Kabanata 12

179 17 14
                                    

Rizalie Delgado

Habang patakbo kaming naglalakad ni Francisco patungo sa kwarto namin ni Kuya Joseph ay samu't saring mga bagay ang pumasok sa aking isipan.

Akala ko ay isang mabuting tao si Protacio.

Akala ko ay uunawain at rerespetohin niya ang aking desisyon patungkol sa pag-iibigan namin ni Francisco.

Ibang-iba na siya sa Protacio na una kong nakilala.

Siya ang hari ng Kaharian ng Elena na may mabuting kalooban, at palaging iniisip ang kapakanan ng kanyang buong nasasakupan.

Hindi ko kailanman inisip na may itinatago pala siyang kasakiman at kasamaan sa kaibuturan ng kanyang puso.

Sa kadahilanang kaya niyang paslangin ang kaniyang kababata at pinakamatalik na kaibigan.

At higit pa sa mga bagay na iyan, ay gagawa siya ng hakbangin na ako pakasalan ng sapilitan na labag sa aking kalooban.

Gusto ko mang maawa kay Protacio sa mga oras na ito dahil damang-dama ko rin mula sa kanya ang kalungkutan at pagkadismaya.

Ngunit, galit at poot ang namamayani ngayon sa aking puso.

"Nandito na tayo Rizalie." Sambit ni Francisco nang marating na namin ang pintuan sa silid namin ni Kuya Joseph.

Binuksan namin ang pintuan at nagulantang kami nang maratnan ang kwarto namin ni Kuya Joseph na magulong-magulo na parang may kung sinong pumasok dito ng sapilitan.

"Kuya Joseph? Kuya? Nasaan ka?"

Halos pahagolhol kong sambit, hindi maari. Hindi kasama sa kasunduan ang panananakit sa aming mga mahal sa buhay at kamag-anak.

Punong-puno na ako sa kadalamhatian sa araw na ito.

Una ay ang pagtugis sa amin ni Francisco, at ang kasunod naman ay ito...ang kaligtasan naman ng aking kapatid.

Kailan ba titigil ang mga nangyayari ngayon?

Gusto ko ng mamuhay ng mapayapa kasama si Francisco at ang aking pamilya.

Hindi ko na tuluyang napigilan ang pagtulo ng aking mga luha at ako'y umiyak.

Pumunta ako sa higaan ni Kuya Joseph at hinagkan ang librong binabasa niya kanina.

"Kuya, kahit napaka-mean mo sa akin mula pa noong bata pa tayo, at palagi mo akong sinasabihan na dimwit at imbecile dahil mahina akong makacatch-up sa mga idea at flow ng utak mo. Pero kuya, mahal na mahal kita."

Mahigpit kong hinagkan ang libro ni Kuya Joseph, at sinariwa kung paano siya naging isang mabuting kuya at kapatid sa akin sa mga huling sandali niya sa mundong ito.

"Hoy yong libro ko basang-basa na yan ng luha, laway at sipon mo."

Habang ako ay umiiyak ay naririnig ko parin ang tinig ni Kuya Joseph gamit ang kaniyang mga nakakaasar na tono ng pagsasalita.

Naramdaman ko nalang ang paglapit sa akin ni Francisco. Hinagod-hagod niya ang aking likuran upang ako ay patahanin, at may ibinulong siya sa akin.

"Nasa harapan natin si Joseph, Rizalie, buhay siya."

Biglang nanigas ang aking buong katawan sa narinig.

Hindi ko muna inangat ang aking mukha na nakasalampak sa libro ni Kuya Joseph.

Sumilip ako ng kaunti kay Francisco.

"Sigurado ka diyan?"

Tumango lang si Francisco sa akin.

History Repeats Itself (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon