Kabanata 1

1K 39 6
                                    

Azalea Castillano

"Nakakatuwang titigan ang ating mga anak Azalea, dalaga't binata na. Kung noon pa ay mga mununting paslit pa sila." Hinagkan ako ni Rain sa aking beywang at itinukod ang kanyang baba sa aking balikat.  Nasa veranda kami ngayon at masayang nag-e-stargazing.

"Sinabi mo pa, pero hindi mo ba napapansin na parang anti-social na ang mga anak natin? Nagiging introvert na sila kung minsan at ayaw makipaghalubilo sa mga tao na nasa paligid nila."

Kumilas ako sa pagkakayakap kay Rain at humarap sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Kakalipat lang naman din natin rito. Siguradong nag-a-adjust pa sila sa bago nilang nakakahalubilo. "

Tinitigan ako ni Rain sa mata at ngumiti. "Salamat at nandyan ka parati Azalea Castillano now Mrs. Delgado, hindi ko talaga akalain na mararanasan ko ang makapiling ka sa panghabang-buhay at tinulutan mo akong mahalin ka. "

"Ano ka ba, ako nga ang dapat na magpasalamat dahil matiyaga kang naghintay sa akin. Plano ko talaga na tumandang maging dalaga kasama si Aya pero dumating ka. Kahit sa mga panahon ng aking pagkabagsak at pagkakabalisa noong nasa industriya pa tayo. Maraming salamat Rain Delgado. "

Lumapit ako at niyakap si Rain,  hindi ko rin aakalain na ang ultimate crush ko noon ay magiging mister ko na ngayon.  Napakaswerte ko sa kanya.

"Maiba ako ng usapan,  pwede ko na bang malaman kung ano ang nangyari noon?  Nung nagkatrauma ka at saan ka napunta? Hindi parin namin alam hanggang ngayon ang tunay na nangyari sa iyo."

Tinitigan ako ni Rain na mata sa mata. Makikita sa kanyang pagtitig ang panghihinayang at at bakas na bakas ang mga katungan na tanging ako lamang ang makakasagot.

Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kanya. Sa mga oras na ito,  parang jigsaw puzzle na unti-unting nabubuo sa aking isipan ang mga pangyayari na pinilit kong kinalimutan pero hindi ko din naman magawang takasan.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, naghihintay lamang si Rain sa aking kasagutan.

"Okay lang naman din na huwag nalang muna nating pag-usapan ito. Siguradong hindi ka pa handa. Tama ba ako?"

Kasalukuyang nakadungo ang aking ulo at itinaas naman ito ni Rain.  Nasisinagan na ng buwan ang aming mga wangis sa pagkakataong ito.

"Full moon pala no?" Bahagyang nabigla si Rain sa pag-iiba ko ng topic,  siguradong nararamdaman na niya na hindi pa ako handa na pag-usapan ang mga nangyari noon.

"Nakakarelate ka talaga sa full moon dahil kasing laki yan ng mga mata mo. "

Tumawa si Rain ng malakas, que na yan na magche-change topic na kami.

"Hwag ka! Kasing bilog din yan ng ulo mo libog! "

Dinilaan ko siya sabay pasok sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Agad din naman niyang hinila ang kumot pero hindi niya magawang alisin ito sa akin.

"Speaking of libog, halina't magpakarami!  Gawa pa tayo ng bagong kambal!  Tulog na mga anak natin oh. Tsaka hindi rin nila tayo maririnig. "

Pilit hinila ni Rain ang tela pero parang naka ginseng yata ako ngayon. "Heh!  Gumawa ka mag-isa mo!"

Bigla akong niyakap ni Rain habang nakatalukbong ako.  "Ano ka ba naman hon, ang ganyang mga bagay ay kailangan ng teamwork. Gets mo?"

Inilabas ko ang aking ulo at tinitigan siya ng masama.  "Baka hindi teamwork ang mangyari kundi isang whole team ang mabuo sa iniisip mo!  Matanda na tayo Rain at---basta! Matulog na tayo. "

Bangayan, asaran at kulitan ang naghari sa buong gabi namin ni Rain.  Ito ang gusto ko sa asawa ko,  parang magkabarkada lang kami kung magturingan.

Sa mga oras na ito, mahimbing ng natutulog si Rain. Tinitigan ko siya ng mabuti at inayos ang kumot sa nakabalot sa kanya.

Bigla namang napadako ang aking mga mata sa last drawer ng aming side table. Nandito iyon.

Inunlock ko muna at kinuha ang laman ng drawer.

Tinitigan kong mabuti ang bagay na ito.

Hindi parin pala kumukupas ang pangungulila at pagmamahal ko sa iyo.

Pepe.

PS: Ano kaya ang tinititigan ni Azalea?

Comment. Vote. Follow.
~Nobalilong x

History Repeats Itself (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon