Kabanata 1

424K 7K 711
                                    

Kabanata 1


H E R A ' S P . O . V .

"MS. HERA BUENCAMINO."

Napatayo agad ako nang bigla akong tawagin ng isang babae para ma-interview. Ramdam ko ang pagtambol ng dibdib ko nang dahil sa kaba. Napabuntonghininga rin ako.

May babaeng lumapit sa akin. Isang magandang babae. Kahit na mukhang mataray siya ay tinanguan niya pa rin ako. Siya raw ang maghahatid sa akin papunta sa conference room na pagdarausan ng interview.

Walang pag-aatubiling nginitian ko siya nang malapad. Sa sobrang lapad ay halos mapuknat na ang aking pisngi. Syempre, kailangan kong magpaka-friendly, 'no.

"Kaya ko 'to!" kinakabahan kong sabi sa sarili. Malalim muna akong napabuntonghininga para mawala ang pagkabog ng dibdib ko.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang isipin kung anong mangyayari sa akin mamaya. Matatanggap kaya ako o hindi? Pano kung hindi? Edi babalik na naman ako sa paghahanap ng trabaho? Pang-ilan ko na ba 'tong interview? Tatlo. Napabuntonghininga ulit ako sa naisip.

Nilibang ko na muna ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin sa mga painting na nadadaanan namin. Pampaiwas kaba na rin.

Pagkasabi sa akin ng babaeng kasama ko na malapit na raw kami sa pagdarausan ng interview ay agad kong pinagdaop ang aking mga palad para magdasal. Sana ay maging swerte naman ako ngayon.

"Diyos ko, patnubayan mo po ako ngayong araw na ito. Pinagdarasal ko po talaga na makuha po ako sa trabaho ngayon. Please! Kayo na pong bahala sa akin. Amen!"

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko agad napansin na kinakausap na pala ako ng babaeng naghatid sa akin.

"Ms. Buencamino, nandito na tayo. Good luck sa 'yo.

Pwede ka nang pumasok," mahinang saad niya.

Doon ko lang napansin na huminto na pala kami malapit sa tapat ng isang malaking pinto. Napalunok ako nang wala sa oras dahil sa sinabi niya. I-interview-hin na ako?

"Naku po! Ito na talaga. This is it! Kaya mo 'to, Hera!" piping usal ko sa aking isip.

Kailangan kong magkatrabaho para may pambili ako ng pagkain at higit sa lahat, kailangan ko nang bumili ng Lactacyd

para naman maging fresh na ulit si pempem. Ang tagal ko na kasing nagtitiis sa sabon, eh. Hindi ko maiwasang mapangisi. Grabe! Nagawa ko pa rin na magbiro kahit kinakain na ako ng sobrang kaba.

"Sa-salamat . . ." nauutal na sabi ko.

Pagkatapat na pagkatapat ko sa pintuan ay agad kong inayos ang aking damit. Nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ay huminga ako nang malalim para hindi ako kabahan lalo. Napailing ako sa naalala ko.

"Ay naku, Hera! Bakit hanggang ngayon ay kinakabahan ka pa rin? Sa dami mo nang na-apply-an at napasok na trabaho ay ganito pa rin ang nararamdaman mo? Ang tange mo talaga! Pero kasi iba 'to. Imagine, malaking kompanya itong papasukan mo. Hindi katulad noong ibang trabaho mo na sa ibang pipitsuging kompanya lang," pagkakausap ko sa aking sarili.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon