Prologue

2K 72 20
                                    

Azalea Castillano

Kanina ko pa hinahanap ang lalaking ito. Ayaw na ayaw kong lumamig ang pagkaing pinaghirapan kong lutuin. Aba, improved na ako medyo marunong narin akong magluto ng hindi nasusunog o minsan may walang kalasa-lasa. Ganyan ako ka improved.

"Jose! Kakain na! Hwag mong paghihintayin ang pagkain dahil magagalit si Lord!" Halos mamaos na ako kakasigaw sa buong bahay baka magalit din sa akin ang mga engkanto rito at lumaki ang aking kissable lips.

"Tss sunog na naman yan." Napadaan ako sa library ng marinig ko ang baritonong boses na iyon. Aba dito pala namumugad ang pandak na ito.

Lumapit ako sa pintuan para buksan ito ngunit ng pihitin ko ang door knob ay wala man lang nangyari. Naglalocked na naman sya para iwas disturbo. Tss.

"Jose! Buksan mo ito! Kakain na! Magagalit na naman ang dad mo! Hala ka, no allowance for new books talaga ang sasapitin mo! Atsaka-" Naputol ang paglilitanya ko ng biglang bumukas ang pinto at lumabas doon ang aking gwapong anak na si Joseph Rizal Castillano Delgado.

"Tss Mom you're so annoying. Magpadeliver nalang kaya tayo, hindi sa hindi masarap ang niluluto mo pero napakawalang lasa lang talaga. Ew." Ginagalaw-galaw niya ang kanyang hintuturo at sinabayan nya pa ito ng nasusukang mukha.

"Nako naman, napakasupportive talaga ng anak ko. Papisil nga nito." Pinisil ko ang kanyang mga pisngi na parang isang bata. 18 years old na itong si Jose at tumatanda narin ako pero young at heart parin.

"Mooom! I'm not a child anymore! Bakit hindi mo ginagawa ang mga kadumal-dumal mong gestures kay Rizalie? Napaka unfair naman!"

"Kasi ho, she's a girl at masisira ang beauty ng kakambal mo kung pipisilin ko ang pisngi niya and above all mas matangkad ang kambal mong babae sa iyo. Ano ba naman yan! You are not doing the job anak!" Inakbayan ko siya at ginamitan ng nakakalokong ngiti.

"Anong job ang pinagsasabi mo mom? Dad oh! Tinuturuan na naman ako ni mom ng supernatural things! Bakit ba sya ang pinakasalan mo?" Iritang tanong ni Jose habang kinakamot ang kanyang ulo.

"And she keeps calling me "Jose" and "Pandak". Joseph is my name at hindi ako pandak! Halos 1 inch lang kaya ang pagitan namin ni Rizalie."

Nakaupo na ang lahat sa dining table at ako naman ay pumunta sa kusina para kumuha ng juice. Mula rito, dinig na dinig ko parin pagbabangayan ng kambal.

"Duh, kuya I'm 5'7 and you're 5'6 accept it whole heartedly."

"But I'm a way smarter than you! Bakit hindi ka proud na your brother is a genius!"

"Geek."

"I'm not a geek!"

"Yeah yeah Bookworm."

"Hindi ako bookworm! I just love reading books!"

"Denial ka talaga kuya, halos pakasalan mo na nga yang library-"

Naputol ang pagsasalita ni Rizalie ng pinagitnaan ko silang dalawa.

"Time out muna kids remember nasa harapan tayo ng hapagkainan kaya bawal ang bad vibes diba Hon?"

Nilapitan ako ng aking gwapong asawa na si Rain Delgado at hinagkan ang aking beywang. Niyakap niya ako. Nakakakilig parin kahit hindi na kami kasing bata noon. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga, damang-dama ko ang kanyang hininga.

"You're still beautiful as ever Azalea. Nakakarindi na ang dalawang yan no? Gusto mo bang gumawa tayo ulit? Para ibang version naman." Tumawa ng mahina si Rain at agad naman akong namula mula scalp hanggang kuko sa paa.

"Oy ang tagal magrespond nag-iisip na yan." Mas lalo pang hinigpitan ni Rain ang pagkakayap sa akin.

"Oy kayong dalawa! Hapagkainan ito at magagalit ang pagkain sa pinaggagawa niyo! Gross." Natawa kami ni Rain sa mukha ni Rizalie at nagkalas ng yakap. Siya ang aming bunso. She is Rizalie Castillano Delgado.

"Kumain na tayo at may babasahin pa ako." Inayos ni Jose ang kanyang salamin. Hawig na hawig talaga siya kay Rain at ako naman kay Rizalie pero overall, mixed genes talaga namin ni Rain ang makikita sa kambal.

Pinanganak sila sa December 30 which is Rizal Day, kaya we named them Joseph Rizal and Rizalie Rain. They are both 18 years old at mas matanda si Jose oops Joseph kay Rizalie ng ilang minuto.

I always love calling my son Joseph as Jose. Napakaganda lang sa aking pandinig at nagbibigay sa akin ng kagalakan.

Rain and I got married 20 years ago. Tumigil na kami sa pag-aartista at nagmamay-ari na ng isang bookstore na may branches nationwide. Baka dahil na din sa negosyo namin nahilig si Joseph sa libro, he always loves reading books about history.

I'm Azalea Castillano-Delgado. A happy wife with a happy husband with happy kids.

Comment. Vote. Follow.
~Nobalilong x

History Repeats Itself (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon