Kabanata 44

143K 2.8K 298
                                    

Kabanata 44

Bago ako umakyat sa bus ay malalim na paghugot ng hininga muna ang aking ginawa. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa aking bag pack habang inililibot ko ang aking tingin sa loob.

Nang makahanap ako nang mauupuan ay agad akong nagtungo dito. Sa gitnang bahagi ng bus kung saan wala pang masyadong nakaupo.
Kakaunti pa lang ang pasahero. Sa wari ko ay labing lima pa lang ang nakasakay dito. Palibhasa ay madaling araw pa lang at kakaunti pa ang na-byahe pauwi.

Umupo ako sa upuan sa tabi ng bintana. Ipinatong ko ang dala kong bag pack sa ibaba. Dalawang bag ang aking dala. Isang back pack at maliit na shoulder bag lang ang aking dinala para hindi ako mahirapan sa pagbibitbit. Sumandal ako at ipinikit ko ang aking mga mata. Sa ilang segundong lumipas, habang ako'y nakapikit ay naalala ko ang nangyari kahapon.

Bumigat ang aking pakiramdam sa naalala. Naging maayos naman ang pag-uusap naming dalawa ni Mich. Pumayag siya sa gusto kong mangyari. Mahabang pag-a-argumento pa nga ang nangyari sa amin pero kalaunan ay sinang-ayunan na lang niya ang plano ko. Bago siya umalis kahapon sa bahay ko ay humingi pa siya ng pabor sa akin. Gusto niya daw akong ihatid kinabukasan pero tumanggi ako.

Nalungkot pa nga siya nang hindi ko siya payagan na ihatid ako sa terminal ng bus. Sinabi ko sa kaniya na baka mag-iyakan lang kami. Tsaka baka magbago pa ang isip ko at hindi na ako tumuloy. Sinabi ko na lang sa kaniya na babalik ako, sa panahong handa na ako. Buo na kasi talaga ang desisyon ko na umalis at magpakalayo-layo. At ayokong maudlot pa ang aking desisyon. Matapos naming mag-usap ni Mich ay umuwi agad s’ya.

Natapos ang pag-iisip ko at napamulat ako nang biglang may nagsalita sa tagiliran ko. Lumingon ako kaya agad kong nakita ang isang magandang babae na may mga dalang panindang chicharon at mineral water.

"Miss, bili ka na ng chicharong baboy at tubig para may makukutkot ka sa byahe." masayahing pang-aalok noong magandang babae.

Sa sobrang ganda niya ay hindi agad ako nakapagsalita dahil sa pagkamangha. Bakit ganoon? Kahit simple ang suot niya ay sobrang pretty niya pa rin. Para siyang goddes na bumaba sa Mt. Olympus. Nasaan ang hustisya? Bakit sobrang ganda niya. Siya 'yung halimbawa ng Simplicity is Beauty. Wala siyang make-up pero sobra sobra ang kagandahan niya.

"Miss" muli niyang tawag sa akin dahilan upang muli akong mapabalik sa katinuan.

"Ay sige. Dalawang chicharon nga at isang tubig." sabi ko at pagkatapos ay mabilis kong kinuha yung pera na nasa bulsa ko.

Ipinatong niya muna sa katabi kong upuan ang basket na dala niya para mabilis siyang makakilos. Ibinigay ko agad ang bayad habang ibinibigay niya din sa akin ang binili ko.

Mas lalo akong namangha dahil sobrang ganda niya sa malapitan.
"Ang ganda mo, Miss." wala sa sariling sabi ko.

Tumawa siya nang malakas habang nahihiyang inaayos ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kaniyang mukha.

"Talaga ba, Miss? Payakap nga kung ganoon." sabi niya at pagkatapos ay niyakap niya agad ako.

Namilog ang mga mata ko sa gulat. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkakagulat nang bumitaw siya agad sa akin. Nakita ko siyang ngumiti nang malawak habang kinukuha yung kaniyang basket.

"Pasensya na. Nadala lang ako. Ikaw pa lang kasi ang nagsabi sa akin na maganda ako eh. Salamat sa kwint-- este salamat sa pagbili. Sa uulitin. Alis na ako ah." pagkatapos niyang magsalita ay agad na siyang kumaripas ng takbo palabas ng bus.

The Billionaire's SecretaryWhere stories live. Discover now