Kabanata 11

231 12 2
                                    

Rizalie Delgado

Hinanap ko ang pamilyar na boses na iyon at doon ay nakita ko si Francisco na nakangiting nakatitig sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman.

Gusto kong maging masaya dahil sa wakas ay nagkita at nagkaharap na kaming muli ni Francisco. 

Sa kabilang banda ay takot at kaba ang aking nararamdaman sa posibleng mangyari sa pakakataong ito.

"Francisco?"

Pagulat na sambit ko. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin na nagsasabing "umalis ka muna dito kung ayaw mo ng gulo".

Pero ngumiti lang sa akin si Francisco at sa di-inaasahan ay unti-unti siyang lumapit sa aking tabi at ako ay inakbayan sa aking kanang balikat.

Ano ba ang nasa isip ng lalaking ito?

Gusto ba niya na mag-away sila ni Protacio? O pinagtitripan niya lang ako?

"Oo tama ang hula mo aking matalik na kaibigan. Kasintahan ko nga si Rizalie."

Tinignan ako ni Francisco na may ngiti sa kanyang labi kasabay pa nito ang pagkindat niya sa akin.

Doon na ako tuluyang nagsalita. Ano ba ang nasa isipan ng lalaking ito? Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari kung hindi ako papagitna sa diskusyong ito.

Ramdam ko ang pagkahinahon ni Francisco pero mas natatakot ako ngayon sa seryoso at walang emosyon na mukha ni Protacio.

Nakakapangilabot ang kaniyang mga matatalas na titig sa aming dalawa ni Francisco.

Inalis ko ang pagkaka-akbay ni Francisco sa akin at humakbang ako palayo sa kanya.

"Ano ka ba naman Francisco huwag ka ngang magbiro dyaan! Hindi totoo iyon Protacio! Hindi seryoso si Francisco sa mga sinabi niya kanina, siguro ay gusto niya lang akong asarin kaya't nasabi niya ang mga bagay na iyon! Huwag mo siyang paniwalaan!"

Kung maari pa lang lumuhod ngayon sa harapan ni Protacio ay ginawa ko na. Gusto kong ma lighten up ang mood ng lugar na ito para narin mawala sa isipan nila ang anumang uri ng karahasan.

Halos mangiyak-ngiyak na akong nakatingin sa mga mata ni Protacio.

Sana ay nababasa niya ang mga salitang gustong sambitin ng aking mga mata, na ayaw kong may mangyaring kapighatian at sakitan sa pagitan nila ni Francisco.

Sa tingin ko ay nakumbinsi ko si Protacio at ngumiti siya sa akin.

Nabasa ba niya ang gusto kong iparating sa kanyang mga salita?

"Oo, Rizalie walang mangyayaring karahasan sa gabing ito. Ngunit ipagpaumanhin mo pero si Francisco ang kausap ko dito, sapat na kung anoman ang mga narinig ko mula mismo sa kanya. Kilalang-kilala ko si Francisco, at alam kong nagsasabi siya ng katotohanan."

Nilapitan ko si Protacio at hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Pakiusap Protacio, maawa ka, matalik kayong magkaibigan ni Francisco. Huwag sana kayong magsakitan, pakiusap."

Halos pahagulhol ko na sambit sa kanya. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

"RIZALIE!"

History Repeats Itself (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon