Kabanata 4

761 31 19
                                    


Azalea Castillano

Pinarada ko ang aking kotse sa tapat ng bahay. Kinuha ko sa back seat ang ilan sa mga pinamili ko na galing sa shopping mall.

Habang bitbit ko ito, tinitigan kong mabuti ang tahanan namin at napangiti ako.

Kontentong-konteto na ako sa pamumuhay namin ngayon ng pamilya ko.

Pumasok na ako sa loob nang mapansin ko na napakatahimik ng bahay. Nasaan kaya sila Joseph at Rizalie?

Wala kaming kasambahay dito dahil nais kong maging hands-on hindi lang sa mga anak ko pati narin sa mga gawaing bahay.

Minsan, pag nagsasabay-sabay na talaga ang gawain dito sa bahay at trabaho pinapatawag ko rito si Aleng Lena, part time maid at siya naring nag-aalaga sa kambal.

Inilagay ko na sa refrigerator ang ilan sa mga pinamili ko, pero napakatahimik talaga ng bahay, hindi ako sanay. Para kasing aso't pusa ang kambal at parati silang nagbabangayan pero in the end of the day ay nagbabati din naman.

Pumanhik ako sa taas, sigurado ako na nandon lang si Joseph sa kanyang kwarto at nagbabasa ng libro habang si Rizalie naman ay nakakatutok sa laptop niya at nag-a update ng blog niya.

Nauna ako sa kwarto ni Joseph, nagulat ako nang pagkapihit ko ng door knob ay agad bumukas ang pinto.

Hindi ugali ni Joseph na hindi mag-lock sa tuwing nagbabasa siya ng libro dahil ayaw na ayaw niyang maistorbo siya. Nakakapanibago.

Pumasok ako sa kwarto at napansin ko na wala si Joseph. Tinawag ko ang kanyang pangalan ngunit walang sumagot sa akin. Pumunta rin ako sa passage door patungong library pero wala rin siya.

Pumunta din ako sa kwarto ni Rizalie pero ganoon din, walang tao at nakabukas lang na laptop ang nakita ko.

Saan ba kasi nagsuot ang mga batang yon?

Patuloy akong naghanap hanggang makaabot ako sa corridor kung saan nandoon ang kwarto namin ni Rain, ang masters bedroom.

Napansin ko na medyo nakabukas ang pinto doon.

Papunta na sana ako sa kwarto ko nang biglang tumunog ang doorbell.

Pumanhik ako pababa, binuksan ang pinto at bumati sa akin ang mukha ng matalik na kaibigan ni Rizalie, si Iya.

"Hello Tita! Nandyan po ba si Rizalie? Nag-usap kasi kami na may bessy-to-bessy heart-to-heart talk kami ngayon with a couple of makeovers and glitters!"

Napaka masayahin talaga ng batang ito, nga pala, anak to ni Aya. Hindi ko pa din nasasabi na magkapit bahay lang kami ni Aya jan sa tapat ang bahay niya. Bestfriend goals talaga ang kinareer namin.

"Teka Iya hija, nakita mo ba ang kambal? Wala kasi sila sa mga kwarto nila medyo nag-aalala na ako."

"Ah wait tita, I think I saw them kanina jan sa garden niyo, nagpi-pictorial si Rizalie for her new blog and Joseph is the you know, alalay and photographer. Baka naman po nandyan lang sila sa di kalayuan, hindi naman sila aalis ng hindi nagpapa-alam diba tita?"

I nod simultaneously habang nakikinig ako sa sinasabi ni Iya, she's right, disiplinado ang kambal when it comes to going out without further permission from me and Rain.

"And tita your house is so spacious kaya, baka nandyan lang sila sa spare rooms niyo."

"You're right Iya, halika come in magpe-prepare ako ng snacks for us."

"Thank you so much tita. You're the best tita ever."

Habang ngumingiti si Iya, pansin na pansin ko na hawig na hawig sila ni Aya. Carbon copied talaga.

History Repeats Itself (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon