Kabanata 32

160K 3.1K 87
                                    

Kabanata 32

"Where do you want to eat our breakfast?" seryosong tanong ni Tyron habang nagmamaneho ng kotse.

Mula sa pagtitig sa labas ng bintana ay napalipat ang tingin ko kay Tyron. Walang reaksyong nakatingin lang s’ya sa harapan kaya wala sa sariling napangiti ako.

Kahit talaga wala s’yang reaksyon sa mukha ay sobrang gwapo niya parin, pero lalong lalo na kung nakangiti s’ya. Sabog ang matris ng mga babae kung saka sakali mang makita nila ang pagngiti niya at paghalakhak, pero sorry na lang sa kanila dahil akin lang ang ngiti niya.

Hinding hindi nila ito magagawang makita kahit umiyak pa sila ng sampung gallon. Napailing ako habang natatawa. Sa halos isang taon ko siyang nakasama ay ni-hindi ko man lamang s’ya nakita na ngumiti sa ibang tao. Tanging sa akin lang siya nagpapakita ng reaksyon. Sa akin lang siya natawa at nangiti ng todo.

Napabalik akong muli sa realidad nang magtanong ulit siya sa akin.

"Baby, you were spacing out. Are you alright?" mabilis s’yang sumulyap sa akin pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa unahan.

"Ha? Ano nga ulit 'yung itinanong mo kanina?" natatawang tanong ko habang nagkakamot ng ulo.

"Tsk. Where do you want to eat breakfast?" nakakunot noong tanong niya kaya napanguso ako.

"Sa Jollibee na lang." excited na sagot ko. Alam kong kumikislap ang aking mga mata dahil sa sobrang kasiyahan. Paborito ko ang fried chicken at spaghetti sa Jollibee.

"Okay" matipid na wika niya.

Hanggang sa tumigil kami sa harap ng fast food chain ay nanatili siyang tahimik at walang imik. Nakalabi na hinarap ko s’ya.

"Boss! Bakit hindi ka nagsasalita? Galit ka ba? O natatae ka lang talaga kaya ka tahimik?" malokong sabi ko. Hindi niya ako pinansin kaya napairap ako sa kawalan.

"Sus, nagtampo na naman ang isang 'to." Nakangising sabi ko nang hindi niya ako pagtuunan ng pansin.

Madalas kasi s’yang mainis lalo na kung natutulala ako at malalim ang iniisip.

Nang pinatay niya ang makina ng sasakyan ay agad kong hinawakan ang kaniyang braso at pinaharap ko s’ya sa akin pagkatapos ay sinapo ko ang kaniyang mukha tsaka ko s’ya pinugpog ng halik.

"Oy baby! Huwag ka nang magtampo. Tsk. Maliit na bagay lang nagtatampo ka na agad. Daig pa ang bata." natatawa na sabi ko habang naiiling.

Tumikhim s’ya at sinamaan ako ng tingin. "I'm not. Hindi ako nagtatampo. Tsk!"

Napatawa ako nang malakas sa sinabi niya. "Sus, alam ko namang naiinis ka kapag hindi kita napapansin agad. Ayaw mong natutulala ako kasi feeling mo ibang lalaki ang laman ng isip ko.”

Bumusangot lalo ang kaniyang mukha nang marinig ang aking sinabi. Patago akong ngumisi. Selos eh. Tatlong beses s’yang nagmura kaya mas lalo akong napatawa nang malakas. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo kaya naman nagsalita agad ako.

"Boss Tyron kong pogi at masarap. Biroan lang ito ah. Walang pikunan. Hahaha! Alam mo namang ikaw lang sapat na! Kaya huwag ka nang magalit, boss. Ikaw lang ang sinisinta ko, wala ng iba." nag-iwas siya nang tingin sa akin pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng tainga niya.

The Billionaire's SecretaryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora