Kabanata 8

513 20 10
                                    

Rizalie Delgado

"Ako magiging reyna? Sigurado ba kayo jan? Baka na misinterpret niyo lang ang propesiha?"

Ano ba yan, naligaw lang ako sa kaharian na ito, magiging reyna na kaagad? Pwede maging princess muna? Atat kayo eh.

"Oo binibini, ikaw ang katuparan sa propesihang matagal ng pinanghahawakan ng buong kaharian ng Elena." Tumingin sa akin ng mata sa mata ang matanda, bakas din sa kanyang mga mata ang kasiyahan at pananabik. Gaano na ba katagal hinihintay ng kaharian na ito ang pagdating ng itinakdang dalaga?

"Bakit ako? Baka naman na may darating pang ibang dalaga na siyang katuparan ng propesihang iyan?" Nagkamot na ako ng ulo dahil sa hindi maipaliwanag na mga pangyayari. Hindi pa magawang magsink-in sa aking utak ang mga rebelasyon ito.

"Alam namin na ikaw ang itinakda. Sa kaibuturan ng aming puso at kaisipan ay alam na alam namin na ikaw na nga iyon. Lubos kaming nakakasiguro na ikaw iyon, mula pa saiyong kasuotan hanggang sa iyong pananalita ay bakas na bakas saiyo ang pagigiging itinakda. Nawa'y matulungan mo ang buong kaharian ng Elena na matamo ang ninanais nitong kasaganaaan at kapayapaan."

Biglang lumuhod sa aking harapan ang tatlong matandang lalaki na labis kong ikinagulat. Pati si Francisco at Protacio ay nagulat rin sa ginawa ng tatlong matanda.

Tumayo si Protacio pero naunahan ko na siya at inalalayang tumayo ang tatlong matanda mula sa kanilang pagkakaluhod.

"Tumayo na ho kayo, huwag po kayong lumuhod sa akin. Ipagpapauna ko lang po sana sainyo na hindi ko po maipapangako na tatanggapin ko ang pagiging reyna ng Elena, pero pagsisikapan ko pong maghatid ng kaunting tulong sa kahariang ito sa kahit anong paraan."

Nginitian ko sila, hindi ko talaga matatanggap sa mga oras na ito ang inaalok nila sa akin dahil ang una ko pang dapat gawin ay makabalik sa aking pamilya. Baka nag-aalala na sila mama, papa at Kuya Joseph kung nasaan na ako.

Tumayo si Protacio mula sa kanyang pagkakaupo at pinagitnaan kami. "Tama ang ating bisita, hindi kailaman nating pwedeng ipilit ang ating kagustuhan sa kanya. Hintayin na lamang natin na siya na mismo ang magdesisyon kung nais ba niyang mamalagi rito at maging kabahagi ko. Sa ngayon ay maari muna kayong umalis at asikasuhin ang ating mga tala-aklatan at turuan ang mga iskolar."

Umalis ang dalawang matanda dala-dala ang mga libro ngunit nagpaiwan ang isa sa kanila. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kanang kamay. May ibinulong siya sa aking mga salita na hindi ko na narinig dahil hina ng pagkakasambit niya.

"Po?" Yumuko ako ng konti upang marinig ang iba pa niyang sasabihin. Ngumiti siya sa akin at nagsalita. "Huwag na huwag kang magmamahal ng sabay. Dapat ay pumili ka ng "isa" na iyong mamahalin."

Pagkatapos niyang sabihin ang pangungusap na iyon ay umalis na din siya bitbit ang ilang mga libro.

Ano na bang nangyayari sa lugar na ito? Puro sila pahiwatig. Hindi nalang agad sabihin ang kahulugan ng mga sinasabi nila. May mga pabugtong pa na huwag akong magmamahal ng sabay at dapat pumili ako ng dapat mahalin? Nakakaimbyerna na ha, hindi ko magets.

Naputol ang aking pag-iisip ng biglang magsalita si Francisco.

"Anong kabahagi?" Tumayo si Francisco mula sa kanyang pagkakaupo na parang gulat na gulat sa sinabi ni Protacio.

Tumango si Protacio at tumingin siya sa akin. "Ang pagiging reyna ng Elena ay nangunguhulagan ding magiging asawa ko si Rizalie."

Nandilat ang pareho kong mata sa narinig, kanina lang magiging reyna ako bakit biglang napunta sa kasalan at asawahan? Ganito ba ka fast forward sa lugar na ito?

History Repeats Itself (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon