Kabanata 5

452 18 6
                                    

Rizalie Delgado

"Maligayang pagdating sa kaharian ng Elena."

Lubos akong namangha sa nasasaksihan ko ngayon, sa mga movies ko lang nakikita ang ganitong mga klaseng lugar. Napaka busy at puno ng kalakaran ang lugar na ito at may nakatayong napakatayog na palasyo sa gitna ng lungsod.

"Tutunganga ka nalang ba jaan o gusto mo iwan na kita dito?" Naglakad siya ng matulin habang nakasunod ang aso sa kanya.

Bigla akong nakabalik sa huwisyo ng magsalita ang kasama ko. Oo nga pala, may kasama pala akong isang masungit na mama dito.

Inirapan ko siya. "Oo na po heto na ako master." Athlete yata ito sa track and field si manong at ang bilis masyado.

Nakarating na kami sa mismong lungsod at medyo natakot ako sa mga tao dito dahil sa kakaibang kinikilos at tingin na ipinapakita nila sa akin. Alien ba ako ha?

Kinausap ko si manong na matulin paring naglalakad. May lakad ba syang pupuntahan? Parating nagmamadali eh. Time is gold lang?

"Kuyang manong hoy! Wala ka bang napapansin? Bakit parang gayon lang ata sila nakakita ng napakagandang babae at ganyan sila kung makatingin sa akin ha? Ang ganda ko ba masyado?" Ngumiti ako ng napakalapad sa kanya and I flipped my hair.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo jaan. Ikaw maganda? Saang banda?" Tumawa siya ng malakas na malakas. Aba, marunong na palang mambara ang mga tao rito kakapanood kasi kay vice ganda.

Tumigil sya sa pagtawa at naging seryoso. "Tinititigan ka nila dahil sa suot mo."

Huminto ako sa paglalakad at tinitigan ang suot kong damit. "Ano namang problema sa suot kong blouse at skirt? Madumi ba? Did they think na cheap lang ito at hindi branded? Excuse me no! I don't wear ukay-ukay so yuck kaya."

Tumigil sa paglalakad si manong at nagsalita. "Wala ang ganyang klaseng pananamit dito sa bayan namin. Kakaiba din ang telang ginamit para dyaan."

Tumango-tango ako sa sinabi niya at inilibot ang aking paningin sa paligid. Oo nga naman, ako lang ang naiiba sa lahat, parang dadalo ata sa SONA (State of the Nation's Address) ng pangulo ang mga tao rito at halos naka barong at filipiniana.

"May point ka naman jan. Pero teka lang, kanina pa tayo nag-uusap pero di pa natin kilala ang isa't isa ano ba ang pangalan mo manong?"

"Francisco." Pabulong niyang sinabi.

"Ah your name is Francisco pala. Nice meeting you Mr. Francisco, I'm Rizalie, 18, BP: 180/20, Philippines!" Nakipag shake hands ako kay Francisco kasabay ang pag-awra.

Mababakas naman sa kanyang mukha ang pagkagulat sa ginawa ko.

Habang tinatahak namin ang buong lungsod ay napansin kong halos kakilala at kaibigan ni Francisco ang bawat tao na malalagpasan namin. Napaka friendly pala ng damuhong masungit na ito.

Nakarating kami sa pinaka palengke ng lungsod nang bigla akong tinitigan ni Francisco sa mata.

"Diba sabi mo, hindi ka taga rito at bago sa paningin mo ang lugar na ito?"

Tumango ako sa kanya. Bigla siyang ngumiti ng napakalapad tsaka ako hinila patungo sa pinakagitna ng palengke. Pinatayo at pinasampa niya ako sa isang lamesa at tsaka siya nagsalita sa mga tao.

"Mga suki mga suki! Bili na kayo! Bagong uring mga damit para sa inyong kasintahan at kapamilya! Murang-murang lang po! Kaya bili na!"

Inangat-angat ni Francisco ang blouse pati narin ang skirt ko sa harap ng mga tao. Nandilat ako sa ginawa ni Francisco at nagsalita ako ng pasigaw na  pabulong sa kanya. "Hoy huwag mo ngang iangat ang skirt ko! Gwapo ka nga, ubod ka naman ng manyak! Maygash makikita nila ang undies ko! At anong tingin mo sa akin model ng avon at natasha? Bakit pinagbibili mo ako?"

Sumagot din siya sa akin ng pabulong. "Yung damit mo ang ipagbibili natin hindi ikaw, siguradong malaking salapi ang kikitain natin diyan. Kaya galingan mo ng makarami tayo. "

Sinigawan ko na si Francisco. "Excuse me! Huwag ang damit ko! Branded clothes kaya ito!"

Nawi-weirdohan na talaga ako sa lugar na ito, ibang-iba ang pananamit ng mga tao, napaka pormal din nila kung magsalita at namamangha sila sa suot kong damit. Nasa panahon ba ako ng Taong Neanderthal at Taong Java? Napaka old fashioned. 

I think very deeply and tried to analyze this strange things that is all happening to me. I look around the place, the people, their way of living and how they socialize. I was thankful na may ideyang pumasok sa isipan ko na maaring makasasagot sa isa sa mga katanungan ko. Kinuha ko mula sa aking bulsa ang tatlong piraso ng Hershey's Chocolate ko.

Nagulat si Francisco sa inilabas kong bagay. Tinitigan pa niya itong mabuti at mukhang nagulumihanan siya. He was very puzzled na parang first time niyang makakita ng chocolate sa tanang buhay niya.

Itinaas ko ito at ipinakita sa mga tao.

"Mga suki! Ito ang mahiwagang tsokolate na kayang makapagbigay ng cavities sa ngipin kaya bili na! Limited offer at very affordable para sa mga open-minded!"

Wala pang isang minuto ay dinumog na ako ng mga tao, at naibenta ko ng lahat ng tsokolate sa halagang 3 pirasong ginto. Masayang masaya si Francisco habang hawak-hawak ang salapi pero ibinigay niya din ito sa akin.

"Hindi pala ito sa akin, sa iyo ang salaping iyan kaya pakaingatan mo." Biglang naging malungkot ang kanyang mukha.

"Hindi. Saiyo na ito Francisco, marami pa kaming Hershey's sa fridge kaya okay lang. Kukuha nalang ako ulit." Ibinigay ko sa kanya ang salapi at ngumiti.

Ngumiti naman si Mariano pabalik at nagpasalamat.

"Maraming maraming salamat Rizalie, para ito kay inay at sa mga kapatid ko, siguradong nagugutom na sila sa mga oras na ito. Pasensya narin at kamuntik ko ng maipagbili ang mga suot mong damit kanina. Halika, bibili tayo ng pang hapunan."

Nagsimula na kaming maglakad ng bigla siyang tumigil. "Rizalie, ano ba yong cavities na sinasabi mo kanina?"

Napabalikwas ako at nag-isip ng palusot.

Isip. Isip. Isip rizalie.

"Ah cavities, hmm cavities, isa yung uri ng friendly monster na pinaparamdam sayo kung paano tunay na masaktan kapag sobra-sobra ang na ang sweetness na pinapakita niya sayo."

Ganyan humugot si Rizalie Delgado!

"Anong koneksyon non sa ngipin?" Tanong ni Francisco sa akin. Oo nga naman anong konek non?

"Hindi,  ang totoo niyan ang cavities, ay plural form ng "Cavite". Maraming cavite kaya naging "cavities".

Humalakhak ako ng mahina at sinapo ang ulo ko. Napaka waley naman ng joke ko oh. Bakit sa lahat ng palusot ay iyon pa ang naisip ko. Nako naman.

Comment. Vote. Follow.
~Nobalilong x

History Repeats Itself (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon