Kabanata 15

277 14 12
                                    

Rizalie Delgado

Si Francisco na siya kong inalayan ng aking pag-ibig at buong sarili ay may kahalikan ngayong isang babae.

Aalis sana ako ng matahimik upang hindi nila ako mapansin sa kataksilang kanilang ginagawa nang bigla akong matapilok at tuluyang napahandusay sa sahig.

Dito na ako napansin ni Francisco at agad niya akong nakita. Mabilis naman siyang lumabas sa kwarto.

"Mahal? Anong ginagawa mo dito? Maayos ka lang ba? Teka bakit umiiyak ka?"

Pag-aalalang tanong niya sa akin habang inaalalayan niya akong makatayo.

Agad ko namang binawi ang aking kamay na hawak niya.

"Huwag mo akong hawakan! Walang hiya ka! Nagawa mo akong pagtaksilan at makipaghalikan sa ibang babae! Aalis na ako dito! Maghiwalay na tayo!"

Sunod-sunod kong pangbubulyaw kay Francisco. Naaawa ako para sa aking sarili. Nagawa kong iwan ang lahat para sa kanya pero kataksilan ang igaganti niya sa akin.

Mukhang nagulat si Francisco sa aking mga sinabi. Mababakas mo sa kanyang mukha ang pagkalito.

"Ano? Anong nakipaghalikan? Mahal, maniwala ka sa akin. Hindi ko kailanmang magagawa na makipaghalikan sa ibang babae liban sa iyo. Lumapit ako sa kanyang mukha dahil papatayin ko lang naman sana ang kandila na nasa lamesa. Dahil narin siguro sa dilim ng silid ay hindi mo siguro malinaw na nakita ang totoong nangyari. Mahal, sana ay paniwalaan mo ako. Totoo ang aking mga sinasabi sa iyo."

Lubusan akong nagulat nang biglang umiyak si Francisco sa aking harapan. Lumuhod din siya at patuloy na nagmakaawa sa akin habang mahigpit na hawak-hawak ang aking mga kamay.

Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Francisco na umiyak dahil sa akin. Hindi lang siya basta umiyak, humahagolgol na siya.

Itinayo ko siya mula sa kanyang pagkakaluhod at tinignan siya ng mata sa mata.

"Totoo ba ang iyong sinasabi? Bakit ang lapit-lapit ng iyong mukha sa mukha nong babae?"

Emosyonal akong tinitigan ni Francisco, habang patuloy ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

"Nasa pinakagilid kasi ng silid ang lamesa kung saan naroon ang kandila. Kailangan ko yong patayin dahil baka ay pagmulan pa ng sunog. Mahal, maniwala ka. Maawa ka, huwag mo naman akong iiwan."

Muling pagmamakaawa sa akin ni Francisco.

Iniyapos ko siya patungo sa akin at mahigpit ko siyang niyakap.

"Oo, naniniwala ako saiyo Mahal. Naniniwala ako sa iyong katapatan sa akin. Kaya huwag ka ng umiyak ha? Nagmumukha kang bading niyan."

Pagbibiro ko kay Francisco, naging masaya ako nang ngumiti na ang kanyang labi.

"Teka mahal, sino ba ang babaeng iyan? Bakit nandito siya sa bahay?"

Sasagot na sana si Francisco nang biglang dumating sina Mang Berto at Aling Anita.

"Ano ba ang ingay na iyon? Ang aga niyo namang magising Teodora at Francisco."

Napayuko ako. Nakakahiya naman, dahil sa pagkaeskandalosa ko ay nagising ko tuloy sila.

Inakbayan ni Mang Berto si Aling Alicia at ngumiti sa amin ni Francisco.

"Munting away mag-asawa ba?"

Muli akong yumuko sa harap ng mag-asawa upang humingi ng tawad.

"Pasensya na po talaga. Agad po kasi akong nagsisigaw dito nang hindi ko pa narinig at nalaman ang mga totoong nangyari. Paumanhin po."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

History Repeats Itself (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon