[25]

19.5K 593 10
                                    

(KLOUDE'S POV)

Pagkalabas ko galing sa kwarto ko, agad akong napatingin sa pinto ng kwarto ni Lalaine. Kamusta na kaya siya?

Lumapit ako sa pintuan nya at kumatok dito. Makailang beses akong kumatok pero walang sumasagot. Pinihit ko ang door knob at doon ko lang nalaman na bukas pala ito. Pumasok ako sa kwarto nya pero wala akong nakitang Lalaine na nasa loob. Ni anino nya ay hindi ko nakita.

Umuwi ba siya kagabi? Napailing na lang ako at dumiretso na sa kotse ko para pumasok sa opisina. Baka nandun na siya.

Pagkadating ko doon, nabigo akong makita si Lalaine. Sabi ni Anya, hindi pa daw nadating si Lalaine. Nasaan naman kaya ang babaeng yun?

Umupo ako sa swivel chair ko habang iniisip kung saan posibleng nagpunta si Lalaine. Kay Nayeon kaya? O baka naman kela Bam? Tss. Napakamot na lang ako sa batok ko at kinuha na ang mga dokumentong kailangan kong pirmahan.

Maya-maya'y may pumasok sa loob ng opisina. Akala ko si Lalaine ang pumasok kaso hindi. Si Dave ang dumating. Lumapit sya sa kinauupuan ko at hinawakan ang pulsuhan ko at hinatak ako patayo.

"Mag-usap tayo." Sabi nya.

Mukhang nakainom ata 'to dahil amoy alak ang hininga nya.

Tinanggal ko muna ang kamay nya mula sa pagkakahawak sa akin bago ako nagsalita.

"Wala tayong pag-uusapan Dave. Mas mabuti pang umalis ka na."

"Alam kong mahal mo pa rin ako Kloude."

"Nagpapatawa ka ba Dave? Wala na akong gusto sa'yo. Matagal ko nang pinutol ang koneksyon nating dalawa."

"You can't fool me, Kloude. Alam kong ako pa rin ang tinitibok niyang puso mo." Sabi nya sabay turo sa dibdib ko.

"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan." Sabi ko at muli na sanang uupo kaso hinatak nya ulit ako at niyakap ng sobrang higpit.

"Bitawan mo nga ako!" bulyaw ko sa kanya habang tinutulak siya kaso sobrang higpit ng yakap nya.

"Mahal pa rin kita, Kloude." Sabi nya kasabay nang muling pagbukas ng pinto ng opisina ko kaya agad siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin.

Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita kong si Lalaine pala ang pumasok sa opisina. Gulat na gulat siya sa nakita nya habang unti-unti nang namumuo ang luha sa mga mata nya.

"Lalaine." Sabi ko habang lumalapit sa kanya kaso hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanya ay tumakbo na siya palayo sa akin.

(LALAINE'S POV)

Habang papalapit ako sa pinto ng opisina namin ni Kloude, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko kasi alam kung paano siya haharapin. Hayy. Mabuti na lamang at magaling mag-make-up si Mikael kaya nagawa niyang itago ang namumugtong mga mata ko. Sa condo kasi ni Bam ako natulog kagabi dahil hindi ko pa kayang makita si Kloude. Kung wala lang talaga akong gagawin sa opisina, hindi talaga ako papasok ngayong araw.

Pagkabukas ko ng pinto, agad na bumungad sa akin ang magkayakap na sina Dave at Kloude.

"Mahal pa rin kita Kloude." Sabi ni Dave dahilan para mabato ako sa kinatatayuan ko.

Ang sakit. Parang tinusok ng milyun-milyong karayom ang puso ko. Pakiramdam ko parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at unti-unti na ring namuo ang luha sa mga mata ko.

"Lalaine." Sabi ni Kloude nang makita nya ako. Sinubukan nyang lumapit sa akin kaso tumakbo na ako palayo sa kanya.

Kaya ba hindi ako magawang mahalin ni Kloude ay dahil mahal pa rin nya si Dave? Tss. Bakit ba naman kasi ako nahulog sa kanya? Masyado ko kasing pinaniwalaan ang lahat ng mga bagay na ginagawa nya para sa akin. Nakalimutan kong pagpapanggap nga lang pala ang lahat. Lahat ng iyon ay ginagawa lamang nya dahil nagpapanggap lang kami. Nakalimutan ko kung ano lang ako sa kanya. Isa lang akong empleyada na kailangang magpanggap na asawa niya para paniwalain ang buong angkan nya na hindi talaga siya bakla. Ang tanga mo Lalaine!

Takbo lang ako ng takbo. Hinayaan ko ang mga paa ko kung saan nila ako dadalhin. Basta't ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makalayo ako. Makalayo sa kanya. Makalayo kay Kloude. Makalayo sa lalaking minahal ko sa kabila ng pagpapanggap namin.

Lumalabo na ang paningin ko dahil sa mga nag-uunahang luha sa mata ko pero wala akong pakielam. Kailangan kong makalayo. Nakarinig ako ng mga pagsigaw mula sa paligid ko. Ang ingay. Parang ako yung tinatawag nila pero hindi ko sila pinansin. Ipinagpatuloy ko lang ang pagtakbo ko hanggang sa maramdaman ko ang malakas na paghampas ng isang bagay sa katawan ko dahilan para tumilapon ako papunta sa kabilang parte ng kalsada.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Napapalibutan ako ng maraming tao. Bakas sa mukha nila ang gulat at pag-aalala. Nakita ko rin di kalayuan sa kinaroroonan ko ang pagbaba ng isang lalaki mula sa isang pulang kotse.

Sinubukan kong igalaw ang kamay ko kaso nabigo ako dahil hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Nakaramdam din ako ng pagdaloy ng likido mula sa ulo ko. Gumapang ang sakit sa buong katawan ko hanggang sa unti-unting dumilim ang paningin ko.

"Kloude." Ang huling salitang nabanggit ko bago tuluyang nawalan ng malay.

Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon