[24]

19.4K 646 85
                                    


(LALAINE'S POV)

Nagising ako dahil sa mga matitinis na boses na naririnig ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko sila Bam, Joey at Mikael na nakaupo sa may paanan ng kama ko. Kunot noo ko silang tiningnan. Anong ginagawa nila dito?

"Anong ginagawa nyo rito?" tanong ko sa kanila habang nakahawak sa ulo ko dahil biglang kumirot. Epekto ata 'to ng pag-inom ko kagabi.

"Gising ka na pala bakla!" sabi ni Mikael pagkatapos ay sabay-sabay silang lumapit sa akin.

"Ano nasabi mo ba?" tanong ni Joey sa akin.

"Ang alin?" tanong ko naman pabalik.

"Yung pinag-usapan natin kagabi?" sabi naman ni Bam.

"May pinag-usapan tayo kagabi?" tanong ko ulit.

Naipalo ni Bam ang palad nya sa noo nya dahil sa sinabi ko pagkatapos ay kinamot nya ang batok nya.

"Yung aaminin mo na kay Kloude na may gusto ka sa kanya. Ano nasabi mo ba?" sabi ni Bam dahilan para takpan ko ang bibig nya pero tinanggal naman nya agad.

"Umalis na si Kloude, bakla. Kaya hindi ka nun maririnig." Sabi naman ni Mikael habang pinapaypayan ang sarili nya gamit ang kamay nya.

"Nasabi mo ba girl?" tanong na naman ulit ni Joey.

Napakamot ako sa ulo ko at inisip kung may sinabi ba ako kay Kloude pero wala akong maalala.

"Hindi ata." Sagot ko.

"ANO?!" sabay-sabay nilang sabi.

"Wala akong maalala. Hindi ko ata nasabi."

"Alalahanin mong mabuti." Pangungulit ni Joey.

"Hindi ko talaga maalala."

"Hindi nya ata talaga nasabi mga beks. Kasi diba nakasalubong natin kanina si Kloude nung bago sya umalis? Kung umamin na si Lalaine edi sana ichinika na sa atin ni Mareng Kloude. Diba?" paliwanag ni Mikael.

"Siguro nga. Tsk. Tsk. Sayang naman yung beer in can ko. Huhuhuhu. Naubos mo lahat, Lalaine." Tila nanlulumong sabi ni Bam.

"Pasensya na mga bakla."

"Okay lang girl. Pero hindi ibig sabihin nun hindi ka na aamin. Kung hindi mo nasabi kagabi, pwes ngayon mo sasabihin sa kanya." Sabi ni Joey habang ngiting-ngiti sa akin.

"Ha?! Pero---"

"Wala ng pero pero girl. Kailangan mo nang umamin sa lalong madaling panahon."

"Teka nga. Bakit masyado nyo akong kinukulit na umamin kay Kloude? Ano bang problema nyong tatlo ha?"

"Kilala mo ba si Dave Gomez?" tanong ni Mikael.

"Oo. Sya yung architect na nagsu-supervise ng bagong branch ng Fontanilla Mall sa Cavite. Bakit?"

"Ex sya ni Kloude." Sabi naman ni Bam.

"Ex?!" gulat na gulat na tanong ko.

"Oo. 4th year sila noon ng maging sila pero si Kloude ang nakipaghiwalay. Noong umamin si Kloude sa mga magulang nya na bakla siya, kasabay nyang inamin ang relasyon nila ni Dave. Hindi nagalit sa kanya ang mga magulang nya pero pinayuhan syang hiwalayan si Dave dahil magiging hadlang lamang ito sa pag-abot nya ng mga pangarap nya. Kaya nakipaghiwalay sya dito at idinahilan nya ang pagiging mahirap ni Dave. Malakas ang kutob namin na kaya bumalik yang si Dave ay para makipagbalikan kay Kloude. Kaya Lalaine, kailangan mo nang masabi kay Kloude ang nararamdaman mo." Mahabang paliwanag ni Bam.

Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon