[21]

19.1K 608 74
                                    


(KLOUDE'S POV)

"Kamusta ang first day?" tanong ni Lalaine mula sa kabilang linya.

Pagkagaling ko kasi sa convention namin, agad akong tumuloy sa tutuluyan naming hotel dito sa Baguio. Nagpalit lang ako ng damit pagkatapos ay dumiretso na ako sa hotel swimming pool. Nakalubog lang ang paa ko sa tubig habang kinakausap ko si Lalaine sa cellphone. Na-miss ko kasi ang bruha.

"Okay lang. Masaya naman. Marami akong natutunan." Sagot ko sa tanong nya.

"Ikaw. Kamusta ka dyan sa inyo?" tanong ko naman sa kanya.

"Okay lang din. Sobrang na-miss ko sila mama." Masayang pahayag nya.

"Sir, tara samahan nyo po kami dito." Nakangiting tawag sa akin ni Mr. Ramil, ang accounting director ng kompanya.

Nginitian ko lang siya at nag-wave na ang ibig sabihin ay wag na.

"Uy, tawag ka." Sabi ni Lalaine.

"Hayaan mo na sila."

"Pumunta ka na dun sa kanila. Kausapin mo naman sila para ma-refresh din yang isip mo."

"Paano ka? Kausap pa kita."

"Okay lang. Jusko! Araw-araw naman tayong magkausap sa bahay eh. Sige na. Makipag-kwentuhan ka naman sa kanila para hindi ka masabihang masungit."

"Sige. I'll call you again pagkatapos naming magkwentuhan." Sabi ko nang nakangiti.

"Okay sige. Babye." Sabi nya at inend na ang tawag.

Tumayo na ako at lumapit sa kinaroroonan ng mga directors ng kompanya. Nakapwesto sila sa isang bistro table.

"Good evening, sir." Bati sa akin ni Mr. Lopez, ang HR director namin.

"Have a drink, sir." Sabi naman sa akin ni Mr. Chu, ang marketing director ng kompanya.

Nginitian ko sila bago kinuha ang shot glass na may lamang tequila.

"Cheers!" sigaw naman ni Mr. Tan, ang director ng finance department.

Masaya kaming nagkekwentuhan nang mahagip ng mga mata ko di kalayuan si Dave na may kasamang babae. Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa nya rito?

Pinagmasdan ko lang sila nung babaeng kasama nya. Nakaupo sila sa isang chaise lounge habang masayang nagke-kwentuhan na may kasama pang hampasan at sa hindi malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng inis. Parang gusto kong tumayo at hatakin si Dave palayo dun sa babae. Pero anong karapatan ko? At anong nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito?

Hayy. Sa sobrang inis ko, bigla ko na lang nasambunutan ang sarili ko dahilan para mapatingin sa akin sila Mr. Ramil. Hindi ko na lamang sila pinansin bagkus ay ininom ko na lang ang tequila na muling nilagay ni Mr. Chu sa shot glass ko.

Muli akong napatingin sa direksyon ni Dave at nakita kong papalapit na sya sa kinaroroonan namin habang nakangiti sa akin. Bigla akong napaiwas ng tingin at muli na lang akong uminom ng alak.

Maya-maya pa'y nakarating na siya sa kinaroroonan namin at umupo sya sa tabi ko. Bigla naman akong nakaramdam ng ilang kaya umusog ako ng kaunti palayo sa kanya.

"Ano pong ginagawa nyo rito Mr. Gomez?" tanong ni Mr. Lopez habang nakangiti sa kanya.

"May pinuntahan lang ako at sakto nakita ko kayo dito kaya pinuntahan ko kayo." Sagot naman ni Dave. Naramdaman ko pang tiningnan nya ako pero hindi ko na lamang siya pinansin.

Masaya silang nagkwentuhan habang ako ay naging sunod-sunod ang pag-inom ng alak. Naiinis kasi ako sa nararamdaman ko ngayon. Anong ibig sabihin nito?

Hindi ako tumigil sa paglagok ng alak hangga't hindi ko nalilimutan ang kaweirduhang nararamdaman ko ngayong gabi hanggang sa unti-unti ng magdilim ang paningin ko.

---

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Agad din naman akong napahawak sa ulo ko. Bigla kasing kumirot. Nabigla ata sa pagbangon ko.

Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto. Hindi ito ang kwarto ko. Kaninong kwarto ito? Paano ako nakarating dito?

Maya-maya'y lumabas si Dave mula sa CR na nakatapis lang. Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa nya rito?

"Gising ka na pala, Kloude. By the way, this is my room." Sabi nya habang nakangiti sa akin.

"Anong ginagawa ko dito?" kunot-noo kong tanong.

"Kagabi kasi bigla ka na lang natumba dahil sa sobrang kalasingan. Sinabi ko sa mga kasama mo na ako na ang magdadala sa'yo sa kwarto mo pero imbes na doon kita dalhin, dito na lang kita dinala. Don't worry, walang milagrong nangyari kagabi. Sa sofa ako natulog habang ikaw ay sa kama ko." Sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis.

Inis akong tumayo at galit syang tinitigan.

"Bakit mo ako dinala sa kwarto mo?!" galit kong tanong.

"Easy ka lang, Kloude. Gusto ko lang naman klaruhin ang nakaraan natin."

"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag mo ng idamay pa ang nakaraan natin sa kung anong meron tayo ngayon?!"

Lumakad ako papalapit sa pintuan at pinihit ang door knob. Bago ako tuluyang lumabas, muli ko siyang nilingon at tinitigan ng mata sa mata.

"Huwag mo na ulit 'tong uulitin. Ayaw kong magalit sa akin ang asawa ko." Sabi ko bago tuluyang nilisan ang kwarto nya.

(A//N: Anong masasabi nyo kay Dave mga bebe? :D )

Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon