[14]

20.3K 581 39
                                    



(KLOUDE'S POV)

"O sakay na! Sakay na!" sigaw ni Bam habang pinapasakay kami sa loob ng sasakyan.

Agad akong sumakay at umupo sa likuran malapit sa bintana. Hindi na ako nagdala pa ng sasakyan. Sabi kasi ni Bam, mas masaya daw kung sa iisang sasakyan na lang kami sasakay. Dalawang sasakyan ang gamit namin papuntang Batangas. Isang Toyota Sienna ni Bora, isa sa mga kaibigan naming babae at ang GMC Savana 3500 ni Bam.

Nagulat ako nang pagtingin ko sa tabi ko ay hindi si Lalaine ang nasa tabi ko kundi ang tulog nang si Mikael. Jusko! Ang bilis namang makatulog ng baklang 'to. Hindi pa nga nagsisimulang umandar ang sasakyan. Hayy.

Tumingin ako sa labas at nakita kong nakatayo pa rin sa harap ng sasakyan si Lalaine at si Bam.

"Ano pang ginagawa nyo dyan? Pumasok na kayo." Sabi ko.

"Ah eh kasi Kloude wala ng space para kay Lalaine. Balak ko sanang sa kabilang sasakyan sumakay para magkasya diyan sa inyo si Lalaine kaso puno na rin pala kela Bora."

Nagpalinga-linga ako sa buong sasakyan at doon ko lang napagtanto na wala na ngang mauupuan si Lalaine.

"Eh kung ikalong mo na lang si Lalaine, Kloude?" suhestyon ni Joey.

"Ha?!" sabay naming sabi ni Lalaine at nagkatinginan kaming dalawa.

"Magandang idea yun girl." Dagdag pa ni Bam sabay apir kay Joey.

"Pero---"

Magrereklamo pa sana si Lalaine kaso hindi na niya naituloy kasi bumaba na ako at hinatak siya papasok sa loob ng sasakyan at ikinandong siya. Sumakay na rin si Bam at umupo sa tabi ng driver na si Jia, kaibigan rin naming babae.

"Aalis na ba tayo?" tanong ni Jia.

"Yeah girl. Gora na tayis!" pabaklang pahayag ni Bam.

Nakasandal lang ako habang pinagmamasdan ang likod ni Lalaine. Nakaupo lang siya ng tuwid at parang tuod na hindi gumagalaw. Napailing na lang ako.

"Komportable ka ba sa pagkakaupo mo?" tanong ko sa kanya.

"A-ah okay lang." sabi niya nang hindi lumilingon sa akin.

Umayos ako ng upo at hinubad ang t-shirt na suot ko at ipinatong ito sa hita niya na siya namang ikinagulat niya. Naka-denim shorts lang kasi siya.

"Masyadong nae-expose yung hita mo." Sabi ko sa kanya.

"Pero paano ka?" tanong niya nang hindi pa rin nalingon sa akin.

"Ayos lang. Nakasando pa rin naman ako." Sabi ko pagkatapos ay tumingin na ako sa labas ng bintana ng sasakyan.

Ilang minuto rin akong nakatingin sa labas at ine-enjoy ang mga magagandang tanawin na nakikita ko nang mapansin kong bahagyang hinihilot ni Lalaine ang likod niya.

"Nangangalay ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi." Sagot niya.

"Eh bakit mo hinihilot yang likod mo?"

Umiling lang siya bilang sagot. Napa-roll eyes na lang ako kasabay nang pagpulupot ng kanang braso ko sa bewang niya at hinapit siya para makasandal siya sa akin.

"Ayan. Para di ka na mangalay."

"Hindi. Ayos lang ako."

Muli sana siyang babalik sa dating posisyon niya kaso ipinulupot ko pa ang kaliwang braso ko sa kanya at mas hinigpitan pa ang pagkakakapit nito sa bewang niya para di na siya makakilos at ipinatong ko rin ang baba ko sa balikat niya.

Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon