Kabanata 9

191K 4K 296
                                    

Kabanata 9

"Why are you staring at me like that?" Napalunok ako ng laway dahil sa kaniyang itinanong.

Heto na naman ang paborito niyang linya tuwing nahuhuli niya ako. Napasulyap ako sa kaniyang labi.

Iyong labi niya ay lalong nagiging sexy sa paningin ko tuwing nagsasalita siya. Waaahh! Ang sarap nitong halikan. Naalala ko na naman kung gaano ito sa sarap.

"Ha?"

Wait, ano nga ulit ang tanong niya?

"Masarap kaya siyang halikan ulit?" Napakagat labi ako sa naisip.

Ganun pa rin kaya ang lasa. Lasang strawberry na sobrang tamis. Bad, ang manyak ko talaga.

Unting-unting sumilay ang ngiti niya. Naguluhan pa ako kung bakit bigla siyang ngumiti. Wala naman akong sinabing nakakatawa ah.

Nanlaki ang mata ko nang may naalala. Nasabi ko ba 'yung nasa isip ko kanina. Humawak ako sa bibig ko.

Shit, kaya ba ganiyan ang pagkakangiti niya? Waaahh! nakakahiya.

"B-boss Tyron, m-mali po kayo nang iniisip. Na-nagsasaulo po ako pa-para sa -sa- ano" nagkakandautal na pagpapalusot ko.

Agad naman niya akong pinatigil sa pagsasalita. Kasabay noon ang pagkibit balikat niya.

"Huwag ka nang magpaliwanag ng kasinungalingan. I hate liars. If you want to kiss me then kiss me, I don't mind it at all. " seryosong saad niya sa akin na siyang nakapagpahulog ng panga ko sa gulat.

Napalunok ako sa sinabi niya. Nakakahiya naman at wala talagang magandang maidudulot ang bibig ko. Kung ano ano ang lumalabas eh, pero payag naman daw siyang magpa-halik.

Ibang klase din!

"Ha-ha-ha" pilit natawa ko habang tinitignan siya. Gaya ng lagi niyang reaksyon ay seryoso parin siya.

Ang awkward. Mas maganda sigurong tumahimik muna ako.

Umayos ako nang pagkakaupo. Namayani ang katahimikan sa buong sulok ng kotse na sinasakyan namin.
Ilang minuto na ang lumipas at kating kati na ulit akong magsalita. Nakakabagot naman kasi dito, nakakamatay pala ang katahimikan. Gustong gusto ko nang magsalita pero pinipigilan ko lang at baka kasi mamaya halikan na naman niya ako. Ayoko nang mangyari ang hindi kanais-nais na bagay na iyon.

Ang halik niya ay isang parusa. Nakakatakot na parusa. 'Yung parusang hinding hindi ko malilimutan. Matagal na niya akong nahalikan pero parang kahapon lang nangyari. Halos hindi ako makatulog dahil sa halik niyang iyon at hindi rin ako makakain nang maayos sa kakaisip ng halik niya. Para akong mababaliw, halos paulit-ulit na nagrere-play sa utak ko ang eksenang iyon.

Napakagat labi ako. Sumiksik ako sa may bintana ng sasakyan. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas. Binibilang ko ang mga taong nakikita ko. Isa ito sa mga hobby ko pag naiinip ako, ang magbilang ng mga taong nakikita. Pag malayo ang byahe, nakaka-abot ako ng limang daan. Ang weird ng hobby ko no.
Isang oras na ang lumipas pero hindi parin kami nakakarating sa airport halos mangawit na ang pwet ko sa kakaupo. Hindi ko na lang ipinahalata kahit na gusto ko ng mag-reklamo. Bakit ba naman ang layo ng airport.
Nakakarami na ako sa pagbibilang nang biglang nag-salita si Boss.

The Billionaire's SecretaryWhere stories live. Discover now