Kabanata 13

190K 3.6K 239
                                    

Kabanata 13

"I'm sorry, Boss" malungkot na sabi ko. Ipinungay ko pa ang mga mata ko para malaman niyang nagsisisi ako.

"Please, patawarin mo na po ako. Hindi na po mauulit. Hindi ko na po talaga kayo kakagatin sa ilong. Please, huwag mo na pong bawasan ang sahod ko. Pakiusap, Boss." pamimilit ko sa kaniya. Pero ang hinayupak kong boss ay inirapan lang ako ng todo.

Napalabi na lang ako. "Please" tinapunan niya lang ako nang masamang tingin dahil sa pamimilit ko sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Pabalya akong umupo sa sofa niya.
Nakangusong pinagmamasdan ko lang si Boss habang naglalagay siya ng Band aid sa ilong niya. Napanguso ako. Hindi ko maiwasang ma-guilty sa ginawa ko. Nakakahiya talaga. Kung bakit ba naman kinagat ko pa siya sa ilong. Napagkamalan niya tuloy akong aso, at ang malala ay nabawasan pa 'yung sahod ko.

Waahh. Sayang din 'yung tatlong libong kinaltas niya. Pambili ko din iyon ng bigas at napkin. Nakamot ako sa ulo ko.

Ang tanga tanga ko talaga. Ilang araw na naman akong magtatyaga sa pag kain ng tinapay at ang malala ay pasador na naman ang gagamitin ko pag nagkaroon na naman ako ng dalaw. Tinopak ba naman si Boss.
Kung kanina ay natawa pa siya, ngayon naman ay parang pinagbagsakan na naman siya ng mundo. Seryoso na naman kasi ang pagmumukha niya eh.

Halos magmakaawa na nga ako kanina huwag lang niyang bawasan ang sahod pero waley eh. Beastmode na naman si Boss.

Napatingin ako sa wall clock. Alas-nuwebe na pala ng umaga. Hindi pa pala kami nag-aalmusal. Nahihiyang napahawak ako sa tiyan ko nang bigla itong kumulo.

Napakagat labi ako. Sana naman ay hindi narinig ni Boss ang himutok ng tiyan ko. Paniguradong nakakahiya.
Napalingon ako kay Boss. Nagulat ako nang makita na sa akin siya nakatingin.

"Hungry?" napatango nalang ako sa tanong niya. Gutom na ako. Nag-rarally na ang mga buwaya sa tiyan ko sa sobrang gutom.

"I give you twenty minutes to get dress. Kakain tayo sa labas." seryosong sabi niya.

Agad nanlaki ang mata ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang may pumasok na ideya sa isip ko.

What? Magda-date ba kami? Kikiligin na sana ako pero sinamaan niya agad ako nang tingin.

"Hindi iyon date, okay? Kakain lang tayo ng almusal sa labas dahil wala tayong lulutuin dito. Tsk" napanguso ako dahil sa hiya.

May restaurant sa baba at may cook din sa hotel? Bakit hindi na lang doon.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdaman ako nang panghihinayang.

Walang date.

"Ah! Bakit may sinabi ba akong date 'yun? Grabe ka naman boss. Maka-bintang ka oh" wika ko habang pilit na ngumi-ngiti.

"You just said it a while ago" walang emosyong sabi niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatakip din ako sa bibig ko.
Ano? Tama ba 'yung narinig ko? Sinabi ko 'yun? Ibig sabihin ay napalakas 'yung sinabi ko? Imbis na sa isip lang ay lumabas pala sa bunganga ko. Naku, wala talagang filter ang bibig ko.

"Eh-ha-ha. Ano--Ay mag gagayak pa nga pala ako. Ha-ha, teka lang huh. Mabilis lang ako" hindi ko na siya hinintay pa na sumagot kasi kumaripas na agad ako nang takbo papunta sa kwartong tinulugan ko kanina.

Natatakot pa nga ako habang naliligo kasi baka mamaya may biglang sumulpot na kung ano man. Kaya wala akong nagawa kundi magmadali. Wala pang sampung minuto ang itinagal ko sa paliligo.

The Billionaire's SecretaryWhere stories live. Discover now