[3]

24.5K 775 135
                                    

(LALAINE'S POV)

"Sir, hindi pa po ba ako uuwi? Uwing-uwi na po kasi ako eh." bulong ko kay Sir Kloude.

Kasalukuyan kaming naghahapunan ngayon at katabi ko si Sir Kloude at kaharap naman namin ang mommy niya habang si Sir Anton naman ay nasa pinaka-center ng table.

"Naku hija, pasado alas nuwebe na. Mabuti siguro kung dito ka muna matulog. Doon ka muna matulog sa dating kwarto ng kapatid ni Kloude na si Chaeyoung."

"Pero po kasi---"

"Wala ng pero pero hija. Tama si Emie. Dito ka na lang matulog." nakangiting sabi naman ni Sir Anton.

"Baka po kasi hinahanap na ako sa bahay namin." sabi ko naman na may halong pag-aalala. Naiwan kasi ang phone ko sa Puerto Nirvana kaya di ko na-inform ang nanay ko na nandito na ako sa Manila.

"Don't worry, hija. Kloude will talk to your mother tomorrow." nakangiting sagot ulit ni Sir Anton.

"Osya tara na hija. Ihahatid na kita sa magiging kwarto mo ngayong gabi." pataas-taas pa ang kilay ni Ma'am Emie ng sabihin niya yun.

Inihatid ako ni Ma'am Emie sa isang kwarto. Pagkapasok ko pa lang sa kwarto, napamangha na agad ako sa sobrang laki at ganda nito at puro kulay black and white lang ang makikita mo.

"Babae po ba yung Chaeyoung?" tanong ko kay Ma'am Emie na kasalukuyang binubuksan ang kurtina ng bintana na kulay itim.

"Yes. Siya ang little sister ni Kloude."

"Eh bakit po black and white ang theme ng kwarto niya?"

"Ah. May pagkarakista kasi yung anak ko. Mahilig kasi siyang mag-rap."

"Wow! Ang galing naman po ng anak niyo. Nasaan po siya ngayon?"

"Nasa Korea siya ngayon. She's enhancing her rapping skills there. Yun naman talaga kasi ang hilig ng batang yun kaya di namin mapigilan. Unlike his brother na simula bata pa lang ay wala nang ibang hinangad kundi ang maging CEO ng kompanya namin."

"Kaya po pala napaka-dedicated ni Sir Kloude sa trabaho niya." sabi ko nang patango-tango.

Lumapit sa akin si Ma'am Emie at inipit ang buhok ko sa likod ng tenga ko.

"You know Lalaine? You're really beautiful. Bagay na bagay kayo ng anak ko."

"Po?"

Ngumiti muna siya bago nagsalita.

"Matulog ka na hija."

Pagkatapos nun ay lumabas na siya ng kwarto at ako naman ay humiga na sa kama at tumitig sa kisame.

I blankly looked at the ceiling for almost an hour. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala ang nangyari. Bakit sa lahat pa ng bagay ay yun ang hindi ko maalala? Ang tanging naaalala ko lang kasi ay pumunta kami ng Puerto Nirvana para sa isang 2 day trip dun ng buong kompanya. Nagkaroon din ng team building at nung gabi na ay inaya ako ng kaibigan kong si Nayeon at ng iba ko pang kasama sa Accounting Department na makipag-inuman. Hindi ako usually umiinom dahil hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kapag nakainom. Pero kahit labag sa loob ko ay napapayag nila ako na uminom. That's all. Hanggang dun lang ang naaalala ko.

Kaya ayaw kong umiinom. Nawawalan ako ng control sa sarili ko. Alam ko namang hindi ako papanagutan ni Sir Kloude. He's a gay in the first place at ayoko pa rin talagang mag-asawa. Nangako ako sa nanay ko na iaahon ko sila sa hirap.

Nagpagulong-gulong ako sa kama. Nagbabakasakaling maalala ko ang mga naging kaganapan kaso hindi naman effective. Nahilo lang ako.

Umupo na lang ako sa dulo ng kama at pinakiramdaman kung may tao pa ba sa labas ng kwarto. Mukhang wala na dahil sobrang tahimik na. Tiningnan ko ang wrist watch ko na nabili ko lang sa bangketa. 11:27 na pala. Ni hindi ko man lang namalayan.

Humiga ulit ako at tumitig sa kisame. Bakit ba ako pumayag na mag-stay dito? Alam ko na naman ang susunod na mangyayari. Napapanood ko na ang mga ganitong eksena sa TV eh. Yung babayaran na lang ng pamilya ng lalaki yung babaeng nagalaw niya para di masira ang reputasyon ng pamilya nila at upang hindi na sila dumugin pa ng media. Mahilig pa naman sa chismis ang media. Kahit di naman reliable ang source, go lang ng go may maibalita lang.

Bumangon ulit ako at umupo sa dulo ng kama.

"So, ano pang ginagawa ko dito?" bulong ko sa sarili ko.

Isinuot ko ang sandals ko na hinubad ko kanina at dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Mas mabuti na sigurong umalis na lang ako dito. Ayoko namang humantong pa sa puntong babayaran nila ako. Tanggap ko ang nangyari sa amin ni Sir Kloude. Alam ko naman kasing may mali din ako kaya hindi pwedeng isisi ko na lang lahat kay Sir. Ang selfish ko naman diba?

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan hanggang sa makalabas ako at marating ang main gate ng mansion nila. Napangiti ako dahil tulog mantika ang lima nilang security guard.

I was about to open the gate when someone grab my hand.

"Saan ka pupunta?"

Napalingon ako dun sa nagsalita kasabay nang panlalaki ng mga mata ko.

"S-Sir Kloude?"




Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon