Kabanata 17

184K 3.6K 331
                                    

Kabanata 17

Pagka-alis namin sa Mall ay nagtungo na agad kami sa opisina ni Boss. Tahimik lang ang naging byahe namin hanggang sa makarating kami. Hindi ko s’ya magawang sulyapan dahil sa tuwing makikita ko s’ya ay kinikilig ako. Ewan ko ba sa Heart heart ko kung bakit s’ya laging nagwawala ng todo.

Napasulyap ako kay Boss nang bigla niyang itinigil ang kotse. Nagtatanong na tiningnan ko s’ya.

"Boss, Bakit ka tumigil?" biglang kumunot ang noo niya sa itinanong ko.

Naiiling na sinagot niya ako. "Obvious ba? Syempre nandito na tayo kaya ako tumigil. Anong gusto mo magtuloy-tuloy tayo sa byahe? Tsk. Stop! Daydreaming. Kanina ka pa tulala." napalabi nalang ako sa sinabi niya.

Alam niyang tulala lang ako sa buong durasyon ng byahe. Posible kayang sinusulyapan niya ako kanina. Kinilig ako sa naisip. Malawak ang ngiti ko habang nagtatangal ako ng seatbelt. Pati sa pagbubukas ng pinto ng kotse ay ngiting ngiti ako.

Nang makababa kami sa kotse ni Boss ay may biglang sumulpot sa aming lalaki na naka-itim na suit. Hindi ko maiwasang pag-masdan siya.

Grabe. Ang gwapo niya. Anak ng tupa. Kaibigan kaya ito ni Boss?
Nang makalapit ito sa amin ay doon lang nasagot ang tanong ko. Hindi s’ya kaibigan ni Boss dahil yumuko ito na wari'y nag-bibigay galang.

Oppss! Hindi niya pala kaibigan. Siguro ay empleyado din tulad ko.
Tinanguan lang siya ni Boss. Napasulyap sa akin iyong lalaki. Nginitian ko ito. Kunot-noo s’yang nag-iwas nang tingin. Napalabi na lang ako sa ginawa nito.

Ano ba ‘yan. Nginitian na nga s’ya, hindi niya pa ako ginantihan. Nag-fifeeling friendly na nga 'yung tao tapos i-ni-isnob pa.

"Psh. Suplado" naiinis na bulong ko. Napalingon sa akin si Boss. Narinig yata ni Boss ang sinabi ko kaya napa-sulyap siya sa akin.

Kumunot ang noo nito sa narinig. "Sinong suplado?" seryosong tanong niya. Napakagat labi ako.

Naku, patay. Baka mamaya mag-selos si Boss pag-sinabi kong type ko iyong lalaking ‘yan. Napalabi ako sa naisip ko.

Ay Naku, Hera. Asa ka namang mag-seselos ‘yan. Like ka lang ni Boss pero hindi ka niya mahal. Burn Hera burn. Huwag kang umasa nakaka-matay.

Pero wala namang masama kung ita-try ko na pag-selosin s’ya. Napangisi ako. Malay natin mag-selos s’ya. Wala namang masama kung susubukan diba?

Tumikhim ako bago mag-salita. Ibinaling ko ang tingin kay Boss. Nakatingin lang ito sa akin. Malawak na ngiti ang ibinibigay ko sa kaniya. Sinenyasan ko s’yang lumapit sa akin na agad naman niyang sinunod. Tumingkayad ako para maabot ko ang tenga niya. Ibinulong ko sa kaniya iyong sasabihin ko.

"Boss, ang suplado naman niyang lalaking yan. Nginitian ko na nga hindi man lang ako pinansin. Nagpa-cute na nga ako tapos waley parin. Sayang type ko pa naman s’ya." natatawang sabi ko sa kaniya.

Umayos agad ako nang pagkakatayo. Lumayo ako ng konti kay boss para tingnan kung ano ba ang magiging reaksyon niya. Napangisi ako nang makita ko ang reaksyon niya.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag-tawa nang malakas. Gumana ba ang plano ko? Nagseselos na ba s’ya? Hindi ko maiwasang matuwa sa nangyayari. Mukhang nag-seselos s’ya dahil sa reaksyong ipinakikita niya.

The Billionaire's SecretaryOnde as histórias ganham vida. Descobre agora