[2]

28.3K 890 288
                                    

(LALAINE'S POV)

Pagkalabas ko galing C.R, nakita kong tapos na rin magbihis si Sir Kloude at wala na rin ang mga kaibigan niyang bakla sa kwartong tinulugan namin.

"Ang tagal mo namang babae ka! Ano bang ginawa mo dun sa loob at inabot ka ng 48 years? Jusmiyo. " pagkatapos nun ay tuloy-tuloy na siyang lumabas sa kwarto. Agad naman akong sumunod sa kanya.

Nauuna siyang maglakad sa akin habang ako naman ay nahihirapang maglakad dahil ang sakit pa rin talaga ng ibabang bahagi ng katawan ko. Nakakagat labi ako habang naglalakad habang ang isa ko namang kamay ay nakakapit sa pader para magsilbing suporta sa paglalakad ko.

Lumingon sa akin si Sir Kloude at kunot noo akong tiningnan.

"Anyare sa'yo bakla? Anong eksena mo? Dinaig mo pa internet ng kapitbahay namin sa sobrang bagal mong maglakad."

"Sir, masakit po---"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla na lang siyang lumapit sa akin at binuhat ako na parang pang bagong kasal.

"Tss. First time mo nga pala." naiiling niyang sabi.

"Sir, okay lang po. Ibaba niyo na lang po ako."

"Wag ka nang mag-inarte. Naiintindihan kita kasi parehas tayong babae. Ganyan din ako nung first time ko." sabay ngisi niya.

---

"Oh my God! Siya na ba ang tinutukoy mo anak?" nanlalaking matang tanong ng nanay ni Sir Kloude.

"Yes, mom. Wag pong masyadong OA." sabi naman ni Sir Kloude habang pinapaypayan ang sarili niya.

"Hija, maupo ka dito. Nako! Napakaganda mo naman." sabi ulit ng nanay ni Sir Kloude habang inaalalayan ako sa pag-upo at tila di na naman napansin ang sinabi ni Sir Kloude.

"Excuse me, mom. I'm more beautiful than her. Dyosa 'tong anak niyo, mommy. Dyosa as in capital D-Y-O-S-A!"

"Hija, kumain ka na ba? Don't worry. Kakain tayo later. Hintayin lang natin na bumaba ang daddy ni Kloude." sabi ulit sa akin ng nanay ni Sir Kloude. Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.

Maya-maya ay bumaba na ang tatay ni Sir Kloude with all smiles pa na tila nanalo sa lotto.

"I'm so proud of you, son. Sa wakas, you're finally a man now." Sabi ng tatay ni Sir Kloude habang tinatapik-tapik ang braso niya nito.

"Man? Eww. Mandiri ka nga, dad. Dinala ko yang chararat na yan dito dahil di ko alam kung anong gagawin ko. Jusmiyo. I badly need a solution for this bago pa ako pagkaguluhan ng media."

"Anton, why don't you call our entire clan to inform them that our son is finally a man? Hihihi." tila kinikiliting sambit ng nanay ni Sir Kloude.

"Stop it, mom. Nakakadiri." tila nandidiri namang pahayag ni Sir Kloude.

"Son. Let's talk outside." this time, seryoso na ang mukha ng tatay ni Sir Kloude na si Sir Anton.

Walang imik namang sumunod si Sir Kloude sa tatay niya habang ako naman ay tinatanaw lamang ang mga likod nila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

(KLOUDE'S POV)

"So, what is it dad?" tanong ko sa tatay ko na ngayon ay naka-cross-arms at tila binabasa ang takbo ng isip ko.

"Son, naiisip mo ba ang naiisip ko?"

"Wow naman dad! Kelan pa ako naging manghuhula? Di ako na-inform. Dyosa lang ho ako at hindi manghuhula." sabi ko sabay flip ng imaginary hair ko.

"Son, I'm serious." Seryosong sabi ng tatay ko.

Loko rin 'tong tatay ko eh. Seryoso rin ako. Hindi ko naiisip ang naiisip niya. Ayoko pa naman na seryoso ang mukha ng tatay ko. Mukha siyang si Mr. Bean.

"I'm serious too, dad."

"Okay, since di mo naman ako nage-gets, let me explain it to you."

"Go."

"You can use Lalaine to get the hearts of our family. Alam mo naman dibang marami sa pamilya natin ang mainit ang dugo sa'yo dahil sa pagiging bakla mo."

"Here we go again. Dad, hanggang kelan ko ba sasabihin sa inyo na ako ay isang sirena at kahit anong sabihin nila ako'y ubod ng ganda." pakanta kong pahayag.

"Son!"

"Dad!"

"Tss. Magseryoso ka naman."

"Seryoso ako, dad. Bakla ako. Juding, dyokla, diwata, engkantada, sirena, prinsesa, reyna, dyosa----"

"KLOUDE HENRY FONTANILLA!"

Agad na pinutol ng tatay ko ang litanya ko. Hayy. Uh-oh. Galit na si Mr. Bean.

"Dad naman eh. Bakla nga kasi ako. Pakielam ba nila ha?"

"May pakielam sila dahil pangalan ng pamilya natin ang nakasalalay dito. Pagkalabas ng lolo mo sa ospital, pormal nang ipapasa sa'yo ang pagiging CEO ng Fontanilla Group of Companies. I know that you worked hard for you to reach that position. Ilang beses ka na ring pinagtanggol ng lolo mo mula sa iba nating pamilya dahil ayaw nilang maging isang CEO ang baklang katulad mo. Gusto mo bang maging CEO yung pinsan mong si Aaron?"

"Of course not! Baka syotain nun lahat ng babaeng empleyada sa kompanya!"

"Yun naman pala anak eh. Edi pumayag ka na sa plano ko. Yun lang ang tanging paraan para mapapayag mo ang buong angkan natin na karapat-dapat ka talaga bilang CEO. Mapalad ka anak dahil ikaw ang napili ng lolo mo sa kabila ng kalagayan mo."

Napaisip ako sa sinabi ng tatay ko. He's right. I'm really fortunate because my grandfather chose me to be the next CEO. But the problem is, ayaw akong tanggapin ng iba naming kapamilya dahil sa pagiging bakla ko. Ano bang ikinaiimbyerna nila dun? Di ba nila matanggap na isa akong dyosa? Ang hirap talagang maging maganda.

Hayy. Sabi kasi nila, masisira daw ang reputasyon ng aming pamilya kapag ako ang naupong CEO. Paglabas ng lolo ko sa ospital, pormal na niyang ipapasa ang pagiging CEO sa akin dahil nararamdaman na niyang mamamatay na siya. Pero maaari pang magbago ang desisyon niya kapag nagkaisa ang buong angkan namin na si Aaron ang gawing CEO. Putspa naman oh! Napakaintrimitida talaga ng mga kamag-anakan ko!

"Ano bang plano mo dad?" naiirita kong tanong sabay inom ng tubig mula dun sa dinalang meryenda ng katulong namin.

"Pakasalan mo si Lalaine."

Naibuga ko ang tubig na iniinom ko sa mukha ng tatay ko.

"WHAT?!" gulat na gulat na tanong ko.

Pinunasan muna ng tatay ko ang tubig sa mukha niya bago nagsalita.

"That's the only way son. Take it or leave it."




Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon