Kabanata 3

996 37 16
                                    

Joseph Rizal Delgado

My sister was vanished into thin air.

That was the very preternatural thing that ever happened to my 18 years of existence.

Naglaho nalang bigla sa aking paningin si Rizalie. I shake my head left and right na baka magising pa ako sa panaginip na ito, na isa lang to sa mga supernatural nightmares ko which includes flying, sorcery, magic at marami pang iba. The books I read before going to bed usually reflects what will be my dream for the whole night.

But this isn't a dream. I stand still with my mouth agape, blink my eyes consequently to wake my nerves. After sensing that my blood circulates well, I try to move and make a step going to bed where Rizalie disappeared.

I touched the bedsheets. Kinapa ko ito pati narin ang mga pillows na baka pina-prank lang ako ni Rizalie at nakatago lang pala siya within this sheets. But I failed.

Then I saw a book which Rizalie read and touched awhile ago. The book itself doesn't have any title on it. Nakakapagtataka naman.

I opened the book and read it silently, the words that has been used is very interesting and archaic until I stopped with these phrases, Magliligtas sa iyo sa anumang kapahamakan at kasamaan.

I have the urge to read it loudly as what Rizalie done but my mind is fighting, that what if I undergo the same process? I want to help my sister to come back here safely with no scratches. But how? I am afraid, and I hate that I'm such a senseless coward having no guts to save my little sister.

After staring to those words that seems to be a millennium, I eat my fear and say it louder.

Rizalie Rain Castillano

Nagising ako ng may maramdaman akong malagkit na bagay na lumapat sa aking pisngi. I started to open my left eye slowly at ng nasanay na ako sa liwanag ay binuksan ko naman ang kanan kong mata.

Umupo ako at inaalala ang mga nangyari. The last thing that registered to my mind is I'm reading a book that is dedicated to mom and Joseph standing in the door with my phone in his hands. After that, napunta na ako sa madamong lugar na ito.

Teka lang, I refreshed my memory and remembered that I was reading a phrase that seems so magical. I tried to think harder pero parang sumuko na ang aking braincells at nagshutdown. Nagsisink-in parin sa aking isipan kung paano ako nakarating rito, kung nasaan na ako at marami pang iba.

Nagising ako sa aking diwa ng biglang tumahol ang aso na gumising sa akin. I reached for her, I think she's a girl and pat her head.

Tinitigan ko siya and smiled at her.

"Thank you doggy for waking me up huh? I don't have any dog food to feed you up pero kung makakakita ako sa mall I'll buy you one okay?"

She barked lively and cheerfully. She even jumped at me na parang nagpapakarga.

Nang kakargahin ko na siya, a man suddenly appears and raised his voice to me.

"Bitiwan mo sya! Akin ang asong iyan!"

Bigla syang lumapit sa akin at hinablot ang aso na nasa aking mga bisig.

"Inaano ba kita manong? Your dog just want to play with me and I don't have any intentions to take this cute little dog without any permission!"
I stared at him wickedly.

"Dayo ka ba rito? Hindi ko naiintidihan ang iyong mga sinasabi. Iba ang ginagamit mong linggwahe sa aming nakasanayan sa baryong ito. "

"Saan ba ako napunta? Hey hey hoe it's 2016 and still meron paring tao na hindi marunong ng english? At tsaka-wait! Saan ka pupunta?"

Humakbang ako patungo sa kaniya. Iwawaksi ko muna ang reminder nila mom na don't talk to strangers dahil parang napadpad ata ako sa di-pamilyar na lugar and I need someone to accompany me to bring me back home.

Tumalikod sya sa akin at nagsimulang maglakad palayo.

"Wait lang ho manong! Hwag mo akong iiwan rito! Paano kapag may mababangis na hayop ang biglang magpakita at kainin ako? Mga ahas? Kapre? Agta? Aliens?"

"No offense manong ha but I'm a blessing to this earth! Teka lang ho!"

Patuloy paring naglakad si manong habang kalong-kalong niya si doggy. Dahil sa ayaw kong maiwan doon mag-isa sa damuhan at papalapit narin ang pagsapit ng gabi ay napagdesisyonan ko nalang na sundan siya ng palihim.

Patuloy ko lang sinundan si manong dahil baka naman siguro ay nakatira sya malapit sa may bayan at mula doon ay makakapagtanong na ako kung nasaan na ako at paano ako makakabalik patungo sa amin.

Sinikap kong hindi sya makahalata at hindi niya ako mapansin ng kahit kaunti manlang.

Nabigla ako ng siya ay tumigil at agad din naman akong nagtago sa isang puno.

"Ano bang tingin mo sa akin manhid? Lumabas ka na nga jan. Para kang tulisan na sinusundan ang iyong bibiktimahin."

Humarap sya sa aking direksyon at tinitigang mabuti ang puno na aking pinagtataguan.

"Sige na. Labas na jan, sige iiwan nalang kita dito sa masukal na gubat na punong-puno at hitik na hitik sa mga ahas, uso, insekto at mga aswang."

Bigla akong napabalikwas at lumabas sa aking pinagtataguan.

Halos isa't kalahating oras din ang inabot ng aming paglalakad hanggang sa may matanaw na kaming bayan.

Mula dito sa burol na aming kinaroroonan ay makikita mong lahat ang buong bayan mula sa mga kabahayan, palengke, tindahan at marami pang iba. Ngunit ang labis kong ikinamangha ay may nakatayong palasyo sa gitna ng bayan. Lumingon sa akin si manong at ngumiti, tumahol naman ng masigla ang aso.

"Maligayang pagdating sa kaharian ng Elena."

Comment. Vote. Follow.
~Nobalilong x

History Repeats Itself (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon