[12]

20.9K 708 136
                                    


(KLOUDE'S POV)

"Ang tagal naman dumating ng pizza." Sabi ko habang kinakamot ang batok ko at habang umuupo sa tabi ni Lalaine.

Para mas convincing ang pagpapanggap namin, nakatira na kami sa iisang bahay ngayon. Nakatira kami sa bahay na matagal ko nang pinag-iipunan. Hindi ito kasingganda at kasinglaki ng mansyon namin pero sapat na upang tirhan naming dalawa. Pero kahit na magkasama kami sa iisang bahay, hindi kami magkatabing matulog. Magkabukod kami ng kwarto. Hindi kasi ako sanay na may katabing matulog at tsaka para na rin mapanatili namin ang privacy ng isa't isa.

Dahil parehas kaming pagod at gustong makapag-relax, napag-isipan naming panoorin ang bagong koreanovela ni Fafa Song Joong Ki. Yung Descendants of the Sun. Sabi kasi ni Bam maganda daw 'to. Naku! Tatanggalan ko talaga ng memberhip 'tong si Bam sa pederasyon pag panget 'tong koreanovela na 'to.

Habang nanonood kami, naisipan naming magpa-deliver ng pizza kaso sa kasamaang palad, napakatagal dumating. Hayy. Pati ba naman pizza nagpapahintay na rin ngayon? Charot.

"Kloude, bakit hindi alam ng mga kamag-anak mo na bakla ka? Tanging mga magulang at kapatid mo lang ang nakakaalam. Hindi ba nila nahahalata sa kilos mo?" tanong ni Lalaine out of the blue.

"Bakit mo natanong?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Nagtataka lang ako." Sagot naman niya na hindi man lang inaalis ang tingin sa pinapanood namin.

"Bakit ikaw ba nahahalata mo na dati pa na bakla ako?"

"Medyo. Lagi ka kasing nakasinghal sa mga tao sa kompanya. Araw-araw lagi na lang salubong ang kilay mo. Naisip ko na hindi na yun gawain ng isang tuwid na lalaki. Kaya naisip ko na bakla ka. Para ka kasing laging may period. Tapos na-kompirma kong bakla ka talaga nung nag-company outing tayo. Narinig ko kasi kayong nag-uusap nina Bam gamit ang gay language." paliwanag niya.

Napangiti ako ng lihim dahil sa mga sinabi niya. Base kasi sa sinabi niya, ibig sabihin lagi niya akong nakikita. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa katawan ko pero agad ko ring inalis sa isip ko ang mga isiping yun. Naaabnoy na naman kasi ang sistema ko.

"4th year high school ako noon ng makompirma kong bakla ako. Sinabi ko yun kela mom and dad. Akala ko magagalit sila sa akin pero hindi. Pinayuhan lang nila akong mas mabuti pang ilihim ko sa iba ang kasarian ko kasi siguradong magiging masama ang trato sa akin ng angkan namin. Nakakahalata na rin dati pa ang lolo ko na isa talaga akong bakla pero hindi niya ako kinukulit tungkol dito. As long as ginagawa ko ng mabuti ang trabaho ko, okay lang sa kanya. Pero nang simulang kumalat ang balitang bakla ako, nagsimula na ring magduda ang mga kamag-anak namin. Iba't ibang balita ang kumalat. May mga nagsabing nakita daw nila akong nagpaparty sa isang bar. May mga nagsasabing nakita daw nila ako na kumakain kasabay ang tatlo pang bakla sa isang restaurant. May mga naglabas pa nga ng litratong sabi nila ay ako pero dahil malabo ito, hindi nila matukoy kung ako ba talaga yun. Yung mga balitang yun, nanatili lamang na mga tsismis dahil walang makapagpatunay. Kapag kasi nagba-bar hopping or may rampa kami ng mga kapederasyon ko, sa malayo kami nagpupunta. Sa lugar kung saan alam naming walang makakakilala sa amin at syempre naka-disguise din kami para ganap na ganap ang pagtatago namin. Hanggang sa dumating ang araw na napagdesisyunan ng lolo ko na ako ang gawing CEO. Marami ang tumutol pero patuloy akong ipinagtatanggol ng lolo ko. Sabi kasi ng mga kamag-anak namin, they are concerned with the social capital of the company. Natatakot sila na baka ikasira ng pangalan namin kapag ako ang naging CEO. Kaya nung may mangyaring aksidente sa atin, naisip ni dad na gamitin ang pagkakataong ito para mapapayag sila na ako ang umupong CEO." Mahabang paliwanag ko.

"Kaya pala." Sabi niya habang tumatango-tango pa.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hinihintay ko kung may itatanong pa siya kaso wala na. Nanatili lamang siyang nakatitig sa pinapanood namin samantalang ako ay nanatiling nakatitig sa kanya. Para akong tangang nakatingin lang sa mukha niya pero di ko alam kung nararamdaman ba niyang nakatingin ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang kilay niya, yung mata niya, yung ilong niya hanggang sa mapadako ang paningin ko sa labi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Jusko! Wag kang titingin sa akin Lalaine baka kung anong magawa ko sa'yo kaso mukhang nakikipaglaro sa akin ang tadhana. Biglang tumingin sa akin si Lalaine.

"Bakit ka nakatingin---"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Agad kong hinawakan ang batok niya at hinatak siya papalapit sa akin para halikan. Bigla siyang nanigas sa kinauupuan niya dahil sa ginawa ko. Kahit ako rin naman ay nagulat sa ginawa ko.

Humiwalay ako mula sa pagkakahalik sa kanya at lumapit sa tenga niya.

"Kiss me back." Bulong ko sa kanya na halos ikapiyok ko.

Pagkatapos nun ay muli ko siyang hinalikan at laking gulat ko nang halikan niya rin ako pabalik. Ang simpleng halik ay naging malalim hanggang sa parehas na kaming nakahiga sa sofa. Nasa ilalim siya habang ako naman ay nasa ibabaw. Itinukod ko ang kanang kamay ko para hindi ako maging mabigat sa kanya. Unti-unti niya ring nilagay ang dalawang kamay niya sa batok ko.

Bumaba ang halik ko sa leeg niya habang ang kaliwa ko namang kamay ay kinakapa ang butones ng blouse niya at unti-unti itong tinatanggal. Nasa kahuli-hulihang butones na ako ng biglang---

*DINGDONG*DINGDONG*

Mabilis pa sa alas kuwatro ang ginawang pagtulak sa akin ni Lalaine dahilan para mapasalampak ako ng upo sa sahig.

"Ah. Eh. S-Sorry. B-Baka yung pizza na yan." Sabi niya na may pinamumulahang mukha.

Inis akong tumayo habang kumakamot sa batok ko.

Agad akong dumiretso sa gate at kinuha ang pizza. Pagkabalik ko, wala na si Lalaine sa sofa. Umakyat na ata sa taas dahil narinig ko pa ang pagsarado ng pinto ng kwarto niya.

Inilapag ko muna ang pizza sa coffee table bago umakyat sa taas para kumatok sa kwarto ni Lalaine.

"Lalaine. Andito na yung pizza. Tara kainin na natin." Sabi ko habang pinipilit na maging normal ang boses ko kasi hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kanina.

Sus. Mga palusot mo Kloude. Kainin yung pizza o nagbabakasakali ka na magkaroon ng part two sa nangyari kanina?

"H-Hindi na ako kakain. B-Busog na pala ako. At tsaka inaantok na rin ako eh. Good night!" sigaw niya mula sa loob ng kwarto at nagkunwari pang humihilik na.

Napailing na lang ako. Jusko! Nahiya pa ang loka. Hayy.

Nakangisi akong bumaba sa sala. Sayang. Kunghindi lang talaga dumating yung delivery boy.

 Kunghindi lang talaga dumating yung delivery boy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon