8

1K 30 5
                                    

Dalawang buwan na. Lumalaki na ang tyan ko at dapat na itago. Ito pa ang kinababahala ko: mapagchismisan sa school. Nakakahiya para kay han at cheol.

Pero sabi ni han wala dapat ikahiya. Hinding hindi nya ikakahiya ang anak nya.

Inaayos ko ang uniform ko dahil papasok na kami ni jeonghan. Kanina pa sya sa sala naghahantay, magagalit na naman yun.

"Cass! Di ka pa ba tapos?" Katok nya sa pintuan ko. Agad ko naman binuksan iyon at lumabas na.

"Tara na malelate na tayo." Tumalikod na sya sa akin pero hinawakan ko ang kamay nya. Napatingin sya sa akin at yumuko ako.

"I-ikaw na lang pumasok...ano kasi.." basta na lang nya ako hinila palabas ng bahay nang hindi nagsasalita. Di kaya..napapagod na si han sa pag aalaga sa akin?

Isa pa, hindi pa bumabalik sila mama. baka pag dumating na sila malaki na ang tyan ko at di ko na maitatago sa kanila.

Nakarating na kami sa school. Nakasalubong pa nga namin si cheol pero di na namin pinansin at basta na lang nagpunta sa room.

Umupo kami ng tahimik sa upuan namin. Malapit na palang mag time.

"Han...sabi ko ikaw na lang ang pumasok." Bulong ko sa kanya. Napatingin naman sya sa akin.

"And why? Kaya mo pa itago yan dahil di pa ganun kalaki yang tyan mo. Pag tiisan mo na malapit na matapos school year okay?" Pinat nya ang cheeks ko at saktong dumating na ang teacher namin.

Mabilis naman natapos ang dalawang periods bago mag lunch. Kanya kanya nagsilabas ang mga estudyante habang kami ni han naiwan dito sa loob ng classroom.

"What do you want to eat? Wag mong sabihin buko cass." Natawa naman ako ng mahina.

"Bring me na lang sa canteen. First time ko ata makakapasok sa canteen." tumayo na kaming dalawa para pumunta ng canteen.

Habang naglalakad kami, naaamoy ko na yung niluluto sa canteen. Ambaho ayoko na tuloy kumain.

Pinigilan ko si jeonghan habang nagtatakip ng ilong.

"Why?"

"Ambaho ayoko dyan." Sabi ko sa kanya. Napakunot naman ang noo nya.

"Are you kidding me? Beef stake ang niluluto nila nababahuan ka? pregnant girls are weird." Bulong nya sa akin. Napatango na lang ako. Eh mabaho nga kasi.

"Sige, stay here and i'll get the foods okay?" At iniwan na nya ako. Umupo naman ako sa bench para hantayin sya.

Gutom na ako pero di ko alam ang gusto kong kainin. Bahala na sya mamili alam naman na nya siguro.

"Cass." Tumingin ako sa gilid ko, si cheol. Tinapik ko ang bench senyas na paupuin sya. Umupo naman sya.

"How are you?" Tanong nya sa akin.

"I'm fine cheol. Ikaw?"

"I've been miserable, cass. I have always love you and always longing for you. To be honest, inggit ako kay jeonghan. He is able to touch you freely." Napatingin ako sa mata nya. There his eyes again.

They are so lovely.

"I'm sorry cheol-" umiling sya.

"It's not your fault anyway. It's my fault. Wala ka dapat ihingi ng sorry cass. How are you and jeonghan? Kayo na ba?" Umiling ako. Wala kaming commitment, remember? And he said he only likes me. Walang pagmamahal dun.

"Hindi. We are just friends." Sagot ko. Tumango tango naman sya. Hinawakan ko ang wrist nya.

"Mind explaining why did you break up on me? I want to know basta mo na lang kasi ako iniwan." Inalis nya ang pagkakahawak ko sa kamay nya.

"It's complicated cass.. you know. Hindi tayo pwede and basta. Complicated." Ngumiti naman ako at ginulo ang buhok nya.

"So friends? Sabi mo inggit ka kay jeonghan kasi nahahawakan nya ako. Pwede pa tayong maging magkaibigan, kung ano man ang meron sa atin noon, past na yun iba na ngayon" umiling naman sya.

"It's not that simple cass. Anyway, nice talking to you again, at andyan na si jeonghan baka magselos." Nagsmirk sya at umalis na.

Lumapit naman sa harap ko si jeonghan at itinapat sa akin ang plastic.

"Ano to han? Dapat yung hindi mabaho ah. Ayoko nun" binuksan ko ang plastic. Pansit. Hmmm pwede na din.

"Tara na han." Hinawakan ko ang wrist nya.

"Bakit kayo magkausap ni cheol?" Tanong nya agad sa akin.

"Wala. Masama ba?"

"Oo masama." At itinaboy nya ang kamay ko at nauna na maglakad. Ano problema nun?

"Hoy han!" Tawag ko sa kanya pero di nya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Napunta kami sa classroom at basta syang umupo.

"Han, huy bakit?" Pangungulit ko sa kanya pero di nya ako pinapansin.

"Bahala ka nga dyan di ko to kakainin." Umupo na din ako nag cross arms. Narinig kong bumuntong hininga sya.

"I'm jealous, alright?" Tumingin ako sa kanya.

Wait, ano daw?! Jealous?! As in selos?! Totoo?! Teka lang ayaw mag absorb ng utak ko.

"You what?!"

"I'm jealous cass. So fucking jealous. Why are you talking to him? Wala na kayo you should be awkward to each other dahil ampanget ng break up nyo." Napairap naman sya sa akin.

"What?!" Tanong naman nya sa akin dahil nakatitig lang ako sa kanya.

"You said you like me. Hindi ka dapat nagseselos. Ang nagmamahal ang nagseselos. Wait a minute, do you love me?" Napairap naman ulit sya at napakagat ng labi.

"Y-yes." Bulong nya. Napangiti naman ako kaya nayakap ko sya.

"Really?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi naman imposible cass. Sabi mo nga dati, your feelings are genuine so i am taking care of it now. And tama si seungcheol you are like a special gem." Niyakap nya din ako pabalik at hinalikan sa noo.

"At least i have more reasons to hold onto you han."

"Yeah right. Eat that now." Turo nya sa plastic.

"How about you? Di ka kakain?" Umiling sya.

"No. I am fine just eat up okay?" Tumango tango naman ako at nagsimula na kumain.

1004Where stories live. Discover now