Kabanata 6

384 14 5
                                    

Rizalie Delgado

Kasalukuyan ko ngayong pinapakain ang mga nakababatang kapatid ni Francisco. Tatlo ang nakababatang niyang kapatid, isang lalaki at dalawang babae na nasa mga 6-10 years old lamang.

Nakakapighati din dahil may malubhang sakit ang kaniyang inay na nakaratay sa higaan.

Kaya pala masayang-masaya siya sa salapi mula sa benta namin sapagkat tinutulungan pala niya ang kanyang pamilya.

Payak lamang ang kanilang pamumuhay, tagpi-tagpi at gawa lamang sa marupok na kahoy ang kanilang bahay. Marami ding butas ang kanilang bubong kung kaya't sigurado na may tumutulong patak ng tubig dito tuwing umuulan.

Malayong malayo ito sa buhay na aking kinagisnan. Dito ko na lamang napagtanto na mapalad kami sa buhay dahil nakukuha ko ang mga bagay na gusto ko, hindi rin kami namomroblema sa kakainin namin sa pang-araw araw. Nakatira kami sa isang malaki at matibay na bahay.

"Pasensya ka na Rizalie at ikaw pa ang nautusan kong magpakain sa aking mga kapatid at salamat narin dahil sa salaping bigay mo ay nakabili ako ng gamot para kay inay."

Habang pinupunasan ni Mariano ang kanyang inay ay ngumiti sa akin ang kanyang inay at nagsabi din ng pasasalamat. 

"You're welcome, I'm always here to help and when I come back home I'll return here to bring financial support to your family. I will also bring toys for your little siblings. I promise that."

Nakita ko sa kanilang mukha na parang iniintindi pa nila ang buo kong sinabi. Oo nga pala, hindi sila nakakaintindi ng english. Dapat ko na yatang bawasan ang pagsasalita ng english dito para magkaintindihan kaming lahat.  Nagsalita akong muli kay Francisco.

"Pag naka-uwi ako, babalik ako rito para hatdan kayo ng tulong at magdadala ako ng mga laruan para mga kapatid mo.  Pangako yan."

Nabigla ako nang hawakan ng nanay ni Francisco ang aking kamay.

"Maraming salamat iha, napakabuti mong tao."

Kahit may katandaan na ang nanay ni Francisco mababakas parin sa kanyang mukha na noong kabataan niya, siya ay isang napakagandang dalaga.

Nginitian ko siya. "Sana po ay gumaling na kayo kaagad. Huwag po kayong mag-alala dahil may tito po ako na doktor, papupuntahin ko siya dito upang masuri ang kalagayan niyo."

"Nakakagalak namang marinig iyan Rizalie, maraming salamat." Ngumiti siya pabalik sa akin tsaka nahiga mula. Ramdam na ramdam ko ang mabigat na pinagdadaanan ng pamilya ni Francisco ngayon, sana lang ay makauwi na ako para matulungan ko sila.

--------

Kumain kami ng sama-sama sa maliit na hapagkainan nila. Nakakatuwa na hindi kami gumagamit ng kobyertos, at kumakain lang kami ng nakakamay. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang buong hapunan hanggang sa sumapit na ang malalim na gabi.

Natulog ako katabi ang mga nakakabatang ni Francisco.

First time kong mahiga sa isang matigas na kama. Honestly, masakit talaga siya sa likod pero while seeing Francisco's siblings, I was challenged na sa murang edad ay lubos na nilang naranasan ang kahirapan. Sa bahay, I was so spoiled and I get what I want. It feels weird na eventhough nagsiksiksikan kami sa isang kama but I feel really really happy hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog na nakangiti. 

KINABUKASAN

Nagising kami mula sa aming pagkakatulog dahil sa mga malalakas na katok sa mula sa pintuan.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at naalingpungatan. Sino ba kasi iyan? Ang aga-aga pa, masisira ang beauty rest ko nito.

Binuksan ni Francisco ang pinto at humambulat sa amin ang 3 lalaking nakasuot ng armor. Mga kawal ba sila?

History Repeats Itself (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon