[22]

18.7K 657 74
                                    



(KLOUDE'S POV)

"I hope that the knowledge that you've gained from this conference will serve as a tool to your company's future success. Congratulations everyone! We look forward to seeing you again and working with you all in the coming years." Sabi nung speaker.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at dumiretso na sa sasakyan ko para bumalik na sa Manila. Hindi ko na nakuha pang makipagkamayan at magpaalam sa mga taong nakasama ko sa convention. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makauwi na.

---

Alas otso ng gabi ng makarating ako sa bahay nina Lalaine. Sabi ko kasi sa kanya, susunduin ko sya dito para sabay na kaming uuwi sa bahay namin.

Ang mama ni Lalaine na si Mama Fei ang nagbukas ng pinto. Pinaupo muna nya ako sa salas nila habang ginigising nya si Lalaine sa kwarto nito. Tulog pala ang bruha. Hayy.

Naabutan ko si Jihyo na nanonood ng anime sa TV nila. Imbes na batiin o ngitian, inirapan lang ako ng magaling na kapatid ni Lalaine. Aba loko talaga! Sundutin ko kaya mata nito? Tsk!

"Ate! Gumising ka na dyan! Andito na yung bakla mong asawa!" sigaw nito.

Nako! Pigilan nyo ko baka matiris ko 'tong kapatid ni Lalaine.

Maya-maya ay lumabas na si Lalaine na nahihiya pang sinusuklay ang buhok nya. Tss.

"Pasensya na. Nakatulog ako kakahintay sa'yo." Sabi nya habang patuloy pa rin sa pagsuklay ng buhok nya.

"Ang pabebe mo ate!" sigaw na naman ni Jihyo. Kapatid ba talaga 'to ni Lalaine?

Lumapit ako kay Mama Fei pagkatapos ay inabot ko sa kanya ang Sans Rival at Kiwi Cake na pasalubong ko sa kanila pagkatapos ay bumulong ako sa kanya.

"Sigurado ho ba kayong anak nyo talaga si Jihyo? Mas mabuti po siguro kung aminin nyo na ngayon sa bata na hindi kayo ang tunay na pamilya nya para hindi na siya masaktan."

Bigla naman akong hinampas ni Mama Fei sa braso ko habang nakatawa pa.

"Ano ka ba namang bata ka? Anak ko yan si Jihyo. Tingnan mo naman magkamukhang-magkamukha sila ni Lalaine."

"Sigurado po kayo? Ang sama po kasi ng ugali ng bunso nyo."

"Ganyan talaga yan. Pagpasensyahan mo na. Osya sige. Umuwi na kayo. Baka gabihin pa kayo sa daan." Sabi ni Mama Fei pagkatapos ay niyakap kami ni Lalaine at hinatid na kami sa may gate nila.

Nung nakasakay na kami sa sasakyan, bigla na namang sumigaw si Jihyo.

"Mag-ingat ka ate! At ikaw bakla, mamatay ka na sana!"

Aba! Maldita talaga!

---

Pagkarating namin sa bahay agad kaming dumiretso sa kwarto ni Lalaine at kinuha ang unan nya.

"Anong ginagawa mo?" tanong nya.

"Kinukuha unan mo."

"Bakit?"

"Doon ka sa kwarto ko matutulog."

"Ha. Pero bakit?"

"Wala ng pero pero." Sabi ko habang pataas-taas pa ng kilay ko.

(LALAINE'S POV)

Inikot ko ang buong paningin ko sa buong kwarto ni Kloude. Wala ba talaga? Hayy. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tiningnan ang ilalim ng kama ni Kloude, ang ilalim ng bed side table pati na rin ang bag na ginamit nya sa pagpunta sa Baguio ay tiningnan ko na rin. Buong sulok ng kwarto nya ay tiningnan ko na rin pero wala pa rin. Wala ba talaga? Tsk. Tsk.

"Anong hinahanap mo?"

Halos mapalundag ako sa sobrang gulat ng marinig ko ang boses ni Kloude.

"Anong hinahanap mo dyan sa drawer?" tanong nya ulit.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nakita ko syang nakapamewang sa tapat ng CR habang pinupunasan ang basa nyang buhok.

"Ah.. Ano kasi..."

"Ano?" sabi nya habang lumalapit sa akin.

Napayuko ako sa sobrang hiya pagkatapos ay muli akong nag-angat ng ulo at nginitian siya.

"Wala ba talaga akong pasalubong?" sa wakas naitanong ko rin.

"Wala."

"Pero bakit sila mama meron---"

Naputol ang sasabihin ko nang lumapit sya sa akin at hinawakan nya ang balikat ko at pinihit ako patalikod.

"Wala akong pasalubong kasi may regalo ako sa'yo." Sabi nya pagkatapos ay naramdaman ko ang mga kamay nya sa leeg ko.

Maya-maya pa'y dahan-dahan nya akong dinala papunta sa harapan ng salamin at nakita ko ang isang silver na kwintas na may pendant na susi na nakasuot sa leeg ko.

"Ang ganda!" sabi ko sabay harap sa kanya.

Ngumiti sya sa akin pagkatapos ay iniangat niya ang kanang kamay niya na may stainless steel bracelet na may kandadong hugis puso na nagsisilbing lock ng bracelet nya.

"Ibig sabihin, mabubuksan lang yang bracelet mo gamit ang susi sa kwintas ko?" tanong ko.

"Yeah."

"Ang cute!"

"Oo. Kasing cute mong bruha ka." Sabi nya habang ginugulo ang buhok ko.

"Tara! Matulog na tayo. Inaantok na ako, inday." Sabi nya pagkatapos ay hinatak na nya ako pahiga sa kama.

Pagkahiga namin, maya-maya lang ay nakatulog na siya. Siguro pagod na pagod talaga siya ngayong araw.

Tumagilid ako paharap sa kanya at hinawakan ang kwintas na ibinigay nya sa akin.

"Salamat." Bulong ko sa kanya.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at pinakiramdaman kung paano magwala ang puso ko.

"Nagiging abnormal na naman ang puso ko. Yung sa'yo ba nagiging ganito rin?" Bulong ko ulit sa kanya bago tuluyang makatulog.

Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon