Kabanata 10

298 14 1
                                    

Rizalie Delgado

"Totoo ba ang sinabi mo Joseph? Isa lamang ba akong tauhan sa libro?"

Oo, alam kong hindi totoo ang mundong ito.

Oo, alam kong isang tauhan lamang sa isang libro si Francisco.

Oo, alam kong ang Elena ay kathang isip lamang sa panulat ng may-akda nito.

At oo, sa simula pa lamang ay niloloko ko na ang sarili ko.

Si Kuya Joseph ang pinakamatalinong tao na kilala ko. Kaya niyang e-analyze ang mga nangyayari at mga bagay-bagay sa pamamagitan lamang ng maiging obserbasyon sa kaniyang paligid.

Kaya niyang magbigay ng kahulugan at tamang konklusyon sa bawat bagay kahit wala siyang ideya kung ano ito.

Kaya hindi na nakapagtataka na alam niya na ang lugar na ito, ang Kaharian ng Elena, ay hindi totoo.

Napakasakit tignan ang minamahal kong si Francisco. Siguro ay kinokwestyon niya kung ano ba talaga ang silbi niya sa mundong ito.

He's attesting his self worth as a person, or as a book character.

Gusto ko siyang lapitan, hagkan at e-assure na hindi totoo ang mga narinig niya kanina.

Na ang lahat ng sinabi ni Kuya Joseph ay biro lamang para makaganti sa pagtawag sa kanya ng pandak.

Pero...

Nangyari na ang nangyari.

Nasa palasyo kami ngayon ni Protacio. Ang sabi ni Protacio ay dito muna kami pwedeng mamalagi hanggang sa hindi pa namin alam kung papaano kami makakauwi sa tunay na mundo, ang aming mundo ni Kuya Joseph.

Nasa isang kwarto kami ni Kuya Joseph na may dalawang kama. Si Francisco naman ay nasa katabing kwarto.

Simula nong marinig niya ang katotohanan ay hindi pa niya ako kinakausap.

Napakablanko ng kaniyang pagmumukha na parang isa siyang ibang tao.

Nakaupo ako ngayon sa kama nang tabihan ako ni Kuya Joseph then he patted my back.

"Everything will be alright sis. Don't worry okay? Let's just give Francisco some spare time to handle his self and to think. Magiging okay din ang lahat. Diba mahal na mahal mo siya? Well, panindigan mo and stay at his side always. Love will keep you and Francisco both alive. Ano ba yan, simula nong napunta ako dito sa Elena I'm sounding so gay na, at napapadalas narin ang pagsasalita ko ng tagalog. Pero masaya ako na for the first time ay nagampanan ko narin ang pagiging kuya ko saiyo, you know, giving some advices and all. Give Francisco some alone time muna okay? Approach him when you're both ready to accept the truth. By the way, I believe na mabuting tao si Francisco and I don't have any objection to him being your boyfriend, as long as you're happy, then I will be happy too. Good night sis."

Umalis si Kuya Joseph at nagtungo sa kaniyang kama at nagsimulang magbasa ng libro. Hanggang dito ba naman ay may bitbit pa siyang libro?

But, yes, kuya was right. This is the very first time he showed this side of him na kuya na may pake pala sa akin, and my feelings also. I thought na nandiyan lang siya sa tabi ko to correct me all the time, because my kuya is close to being perfect din naman. He's a perfectionist. Pero hearing all those words coming from his own mouth is so touching. Pwede na siyang maging guidance councilor sa galing niyang mag advice.

Bibigyan ko muna ng space and time si Francisco to collect himself not just physically, mentally but of course, emotionally.

Walang magbabago sa pagmamahal ko sa kanya kahit alien pa siya or isang ogre, at kahit isa siyang tauhan sa isang libro.

History Repeats Itself (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon