiningnan ang kusina at salas. Baka nandoon si Boss Tyron.

Mabilis ang ginawa kong pagligo at pagbibihis. Palabas na sana ako sa kwarto nang magawi ang tingin ko sa kama. Nandoon ang ebidensyang totoo nga ang nangyari sa amin kagabi. Bakas doon ang dugo na nagpapahiwatig na hindi na ako virgin. Napahilamos ako sa aking mukha, hindi ko maiwasang isipin kung tama bang ibinigay ko sa kaniya ang aking pinaka-iingatang bagay.

Mahal ko siya, Oo! Pero hindi ko alam kung may patutunguhan ba itong pag-ibig ko sa kaniya lalo na kung hindi ko alam ang kaniyang nararamdaman sa akin.

Ang tanong ay kung mayroon ba siyang nararamdaman sa akin? O baka naman init lang ng katawan?
Malalim akong napabuntong hininga sa naisip. Muling sumikip ang dibdib ko. Sana naman may nararamdaman din siya sa akin. Sana mahalin niya rin ako. Sana.

"Kailangan ko s’yang makausap tungkol sa nangyari sa amin." mahinang sabi ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.

Magagalit ba siya kung tatanungin ko kung anong meron sa amin? Napailing na lang ako sa naisip. Kailangan ko munang humanap ng tiyempo. Marahan akong humakbang palabas ng silid.

Nang napadaaan ako sa salas ay tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung saan nakaturo ang mga kamay nito.

Alas dose na? Grabe! Ganito pala talaga pagpagod, tinatanghali ng gising. Kaya pala kumukulo ang tyan ko habang naliligo ako.

Pinilit kong makapaglakad ng maayos papunta sa kusina. Kahit nahihirapan ay nagmadali parin ako. Pagpasok ko palang sa kusina ay may naamoy na agad akong kakaiba. Amoy ng hotdog na nasusunog.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagluluto si Tyron. Hindi s’ya magkanda-ugaga sa pagluluto, para siyang isang batang napipilitan lang gumawa ng isang bagay. Halatang wala siyang kaalam-alam sa kaniyang ginagawa. Ang cute niyang tingnan. Napangiti ako nang malawak habang pinagmamasdan siya.

Ilang minuto ko pa siyang pinagmasdan. Lalo akong napangiti nang malawak ng walang preno siyang nagmura. Susunod sunod at walang palya siyang nagmura. Hindi pa siya nakuntento at tinitigan niya pa ng masama ang kaniyang niluluto. Natatawang napairap ako sa kaniyang ginawa. Paano ba naman ay natalsikan siya ng mantika galing sa kaniyang niluluto.

"Ang arte." nakalabing bulong ko.

Lumakad ako palapit sa dining table at pumwesto ako sa may likuran niya. Dahan-dahan akong umupo sa upuan. Nakatalikod siya sa akin kaya naman hindi niya ako kita. Hindi niya yata naramdaman ang presensiya ko kaya hindi siya natinag sa pagluluto.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon