[8]

23.2K 719 142
                                    



(LALAINE'S POV)

Tahimik lamang akong nakaupo sa living room nina Sir Kloude habang hinihintay ang pagbaba nila. Sabi ng maid nila, nag-aayos pa daw sila Sir Kloude at ang mga magulang nito. Ngayon na kasi nila ako ipapakilala sa buong angkan nila bilang kanyang mapapangasawa.

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang mag-undergo si mama sa heart transplant. Sa ngayon, regular follow-up visits na lang ang ginagawa namin to monitor her progress. Lahat ay si Sir Kloude ang gumagastos kaya heto ako ngayon at handa na siyang bayaran sa mga naitulong niya sa pagpapagamot kay mama.

"Hija." Tawag sa akin ni ma'am Emie.

Agad akong tumayo at ngumiti sa kanya.

"Hello maam Emie."

"Dear, stop calling me ma'am. It will be good to hear if you're going to call me mom instead. You're my son's future wife so you have all the rights to call me as your mom too. You'll going to be part of our family as soon as you and Kloude got married. Understood?"

"Y-Yes, mom." Sabi ko sa nahihiyang boses.

"Oh diba? Ang gandang pakinggan? By the way, you look stunning today. Sabi na nga ba't hindi ako bibiguin ni Mikael. Sa mga kaibigan ni Kloude, yang si Mikael ang pinaka-fashionista kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na siya ang ipadala sa bahay nyo para ayusan ka. Ang ganda-ganda mo talaga sweetie. Hihihihi." Sabi ni ma'am Emie habang bahagyang hinahaplos-haplos ang buhok ko.

"S-Salamat po."

"Naku, hindi mo na kailangan mag-thank you. Kami dapat ang mag-thank you sa'yo. Salamat kasi pumayag ka na pakasalan ang anak ko. Nang dahil sa'yo, maaaring makuha ni Kloude ang puso ng mga kamag-anak namin. Hayy. I can't wait to see their reactions once they saw you. Paniguradong magagandahan din sila sa'yo. At excited na rin akong makita ka nina Jeongyeon at Chaeyoung. Uuwi sila dito sa kasal niyo." Tuwang-tuwang pahayag ni ma'am Emie.

"Jeongyeon?"

"Yeah. May isa pang kapatid si Kloude. Si Kloude ang panganay next si Jeongyeon tapos bunso si Chaeyoung. Jeongyeon and Chaeyoung are both studying in Korea and they are both enhancing their talents there. Jeongyeon is good in singing while Chaeyoung is good in rapping. Those two are really talented. Pero syempre hindi magpapahuli si Kloude. If his two sisters are good in singing and rapping, well, Kloude is good in handling business stuffs."

"Ano namang chinichismis mo kay Lalaine, mom?" sabi ni sir Kloude habang bumababa ng hagdanan.

"My dearest son andito ka na pala. Tingnan mo si Lalaine. Hindi ba't ang ganda-ganda niya?" sabi ni ma'am Emie habang nakangiting lumalapit kay sir Kloude kaso bigla na lang itong tumalikod at naglakad palabas ng mansyon.

"Hindi siya maganda, mom." Sabi niya sa malamig na boses.

---

Sunod-sunod na tumutulo ang mga pawis ko habang naglalakad kami papunta sa conference room ng kompanya nina sir Kloude. Matagal na akong nagtatrabaho sa kanila, pero ito ang unang beses na makakapasok ako sa conference room ng kompanyang 'to.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Pag tingala ko, nakita kong si Sir Kloude ang humawak sa akin habang nakadiretso lang ang tingin niya sa dinadaanan namin. Sinubukan kong tanggalin yung kamay ko kaso mas hinihigpitan niya ang pagkakahawak sa akin.

"Let me hold your hand. Baka bigla ka na lang matumba diyan sa sobrang nyerbyos."

Hindi na lang ako umimik. Hinayaan ko na lang syang hawakan ang kamay ko habang sinasabayan siya sa paglakad.

Perfectly In Love With My Gay Husband (PILWMGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon