Kabanata 14

126 8 1
                                    

Francisco

Isinama ako ni Manong Berto sa kanyang bukirin upang anihin ang kanyang mga pananim.

Napakaganda sa lugar na ito, napakatahamik at walang gulo.

"Isco, salamat at ako'y iyong sinamahan dito sa bukid. Napakalaki ng iyong tulong dahil marami-rami din ang kakailangan kong anihin at pitasin na mga gulay at prutas."

Pahayag ni Mang Berto habang hinuhugot niya ang kamote mula sa lupa.

"Walang anuman po, kami nga ang dapat magpasalamat dahil malugod at bukas palad niyo kaming tinanggap sa inyong tahanan. Hindi pa nga sapat ang ganitong pagtulong bilang bayad ko sana sa inyong kabutihan sa amin ng aking maybahay."

Ngumiti sa akin ang matanda habang inaalisan ng lupa ang mga gulay.

"Kaligayahan namin ang makatulong sainyong dalawa ni Teodora. Nakikita ko kasi sainyo noong kami ay nagsisimula pa lamang ni Anita bilang bagong kasal, kaya ay lubos kong naiintindihan ang pinagdadaanan ninyo ngayon."

Napatawa kaming dalawa ni Manong Alberto nang ako'y matumba habang hinuhugot ko ang patatas sa ilalim ng lupa.

"Mag-iingat ka iho, nasa bahay pa ang iyong asawa at sabik na naghihintay saiyong pagbabalik."

Biro niya sa akin. Oo nga, naghihintay sa akin ang aking magandang asawa na si Rizalie kaya pagbubutihin kong palagi ang pagtatrabaho para sa aming dalawa.

----------------------

Patapos na kami ni Mang Alberto sa pag-aani nang may biglang may bumagsak na kung ano sa kalapit na taniman.

Hininto namin ni Mang Alberto ang aming ginagawa upang usisain kung ano ito.

Agad kaming pumunta sa lugar.

Pagdating namin doon ay bumungad sa amin ang isang babaeng walang malay. Nagdulot din ng pagkabuo ng malaking butas sa lupa kung saan bumagsak ang babae.

"Iho, anong nangyari sa kanya at saan siya nanggaling?"

Iyan din ang namumuong tanong sa aking isipan ngayon. Paano napadpad sa bukirin ang babaeng ito?

Una ng kumilos is Mang Berto.

"Halika tulungan natin iho at tiyakin kung buhay pa ba siya."

Dali dali naming pinuntahan ang babae. Hinawakan ko ang kanyang pulso, at sa kabutihang palad ay buhay pa naman siya.

"Buhay pa siya Mang Berto, dalhin na natin siya sa pagamutan upang masuri kung nasa maayos ba siyang kalagayan."

Ayon kay Mang Berto, hindi naman namin kaagad madadala sa pagamutan ang babae, dahil kailangan pa naming maglakbay ng isang araw upang makarating doon.

Nagpresenta ako na ako nalang ang magbubuhat sa babae patungo sa bahay dahil baka ay may masamang tao na magnakaw sa mga naani naming mga gulay at prutas.

"Sigurado ka ba iho?"

Tanong sa akin ni Mang Berto. Tumango ako upang siguraduhin na ligtas kaming makakabalik sa bahay.

"Opo Mang Berto, alam ko na po ang daanan pabalik sa bahay kaya't huwag na ninyo akong alalahanin pa."

"Sige sige, dahil ikakarga ko na din itong ating mga naani sa kalabaw. Magkikita na lamang tayo sa bahay iho."

"Sige po, mauna na kami."

Tinapik ng matanda ang aking balikat at agad kong binilisan ang paglalakad patungo sa bahay.

Habang buhat-buhat ko ang babaeng ito ay nararamdaman ko din sa aking tenga at leeg ang kanyang paghinga na isang magandang indikasyon na may buhay pa siya.

Makalipas ang 40 minutong paglalakad ay naaninag ko na ang bahay nila Mang Alberto.

Unang bumungad sa akin si Aling Anita na kinukuha ang mga nakasampay na damit.

Nagulat siya nang mapansing niyang may dala akong isang walang malay na babae.

"Sino iyan iho? Bakit wala siyang malay? Nasaan si Alberto?"

Sunod-sunod na pagtatanong sa akin ni Aling Anita.

"Opo Aling Anita, ikukwento ko po mamaya ang mga nangyari. Ligtas at nasa maayos pong kalagayan si Manong Berto. Sana po ay bigyan muna natin ng paunang lunas ang babaeng ito."

Agad na kumilos si Aling Anita upang kunin ang mga kakailanganing gamit, ako naman ay naghanap ng bakanteng silid sa bahay at doon inihiga ang babae.

Habang inaasikaso ni Aling Anita ang babae ay nagpaalaman muna ako sa kanya na babalikan ko si Mang Berto sa bukid.

Nasabi ko narin sa kanya ang mga nangyari na lubos niyang ikinagulat.

"Sige iho, mag-iingat ka. Sana ay ligtas kayong makabalik dito sa bahay. Nga pala, nandoon si Teodora sainyong silid at nagpapahinga. Mukhang hindi maganda ang kanyang pakiramdam kaya sana ay mag-iingat kayo."

Pupuntahan ko pa sana si Rizalie sa aming kwarto pero halos magga-gabi narin at baka ay mahirapan na si Manong Berto dahil sa madilim na daan.

Sa paglabas ko ng bahay ay tinignan ko na lamang aming silid na nasa ikalawang palapag at ako'y nagpatuloy na sa paglalakad.

"Babalik ako mahal kong Rizalie. Hintayin mo ako mahal."

Rizalie Delgado

Nagising ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog nang mapansin ko na wala pala akong katabi at wala dito si Francisco sa kama.

Bumangon ako at tinignan ang orasan.

3:30 AM.

Madaling araw na pala.

Hinawakan ko ang aking noo kung may lagnat pa ba ako.

Hmmm. Konting-konti na lang. Maayos narin naman aking pakiramdam.

Inilibot ko ang aking buong paningin sa kwarto pero wala talaga si Francisco.

Napagdesisyunan ko na ring bumaba sa kusina at sala na baka ay naroon lamang siya.

Pero wala siya sa mga lugar na iyon.

Nakakahiya din namang gisingin sina Aling Anita at Mang Berto sa oras na ito.

Biglang sumagi sa aking isip na baka ay may masamang nangyari kay Francisco o baka ay sumama na siya sa ibang babae?!

Kinalma ko ang aking sarili at inalala kung gaano ako kamahal ni Francisco.

"Okay Rizalie, chill ka lang okay. Baka ay may pinuntahan lang saglit si Francisco at babalik din siya mamaya. Kung may masama mang nangyari sa kanya ay tiyak na ipapaalam nila saiyo, iyon okay. Huwag kang ma-praning."

Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang aking mga kamay at uminom ng tubig sa kusina.

"Babalik na nga lang ako sa pagtulog. Sigurado na sa aking paggising ay katabi ko na si Francisco at bibigyan ko talaga siya ng pinakamahal niyang regalo sa lahat."

Sambit ko sa aking sarili habang nakangiti.

Papanhik na sana ako ng hagdanan nang mapansin ko ang bukas na silid na nasa bandang kaliwa nitong bahay.

Nakabukas din ng marahan ang ilaw sa kwartong iyon.

Sa pagkakaalam ko ay bakante ang silid na iyan.

Out of curiosity ay pinuntahan ko ito at sumilip ako mula sa pintuan.

Pagsilip ko ay nagulat at lubusang nadurog ang aking puso sa aking nakita.

Tuloy-tuloy naring pumatak ang aking mga luha.

Si Francisco na siya kong inalayan ng aking pag-ibig at buong sarili ay may kahalikan ngayong isang babae.

~Nobalilong x

History Repeats Itself (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon