[23]

19.9K 670 38
                                    


(BAM'S POV)

"Ingatan nyo si Lalaine." Sabi ni Kloude sa amin.

"Yes naman girl." Sabi naman ni Mikael habang sinusuklay-suklay pa ang buhok ni Lalaine.

Sa condo ko muna kasi tutuloy si Lalaine kasama sina Joey at Mikael. Baka daw kasi abutin ng madaling araw si Kloude sa opisina dahil tambak ang gawain nya ngayon. Hayy. Ang hirap talagang maging CEO. Tsk. Tsk. Dadaanan na lang daw nya si Lalaine sa condo ko para sabay na silang uuwi nito sa bahay nila.

"Wala man lang bang goodbye kiss dyan, Lalaine at Kloude?" pabaklang pahayag ni Joey.

"Ikaw baka gusto mong mag-goodbye kiss sa sapatos ko?!" sabi naman ni Kloude habang hawak ang sapatos nya at akmang ididikit sa mukha ni Joey.

"Joke lang naman bakla. Osya sige. Gogora na us. Pa-flylalu na kami. Let's go na mga fairy!" sabi ni Joey habang hatak-hatak si Lalaine palabas ng opisina ni Kloude.

Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ng opisina nang tawagin ni Kloude si Lalaine.

"Lalaine." Tawag nito dahilan para agad na mapalingon si Lalaine.

"Bakit?"

"Mag-iingat ka."

Tumango lang si Lalaine bilang sagot sabay ngiti.

"Asus. Wala ngang goodbye kiss may 'mag-iingat ka' namang nalalaman. Tsk. Tsk." Muling sabat ni Joey.

"Gusto mong kaladkarin kita palabas?!" pagsusungit naman ni Kloude.

"Hindi ka talaga mabiro. Osya eexit na kami. Babayu." Sabi ni Joey pagkatapos ay isinara na ang pinto ng opisina ni Kloude pero muli siyang pumasok.

"Wala ba talagang goodbye kiss, Kloude?" pang-aasar ni Joey pagkatapos ay agad na sinara ang pinto at nakarinig kami ng malakas na kalabog sa pinto. Mukhang sapatos ata yun ni Kloude.

Sabay-sabay kaming nagtawanan dahil sa narinig namin.

---

"Lalaine, feel at home lang ha? Kukuha lang kami ng pagkain sa kusina." Sabi ko kay Lalaine nang makarating na kami sa unit ko.

"Sige." Sabi nya nang nakangiti.

Iniwan muna namin siya sa sala habang nanonood pagkatapos ay tumuloy na kaming tatlo sa kusina para maghanda nang pwede naming kainin.

"Ano bakla? Itutuloy ba natin ang balak natin?" tanong ni Mikael.

"Syempre naman, bakla. Tuloy ang plano." Sagot ko naman.

Plano kasi naming paaminin si Lalaine kung may ispesyal ba siyang nararamdaman para kay Kloude at sa tingin ko, ito na ang tamang tyempo para maisakatuparan ang planong yun.

[ F L A S H B A C K ]

"Girl, balita ko bumalik na daw si Dave?" pabaklang pahayag ni Joey.

"O? Ano naman daw ang pakay?" tanong naman ni Mikael.

"Ayon sa nasagap kong info, si Dave ang architect na magha-handle ng bagong ipinapatayong branch ng Fontanilla Mall sa Cavite pero nase-sense ko na hindi lang talaga yun ang dahilan kung bakit nag-krus ang landas nila ni Kloude."

"Eh ano?" sabay naming tanong ni Mikael.

"Feeling ko nandito sya para muling kunin si Kloude. Alam naman natin diba na may past sila at si Mareng Kloude ang nakipag-break sa kanya. Malakas ang pakiramdam ko na nandito sya para muling suyuin si Kloude. Ano sa tingin nyo mga inday?"

Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon