Kabanata 46

144K 2.7K 266
                                    

Kabanata 46

May 28, 2018

Nilagyan ko ng X mark ang petsa na nasa kalendaryo. Ito ang petsa ngayong araw. Nakasanayan ko nang markahan kada umaga ang bawat araw na lilipas. Nakakatulong kasi ito sa akin. Sa pamamagitan kasi nito ay naalala ko ang date. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay naging malilimutin ako. Dala siguro ng pagbubuntis.

Tinitigan ko ang kalendaryo at binilang ko kung ilang buwan na kaming nakatira dito.

Napakamot ako sa pisngi ko. Grabe, matagal na pala. Ang bilis lang ng panahon. Parang kailan lang ay kakarating lang namin dito.

"Anim na buwan." mahinang wika ko sa sarili.

Anim na buwan na pala ang lumipas mula noong dinala ako ni King Tyron sa isla na ito. Akalain mo nga naman at naging mabilis ang panahon. Hindi ko inaakala na matuling na palang lumipas ang mga araw.

Parang kahapon lang ay nalaman kong buntis ako tapos ngayon ay kitang kita na ang ibidensya ng pagbubuntis ko.

Biglang pumasok si King Tyron sa isip ko. Nalaman niyang buntis ako noong pangatlong buwan namin dito. Naging mausisa kasi siya noong nakita niya akong sumusuka. Wala akong choice kundi ang umamin.

Hinimas ko ang aking malaking tyan nang may naramdaman akong mahinang kirot. Napangiwi ako.
Sa ngayon ay malaki na ang tyan ko. Naging maayos naman ang aking pagbubuntis. Hindi naman ako naging maselan sa paglilihi. Naging maayos ang lahat, sa tulong narin ni King Tyron. Hindi naging mahirap ang paglilihi ko.

Sa mangga na may bagoong at ketchup lang naman kasi ako nahilig. Hindi ako naging mapili sa kinakain. Mangga, bagoong, at ketchup lang ay sapat na. Naalala ko tuloy si Mich. Kinakaayawan niya kasi yung gusto ko na sawsawan. Nakakadiri daw.

"Si Mich. Kamusta na kaya siya?" wala sa sariling tanong ko habang bumubuntong hininga.

Nang maisip ko si Mich ay nalumbay ako. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita at nakakausap. Nakakaramdam ako ng lungkot. Wala na akong balita sa kaniya. Hindi ko na siya nakontak pa simula noong dinala ako ni King Tyron dito.

Dahil sa nakakapagtakang dahilan ay bigla na lang nawala ang aking cellphone. Hinanap ko ito sa bag pero wala akong nakita. Noong tinanong ko naman si Tyron ay hindi niya daw ito alam. Lubos ang pagtataka ko pero isinawalang bahala ko na lang ito.

"Miss ko na 'yung lukaret na iyon. Nakakamiss din pala ang kabaliwan niya." nakanguso na pagkakausap ko sa sarili ko.

"Nakakainis kasi si Fucking tyron. Ayaw niya pang umuwi sa Maynila." paghihimutok ko habang naiinis na nagkakamot ng ulo.

Nakiusap naman ako kay Tyron tungkol sa kagustuhan kong bumalik sa Maynila pero hindi siya pumayag. Hindi ko na muling nakita pa si Mich. Ni-hindi na rin ako nakapunta pa sa La Union.

Sa pagtira namin dito ay nasanay narin ako. Ang anim na buwan naming pagtira dito ay naging simple. Walang luho o mga bagay na mahahalin. Simpleng buhay lang ang meron kami ni King Tyron ngayon.

Minsan nga ay napapaisip ako, kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kung bakit bigla na lang niyang ginusto na mamuhay ng simple. Nakapagtataka. Pansamantala niyang iniwan ang lahat ng yaman niya para lang makasama ako sa isla na ito. Mas pinili niyang mamuhay muna ng simple.

The Billionaire's SecretaryWhere stories live. Discover now