[19]

18.7K 622 31
                                    



(LALAINE'S POV)

Nakapikit pa ako habang naglalakad papalapit sa harap ng salamin. Isa kasi sa mga morning rituals ko ay ang tingnan ang mukha ko sa harapan ng salamin pagkabangon ko. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita kong may nakadikit na kulay pink na post-it note sa noo ko. Sino naman kayang nagdikit nito sa noo ko? Agad ko 'tong tinanggal at tiningnan kung anong nakasulat.

Let's have a dinner at La Luxe Restaurant at exactly 9 pm in the evening. Wag ka na rin pumasok sa trabaho ngayon. Magpahinga ka na lang dito sa bahay. Wala kasi ako sa opisina ngayon. Nasa mansyon ako ni lolo dahil may pinapirmahan akong ilang dokumento sa kanya and he's going to dicuss some business matters with me. See you later. –Kloude

Napangiti ako habang kinakamot ang noo ko. Ibig sabihin ba nito ay bati na kami?

(KLOUDE'S POV)

>>FAST FORWARD. GABI NA DAW KUNWARI. HAHAHAHA.<<

Nagmamadali akong pumunta sa opisina ko habang nakatingin sa wrist watch ko. Jusme! 8:45 na. Ilang minuto na lang at magna-nine na.

Bigla naman akong napangiti nang maalala ko ang ginawa kong pagpasok sa kwarto ni Lalaine kanina. Magso-sorry sana ako sa kanya kanina. Hindi ko pala kayang hindi pansinin ang bruha. Hayy. Kaso pagpunta ko sa kwarto nya, tulog pa ang loka. Kaya imbes na mag-sorry, nag-iwan na lang ako ng note sa noo nya para madali nyang mapansin pagkagising niya. Inaya ko siyang mag-dinner tonight. Pang-peace offering, ganern. Kaso mukhang male-late ang lola nyo. Kailangan ko pa kasing idaan dito sa opisina ko itong mga pinapirmahan kong dokumento kay lolo.

Habang inaayos ko ang mga papel na hawak ko, biglang may pumasok sa loob ng opisina. Nung tiningnan ko kung sino, ang nakangiting si Dave ang dumating.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya habang busy pa rin sa ginagawa ko.

"I just want to give you a copy of the blueprint of the site. Hindi ko kasi naiabot sa'yo nung nakaraang pumunta kayo doon." Pagpapaliwanag niya habang inaabot sa akin ang blueprint.

"Just put it there." Sabi ko habang abalang-abala pa rin sa ginagawa ko.

"Okay. I'm done!" sabi ko habang nakangiting pinupunasan ang pawis sa noo ko pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng opisina kasi 9 pm na. Paniguradong nandoon na si Lalaine sa La Luxe Restaurant.

"Hey, Kloude! Sabay na ako sa'yo papuntang parking lot. Naka-park din kasi dun ang kotse ko." Sabi ni Dave habang nakasunod sa akin kaso hindi ko siya pinansin dahil okupado ang isip ko ng mukha ni Lalaine. Paniguradong hinihintay na ako nung bruhang yun.

Hanggang sa makasakay ako sa elevator, nakangiting nakasunod sa akin si Dave. Hinayaan ko na lamang siya at pinindot na ang button papuntang basement.

Hindi pa man kami nakakatagal sa loob ng elevator ay biglang nagpatay-sindi ang ilaw. Nagpalinga-linga ako sa loob ng elevator pagkatapos ay muling ibinalik ang tuon sa nakasarang pinto. Hahayaan ko na sana ang pagpatay-sindi ng ilaw kanina kaso naulit pa ito ng maraming beses pagkatapos ay umalog ang elevator pero hindi naman ganoon kalakas hanggang sa maramdaman ko na lang na hindi na gumagalaw ang elevator. What the!

"Woah! I think we're stuck in here." Cool na sabi ni Dave habang binuksan ang flashlight ng phone nya para magkakitaan kami.

"Oh God! Please not now." Pakiusap ko habang pine-press ang call button ng elevator to inform the maintenance personnel that there is a problem.

Halos mapudpod na ang daliri ko kakadutdot sa call button pero wala pa rin akong natatanggap na response. Sunod ko namang pinindot ang alarm button kaso parang wala ring epekto. Pinindot ko na rin ang door open at door close button baka kasi nagloloko lang ang mga ito kaya hindi gumagana ng maayos kaso wala ring nangyari. Hindi pa rin gumalaw ang elevator.

Lumapit ako sa pinto at kinatok-katok ito.

"May tao ba dyan?" sabi ko habang patuloy sa pagkatok.

"Hey! Anybody there? Someone help us, please!" dagdag ko habang halos kalampagin ko na ang kabuuan ng elevator.

Hinawakan ni Dave ang magkabilang balikat ko pagkatapos ay inilayo ako sa pinto.

"Stay calm, Kloude. Makakalabas din tayo. Let's just wait for a few minutes. I'm sure that the building personnel will notice that there's something wrong." Sabi niya habang tinatapik-tapik ang balikat ko.

Lumayo ako sa kanya at umupo sa isang sulok. Umupo rin siya sa kabilang sulok.

Kinuha ko ang cellphone ko to check kung anong oras na at para tawagan na rin si Lalaine na male-late ako. Kaso ganoon na lamang ang pagkadismaya ko nang makita kong walang signal dito sa loob. Jusme! 9:30 na rin ng gabi. Nakngtokwa naman o! Hayy. Sorry talaga, Lalaine. I'll explain this to you later.

"Bakit parang nagmamadali ka, Kloude? May lakad ka ba?" tanong ni Dave.

"I have a scheduled dinner with my wife."

"Ah." Sabi nya pagkatapos ay tumingin siya sa ibang direksyon.

Nagkibit-balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang pagpapaikot ng cellphone ko sa kamay ko. Baka sakaling magka-signal. Charot!

Namagitan angg malawakang katahimikan sa aming dalawa pero si Dave ang unang bumasag ng katahimikang iyon.

"Kloude." Tawag nya.

"Oh?" walang gana ko namang sagot sa kanya.

"Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito ka-successful ngayon---"

"Pwede ba Dave? Wag mong isali ang nakaraan sa trabaho natin ngayon. Tss." Pagpuputol ko sa sasabihin nya dapat.

Muli siyang nanahimik at tumingin sa ibang direksyon. Para naman akong na-guilty dahil sa ginawa ko pero mabuti na rin iyon. Mas mabuti ng wag ma-involve ang nakaraan namin sa buhay namin ngayon. Past is past ika nga.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng ingay mula sa labas. Unti-unti ring pumasok ang liwanag sa loob ng elevator.

"Sir, okay lang po ba kayo?" tanong ng isang building personnel habang pinipilit buksan ang pinto ng elevator.

Ilang segundo pa'y tuluyan na nya itong nabuksan. Jusko! Sa wakas at makakalabas na rin ako dito.

"Okay lang po ba kayo?" tanong ulit nito.

"Yeah. We're fine. Thanks." Sabi ko habang mabilisang tinapik ang balikat nung lalaki pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas mula sa pasaway na elevator na yan!

Pero bago ako tuluyang makalayo, tinawag ako ni Dave dahilan para mapahinto ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon.

"Kloude, kung may time ka, baka pwedeng pag-usapan natin ang nakaraan?" tanong niya mula sa malayo.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Nakaramdam ako ng kirot ng sinabi nya yun pero agad ko rin itong inalis dahil iisa lang ang nasa isip ko ngayon. Si Lalaine lang.

Akala ko tapos na ang kamalasan ko pero yun ang akala ko. Dahil pagkalabas ko ng building, doon ko lang nalaman na umuulan pala dahilan para magkaroon ng karumal-dumal na traffic. Jusmeeee! Ano bang nagawa kong kasalanan? Hayy.

Tiningnan ko ang phone ko pero wala pa ring signal. Inis ko itong ibinato. Walang ako pakielam kung kakabili ko pa lang nyan kanina. Ang mahalaga ay makarating na ako sa kinaroroonan ni Lalaine.

Laking tuwa ko nang gumalaw na ang mga sasakyan. Agad kong pinaharurot ang kotse ko papunta sa La Luxe Restaurant. Akala ko hindi ko na maabutan si Lalaine dun dahil 11 pm na nang makarating ako dun. Nasa may silong siya ng restaurant dahil sarado na ito habang nakayakap siya sa sarili nya dahil sa sobrang ginaw at habang nakatingala sa langit.

"Lalaine!" sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.

Pagkalapit ko sa kanya, agad kong ipinatong sa kanya ang coat ko dahilan para ibaling nya sa akin ang tingin nya.

"Kloude, akala ko hindi ka na darating." Sabi nya sa mahinang boses bago tuluyang bumagsak sa dibdib ko.

"Lalaine? Lalaine? Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa kanya habang tinatapik ang pisngi nya kaso hindi siya sumasagot. What the hell!

Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon