[5]

23.6K 747 213
                                    

(KLOUDE'S POV)

Eksaktong alas nuwebe ng umaga ay pumunta na ako sa pipitsuging bahay ng empleyada ko. Pakatok pa lang ako sa gate nila nang bumukas at iniluwa ang isang diwata ay este si Lalaine. She's wearing a floral print smock dress and black flat shoes. She's just wearing a simple outfit and yet she looks gorgeous. She looks attractive.

Napailing ako. Ano bang pinagsasasabi ko? Attractive? Sino? Yang empleyada ko? Hindi no. Joke lang yun. Pero hindi naman sigurong masamang purihin ang isang babae? Babae rin naman ako. Hayy. Ang gulo. Ano bang nangyayari sa sistema ko? Ang OA na kasi masyado.

"S-Sir?"

Nabalik ang isip ko sa realidad ng tawagin ni Lalaine ang pangalan ko.

"O bakit ganda?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ko. Pa-simple kong kinurot ang hita ko para mahimasmasan ako sa kabaliwan ko.

"Ano po yun sir?"

"A-Ah s-sabi ko ang ganda ng damit mo. Saan mo yan nabili?" palusot ko.

"Sa UK po sir." Nakangiti niyang sagot.

Wow! Akala ko ba mahirap 'tong empleyada ko eh bakit nakabili siya ng damit sa UK?

"UK?"

"Opo. As in ukay-ukay." Nakangiti niya pa ring sagot.

Halos takasan ako ng dugo dahil sa sinabi niya. Buong akala ko sa United Kingdom niya talaga nabili ang damit niya. Sa pipitsuging ukay-ukay lang pala. Ang mga mahihirap nga naman.

(LALAINE'S POV)

"Sir, kelan po ba natin pag-uusapan ang tungkol sa kasal? Kanina pa po kasi tayo palakad-lakad eh." Tanong ko kay Sir Kloude.

Kanina pa kasi kami palakad-lakad dito sa park na pinuntahan namin pero wala pa kaming napag-uusapan na tungkol sa kasal. Naguguluhan na nga rin ako eh. Kanina pa kasi tahimik si Sir Kloude. Kapag may nadadaanan kaming stall ng pagkain, hihinto siya at bibili pagkatapos ay ipapakain niya sa akin lahat. Natatakot naman akong umangal baka kasi pagalitan niya ako.

"Sir?"

Hindi niya ako pinansin bagkus ay pumunta siya sa nagtitinda ng icecream at bumili ng isa na chocolate flavoured pagkatapos ay ibinigay niya sa akin.

"Eat this first then we'll going to talk about the wedding." Sabi niya nang wala man lang kaemosyon-emosyon.

Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Binilisan kong ubusin ang icecream baka kasi mainip si sir.

"Sir, naubos ko na po." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumingin muna siya sa akin bago muling nagsalita. "Doon tayo." Sabi niya habang tinuturo ang isang bench sa ilalim ng puno.

Pumunta kami dun at umupo sa bench kaso di pa rin nagsasalita si sir.

"Sir, hindi pa po ba tayo mag-uusap? Maga-alas singko na po ng hapon eh."

"Tss. Sandali. Iniisip ko pa kung paano ko sisimulan." Mataray niyang sagot.

Tumahimik na lang ako at tumingin sa malayo habang pasimpleng hinahampas ang binti ko kasi kanina pa pinapapak ng lamok.

"Lalaine."

"S-Sir?"

"Sorry. Sorry sa nangyari sa atin."

Natulala ako kay Sir Kloude. Ito ang unang beses na nakita ko syang ganito. Madalas ko kasi siyang makitang nakabusangot ang mukha at laging sinisinghalan ang mga empleyado niyang patanga-tanga. Buti na lang at magkaiba kami ng department kasi panigurado lagi ako nitong masasabon.

Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon